Lio's POV
Binilisan ko na ang lakad ko para naman hindi na sila magdalawang isip kung susundan ba nila ako o hindi. Assumera ako eh no?
Sa halos kalahating oras ng paglalakad ko nakarating ako sa isang toreng sobrang taas na halos mabali na ang leeg ko dahil sa sobrang taas. Halos matakpan na ito ng mga ulap. At hindi na matanaw kung hanggang saan.
Lumapit ako duon at bumungad sa'kin ang isang pinto. Huminga ako ng malalim ng may ngiti at unti-unting binuksan ang pinto. Sumilip muna ako pero wala akong matanaw kaya naman nagtuloy tuloy na ako sa pagpasok pero pakiramdam ko kakaibang mundo ang pinasok ko.
Pagpasok ko kusang sumarado ang pinto at naglaho ito. Kakaiba ang paligid dahil kala mo ay nasa impyerno ka dahil sa pulang paligid na mistulang nagaganap ang b****y Moon.
Naglakad lakad na ako dahil parang nasa ilalim din ako ng lupa. Sa paglalakad ko kung ano ano ang sumalubong sa'kin. Mga paniki ang halos pero hindi naman sila nananakit kaya inisnob ko nalang.
Sa paglalakad ko natanaw ko hindi kalayuan mula sa pwesto ko ang isa pang kakaibang pintuan. At habang papalapit ako, papalakas ng papalakas ang naririnig kong tunog ng espada kaya naman binilisan ko. Nabigla nalang ako ng may isang batang halos kaheight ko lang ang tumatakbo papunta sa'kin. "T-Tulungan mo kami! T-tulungan mo sila Lili! T-tulungan mo kami!" Umiiyak na sabi kiya at ramdam ko sa mahigpit na hawak niya sa damit ko ang sobrang takot.
Hinawakan ko siya sa balikat "Tara!" At tumakbo ako kung saan ako nakakaramdam ng malakas na Mahika.
Sa pagdating namin binukas ko ng kaunti ang pinto para silipin ang nagaganap sa loob. May halos 30 Wizard ng nakikipaglaban sa isang Boss Floor na sobrang laki. Muli kong naramdaman ang mahigpit na pagkapit nung batang babae. "P-Please ... "
"F-Floor 1 palang pero bakit ganito na kahirap?" Tanungan ng ilang mga Wizard na nakuha ang attention ko dahil sa sobrang hirap ngayong habulin ang mga hininga nila.
Napansin ko na tumama ang napakalaking espada ng Boss Floor sa Void ng dalawang Wizard dahilan para tumilampon sila at magtamo ng mga sugat.
'Lili! Jacob!" Sigaw ng kasama nila.
Nabalik ang tingin ko sa Boss Floor ng ihanda nito ang napakalaking espada niya papatama sa mga Wizard na walang kalaban laban. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko na hindi tumakbo papalapit sa Boss Floor at kunin ang Dagger na nakasabit sa beywang ko para iblock ang atake niya. Sa pagtama ng Dagger ko sa Espada niya ay duon ko naramdaman ang lakas ng pwersang dala niya. Halatang walang laban ang simpleng Dagger ko sa napakalaki niyang espada. Pero hindi ako sa point na to na magpapatalo--
"Veltióste tin tachýtita (enchance speed)" na ini-apply ko sa buong katawan ko. Iniwan ko ang Dagger kong nasa ere at mabilis na tumakbo sa kamay ng Boss Floor at sinipa siya sa muka niya at tumilampon siya. Pero hindi ko siya titigilan, tumakbo ako ng mas mabilis pa sa kidlat at saka siya sinipa sa tiyan. Sa patuloy kong pag-atake kinuha ko ang dagger ko na ngayon ay pabagsak palang sa lupa at saka inataki ang Boss Floor simula sa baba at hinawi siya sa gitna .. napansin ko na unti-unti na siyang naglalaho kapalit ng ilang gold.
"S-salamat!" Ang sabi ng mga naligtas pero tumango lang ako ng may ngiti dahil batid sa mga muka nila ang pagod at hirap.
Naglakad ako papunta sa isa pang pintuan na hindi kalayuan mula sa pwesto ko. Pintuan na sa tingin ko ay nagdudugtong sa Floor 1 sa Floor 2. At duon napaisip ako, ano nga ba talagang klaseng buhay ang naghihintay sakin dito?
Pagbukas ko ng pinto, isang Village ang bumungad sa'kin na sa tingin ko ay ang Safe Zone na sinasabi ng maraming tao na makikita every clear ng Floor na pwedeng tirhan ng mga Wizard at pagpahingaan. Pero wala akong oras para magpahinga.
Hindi ako tumigil na makipaglaban sa ibat-ibang uri ng mga halimaw na nakakasalubong ko sa loob ng Dungeon. Pero habang papataas ako ng papataas ... papalakas din ng papalakas ang mga nakakalaban ko.
Floor 10, kakaibang mga halimaw na ang mga nakakalaban ko. Malalakas sila dahil hindi lang ako ang mabilis kung hindi nakakasabay din sila sa bilis na meron ako. Pero kahit na ganuon ay nakarating ako ng buhay sa Floor 17, which is ang Safe Zone. Pagpasok mo dito, bubungad ang sayo kakaibang mundo. Parang panibagong bayan nanaman ang napasok ko.
Naglakad lakad ako duon at maraming tao naman ang sumasalubong sa'kin. Halos mga Wizard lang ang nakikita ko. May mga nagtitinda ng mga espada at ng mga kakanin. May mga bahay ring nakatayo na dito na parang nais ng manatili ng mga tao dito sa loob ng Dungeon.
Nilingon ko ang taong bigla nalang humawak sa balikat ko. "Bata, okay ka lang?" Tanong ng isang halos mga ka-age ko lang pero hindi ko kaheight. At pakiramdam ko nangyari na 'to before.
Ngumiti ako sa kanya, "Sorry po ate, ngayon lang po kasi ako napunta dito sa Floor 17"
"Wala ka bang kasama?"
"Meron pero magkikita kita po kami mamaya, hihi ate pwede niyo po ba akong dalhin sa tindihan ng mga Gem?" Sa dami ba naman ng Boss na napatay ko kaya ko ng bumili ng mga nasa 6-9 Gem dahil sa mga Left Items ng mga Boss. Pero alam ko ngayon tumatakbo sa isipan niyo kung paano ako nanatiling buhay ... dahil 'yon sa agimat ko WAHAHA! chos, syempre dahil may Magic ako. Yun lang 'yon.
Ngumiti siya "sure bakit hindi diba?" At nagsimula na kaming maglakad.
"Ako si Tracy, isa akong Elemental katulad ng kapatid ko"
"Ako si Lio, wala simpleng type lang ng Wizard. Hihi pero atleast hawak ko ang speed"
"Speed Type Magic, ayos rin pala ang magic mo ah? Hahaha. Pero anong nagtulak sa'yo na sumama sa isang Party para maging Frontliners?"
Umiling ako ng may ngiti "Hihi, wala lang. Gusto ko lang maramdaman na Wizard din ako. Alam ko rin namang wala akong laban sa mga Wizard na naghahangad na matalo si Eliza at maging Hero ng EnCharmzia"
"Pero alam mo ba na hangad din ng grupo namin 'yon?" Nakangiti niyang tanong kaya nilingon ko siya "Hindi ang maging ganap na isang Hero kung hindi ang talunin si Eliza at makabalik sa totoong mundo natin" dugtong niya.
Hindi ako nagsalita at hinayaan siyang magpatuloy sa sinasabi niya. "Nagbuo ako ng isang Party para sa pangarap na 'yon. Maraming nagsusuicide dahil sa mga nangyayari ngayon. Ayaw kong makakita ng mga malulungkot na muka ng mga naiiwan nila ... kaya isa lang talaga ang pangarap ko, ang makalaya sa pekeng EnCharmzia"
"Nabanggit mo kanina na may kapatid ka. Bakit hindi mo nalang ipasa ang Mission na 'to sa mga Ranking Wizard ngayong alam mo na ang mararamdaman ng kapatid mo sa oras na may mangyari sa'yo?"
"Woah, matured ka na ata ah? Hahaha. Pero minsan ko naring naisip 'yan. Floor 9, kasama ako sa mga Wizard na may matitinding natamong sugat. Nanatili kami sa Floor 9 ng isang araw para makapagpagaling ng sugat kahit papaano dahil halos naubos na ang mga Gem namin. Nung mga oras na 'yon naisip ko ang kapatid ko at mga magulang ko dahil ayaw ko pa silang iwan. Sila ang nagiging lakas ko para lumaban at kung sakaling may mangyari mang masama sa'kin, mas mabuting hindi ko na makita ang mga lumuluha nilang mga mata"
"Hindi nababalik ang buhay ng isang tao ate Tracy, kaya mas mabuting pag-isipan mo ng mabuti 'yan" nakangiting sabi ko sa kanya at tinuro ko ang isang shop na kita ang loob na puro Gem "Paano Ate Tracy, kitakits nalang ulit. Ayun na ang shop ate kaya ko na 'to mag-isa. Salamat ulit!! See ya!"
Nagwave back siya sa'kin ng tumakbo na ako palayo. Sa pagtalikod ko sa kanya, nawala ang mga ngiti sa labi ko.
Tama lang ang naging desisyon nila Rius at Ryu, dahil wala akong sapat na lakas ngayon para protektahan sila. Hindi ko maibabalik ang buhay nila sa oras na mawala ito sa kanila.
To be continued ...