Lio's Pov "Dumating din ang araw na 'to, Vei" bungad sa'min ni Eliza na nararamdaman kong may kalayuan mula sa lugar namin. Nakarinig kami ng mga footstep at hindi nagtagal ay nagkaroon din ng liwanag na tumama sa kanya "Sa pawis niyo na 'yan, I think nawarm-up na kayo, especially you, Vei" dugtong pa niya. Tumango ako "Sa totoo lang kahit hindi mo na gawin 'yon. Mukang naabala ka pa namin. At ang isa pa, h'wag mo akong matawag na Vei na parang ikaw ang kilala kong Eli" Napansin ko naman na nagkaroon ng pagtataka sa buong room. Hays, to think na hindi pa pala sila aware. Well, para namang nabanggit ko sa kanila diba? "Ang nasa harap niyo ngayong Dark Wizard ay si Eli, Eliza Vali" napapabuntong hininga pero seryoso kong sabi habang si Eli ay nakangiti lang at ang mga kasamahan ko naman

