"Thank Geo sa lahat" nakangiting sabi ni Lio sa nahihiyang si Geo. "H'wag niyo ng isipin 'yon. Lumakad na kayo, marami pa kayong lilinising Floor" nakangiti din naman sagot ni Geo. "Aalis na kami. Salamat Geo" sabay naming sabi ni Myles. Tumango si Geo "Mag-iingat kayo" "Magkita kita nalang tayo, sa totoo nating mundo" sabi ni Lio na ikinabigla ni Geo at tumango nalang nalang ng may ngiti. Hindi rin nagtagal ay nagsimula narin kaming maglakad. Mabilis lang naming nalinis ang mga Floor, siguro dahil ngayon na free ng gamitin ni Lio ang mga Void at Mahika niya at kami na ngayon ay nakakagamit narin ng Mahika. Pero hindi 'to nagtagal nang marating namin ang Floor 98. "And here comes the big one- or should I say three? He.he.he" biro ni Lio pagkabukas namin ng Boss Room ng Floor 87 at ma

