Isang napakalakas na hangin ang nagpagigising sa'min. Nang tignan ko kung saan 'to nagmumula, ito ay sa paligid ni Lio. Nakaturo ang kamay niya kay El Fin na nasa Ere habang hawak ang Dagger niya. Tinaas niya pa ang kaliwang kamay niya kapantay ng isa niyang kamay. Nakapwesto ito na parang Bow at Arrow ang hawak niya. Napansin naming mas lumakas pa ang hangin sa paligid niya at bigla niyang binitawan ang Dagger niya na ngayon ay papunta na kay El.Fin na ngayon din ay sumasalubong dito. Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano iiwas ni El Fin ang balikat niya para hindi tumama ang Dagger sa dibdib niya at dirediretso siya kay Lio na nakatayo parin. Malapit ng tumama ang void niya pero bigla siyang bumagsak sa lupa, sa harap ni Lio. Hawak niya ang dibdib niyang bigla nalang dumugo maging

