Nabalik ako sa reality ng bigla akong atakihin ni Eli. Napangblock ko ang Void ko "Itigil na natin 'to, Eli. Masyado ng maraming taong nasaktan. Tama na .. " Nabigla siya sa sinabi ko at napansin kong nagluha ang mga mata niya. "That's my point. Hindi ko hahayaan na mabaliwala ang mga sakit na naranasan nila, hindi ako titigil hanggat hindi ko nababalik ang dating ikaw" umikot siya at at bigla nalang ako sinipa patagilid dahilan para tumilampon ako ng napakalakas at bumangga sa pader. Hindi ko alam pero napapangiti ako. Ang lakas talaga niya. Mas lumakas pa siya .. "Epíthesi diáspasis gis (Earth Scatter Attack)" sobrang bilis niyang naiwasan ang maliliit na ataki ni Rius at nagpatuloy si Eli sa paglalakad papunta sa lugar ko habang ako pilit na tumatayo. "Sýndesi aímatos (Blood Binding)

