CHAPTER 4 - Pictures to fall

1759 Words
(Recent time) After Flashback: "Tsk! Pinagpala ka nga naman talaga ng kamalasan oh! Alam mo bang si Satanas ang bumili sa'yo?" Nasa silid ako ngayon kung saan kinukuha ang mga naisubastang babae at kasalukuyang nakaupo. Inaantay matapos ang naturang subastahan upang kunin na ng taong nakabili, nang lapitan naman ako ng lalaking bumugbog sa'kin ng huli kong tangkaing tumakas. Nakatayo ito mismo sa harap ko. "Anong ibig mong sabihin?" Kahit hirap dahil sa collar at leash na nakakabit sa leeg ko ay sinikap kong magsalita. Nahihiwagaan kasi ako sa minsaheng nais niyang iparating. "Ang lalaking malamang ay siya ring magbabaon sa'yo sa hukay ay si Mr. October o Mr. O lang naman! Ika-sampung anak at nag-iisang lalaki ni Lord Memoir. Nagmula sa angkan ng pinaka masasamang tao sa kasaysayan, ang angkan ng mga Heartfeelia! Nabibilang sa labin-dalawang magkakapatid na bayarang mamamatay-tao, o mas kilala sa tawag na Calendar Siblings dahil sa mga pangalan nilang nagmula sa buwan ng kalendaryo simula sa panganay na si Ms. January hanggang sa bunsong si Ms. December!" Calendar Siblings? Anong pauso iyan? Kung anong ganda ng itinunog ng pangalan nila, siya naman yatang ipinangit ng pagkakakilanlan nila. Heartfeelia Clan? Parang narinig ko na ito dati? Ngunit bakit hindi ko maalala kung kanino o saan? "Walang habas at walang sinisino ang magkakapatid na iyon sa pagpatay! Dahil sa angkin nilang galing sa larangan ng pagpapatumba, impluwensya at yaman ng angkan kaya sila ang itinuturing na panginoon ng lihim na samahang ito! Kung ako sa'yo, ipahatid mo na sa kalapati ang mga huling habilin mo dahil tiyak na kaya ka lamang binili ni Mr. O ay upang gawing laruan. Gigilitan ka niya marahil ng paunti-unti at ipapakain sa buwitre iyang katawan mo habang gagawing display sa bahay nila iyang ulo mo! Sayang, ang ganda mo pa naman!" Tila kinilabutan ako ng hagurin ako nito ng malagkit na tingin. "Kung hindi ka lang inilaan para sa mataas na halaga, natikman sana kita! Papatayin sana kita sa sarap at---------" Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko sa gulat dahil sa biglaang pagsabog ng bungo nito at pagtilamsik ng mga dugo sa buong silid. Bumagsak ang wala ng buhay na katawan nito sa sahig at bumungad ang pigura ng estrangherong lalaki kanina. Kasunod nito ang ilan sa mga tauhan ng organisasyong ito. "I'm going to include the payment for the useless life of that bastard." Walang reaksyong pahayag nito sa mga lalaking nasa likod niya at tila nabigla rin sa pangyayari. "What the f**k are you doing! Remove that stray on my freaking way!" Aligagang sinunod siya ng mga lalaki. Mabilis na binuhat ng mga ito ang bangkay palabas ng silid. Hindi ko alam subalit sa unang pagkakataon yata ay tinablan ako ng takot para sa isang tao, sa isang hindi kilalang tao. This guy is very fearsome and frightening. Ramdam ko ang pangangatog ng katawan ko dahil sa nararamdaman kong pagkasindak. Mukhang tama ang lalaki kanina sa tinuran nito tungkol sa pagkatao ng lalaking ito. Shit! Nakatakda na ba talaga akong mamatay? Sa kahindik-hindik na paraan niya ba ako papatayin? Shoot that questions! Sana naman hayaan niya akong ilibing kasama ng katawan ko! Hindi naman kasi ako hipon para basta na lang tanggalan ng ulo! Napapitlag ako at mariing napapikit ng lumapit sa akin ang isa niyang braso. Nagka-trauma na yata ako dahil sa kasasampal sa'kin ng mga lalaki sa samahang ito satuwing nahuhuli nila ako. Seryoso? Palagi bang may lamok sa pisnge ko? Ang pangamba ko ay mabilis na naglaho ng wala akong naramdamang palad na lumapat sa kahit saang parte ng mukha ko, bagkus ay nakaramdam ako ng ginhawa sa leeg ko. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at sa pagsilaw ng liwanag ay sumalubong ang imahe ng estranghero na bahagyang nakaluhod sa harap ko at hawak-hawak ang kulyar na kanina lamang ay mahigpit ang pagkakakabit sa aking leeg. Kaya pala parang lumuwag ang paghinga ko dahil tinanggal niya iyon. Ngunit bakit? Hindi ba siya nangangamba na baka takasan ko siya at lumipad na lang basta-basta ang 50 million niya? Saka bakit ang weird 'ata ng suot niyang maskara? Sa dami naman ng characters, bakit si Mojaco pa? Puwede namang si Doraemon ah? O kaya, si Dora at ang kaniyang mapa? Tila nanigas ang lahat ng ugat sa katawan ko ng marahan niyang idampi ang kaniyang kaliwang palad sa kanang pisnge ko. Masuyo niya akong hinaplos doon na animo'y isa akong mamahaling plorera. "f**k them for hitting my Darling..." Bigkas nito habang tinititigan ang pasa sa bandang gilid ng labi ko. Hindi ko alam pero ng marinig ko ang sinabi niya, biglang kumabog ng ubod ng bilis ang puso ko. Darling? Ang mga matang ito na nakatitig sa'kin. Ang paraan niya ng paghawak sa'kin. At higit sa lahat, ang mismong tawag niya sa'kin. Mga bagay na sa iisang tao ko lamang nakikita at naririnig noon. Posible ba? Posible bang siya? "G-Gabu.." Hindi ko na namalayang malaya ko na palang nabigkas ang pangalan niya. Ang pangalang halos araw-araw kong nais sambitin sa pagbabaka-sakaling maririnig niya at darating siya. Maingat kong iniangat ang aking mga kamay patungo sa gilid ng suot niyang maskara at dahan-dahan ko itong tinanggal sa pagkakakatakip sa mukha niya. Ang mukha na sa mga alaalang larawan ko lang pinagmamasdan noon. Ang mukha na lagi kong ipinagdarasal na sana ay muli kong masilayan. "G-Gabu.." Muli kong nasambit nang tuluyan ng bumungad ang kabuuan ng itsura niya. Nasa harap ko na ito ngayon. Abot-tanaw ko lang at malapitan ko ng napagmamasdan. Hindi ko na sinayang pa ang mga sandali na sunggaban siya ng isang mahigpit na yakap. Nakapulupot ang mga braso ko sa leeg niya at pilit kong isiniksik doon ang mukha ko para lamang maikubli ang mga luhang sunod-sunod na tumatagas mula sa traydor kong mga mata. "G-Gabu, ikaw nga ba talaga 'yan? Hindi ba 'to panaginip lang?" Patuloy ako sa paghikbi sa balikat niya habang dahan-dahan niya namang hinahaplos ang likod ko na mistulang pinapatahan ako. "Shhh. Kailan pa naging iyakin ang darling ko? Sa pagkakatanda ko matapang at palaban ang Milky na nakasama at naging matalik kong kaibigan noon." Bahagya akong natawa sa patutsada niya. "Hindi ka pa rin nagbabago. Mapang-asar ka pa rin." Sabi ko ng hindi pa rin bumibitaw ng yakap sa kaniya. Napakapit pa ako ng mas mahigpit ng bigla na lang siyang tumayo, buhat-buhat ako. "Gabu, ano ba. Ibaba mo nga ko." Pakiramdam ko tuloy isa lang akong bata na karga-karga ng tatay niya. Grabe naman kasi ang itinangkad ni Gabu. 5'6 na ako ng lagay na 'to ha. Hanggang dibdib na lang niya ako ngayon, samantalang hanggang balikat na niya ko noon bago kami ma-kidnap. Imbes na sundin ang sinabi ko ay bahagya niya pa akong iniangat para mas masapo niya ng maayos ang pang-upo ko at hindi ako dumulas sa pagkakabuhat niya. "Nope. Hindi puwede dahil iuuwi na kita." Walang kagatol-gatol nitong sabi. Iuuwi? Seryoso? Para naman ako nitong stuff toy lang na nabili niya sa department store. "Kaya ko naman maglakad eh." Protesta ko pa rito. "I prefer carrying my Darl this way." Pagkasabi niya noon ay nagsimula na siyang maglakad palabas ng silid. Dahil sa sobrang kahihiyan ay isinubsob ko na lang ng maigi ang mukha ko sa balikat niya. Anak ka naman kasi ng kinikilig na kuliglig! Pinagtitinginan lang naman kami ng lahat ng taong nadaraanan namin! Pero sa totoo lang, parang gusto ko ng magtatatalon sa tuwa ngayon. Understatement ang salitang kaligayahan para ilarawan ang saya na bumabalot ngayon sa buo kong sistema. Parang isang magandang panaginip lang ang nangyayari. Kung ito man ay panaginip lang, jusme! Okay na ako na dito na lang manirahan! ------------------------------- "I do believe that you don't have any plans of melting me, am I right Darl?" Napaiwas tuloy ako ng tingin. Nasa loob na kami ng sasakyan niya ngayon at magkatabi sa backseat. May sarili kasi siyang driver bodyguard at isa pang bodyguard na pawang nakapuwesto sa unahan. Napanguso ako ng marinig ko siyang humalakhak. Grabe, hindi talaga ako makaget-over sa katotohanang kasama ko na siya ngayon at sa laki ng ipinagbago niya sa pisikal na aspeto kaya hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya simula pa kanina. Everything about him physically is far different from his appearance way back sixteen years ago. His look, his build and his fashion change a lot into a better style. Mas naging manly at prominente ang hubog ng panga niya ngayon. Tila mas kuminis din ang mukha niya na maski pores yata eh hindi mo maaaninag. Mas tumangos din ang ilong niya at mas pumula ang natural na maumbok na labi. Para itong mansanas na imported na ka'y sarap papakin. May nag-iba rin sa mga mata niya, hindi ko lang matukoy kung ano. Ang kayumanggi niyang balat ay lalong nagdepina sa kasarian niya bilang lalaki. Good looks with perfect figure of an almost God-like body, si Gabu pa ba ito? Oo, guwapo na siya noon pero hindi ko akalain na may igaguwapo pa pala siya at ganito katindi. Daig niya pa sa itsura at katawan ang mga lalaking modelo ng bench at iba pang sikat na clothing line kung pagbabasihan ang kabuuan at dating niya. Maliban kasi sa anyo niya ay nag-uumapaw din ang appeal at charisma niya. Akala ko ba walang perpektong tao? Eh ano itong katabi ko? "Hey, ayos ka lang? Hindi ka na umiimik diyan?" Kulang na lang ay mapalundag ako ng maramdaman ko sa punong tainga ko ang mainit niyang hininga. Sa labas kasi ako ng kotse nakatingin kaya hindi ko na namalayang lumapit na pala siya sa'kin. Shems! Ano ka ba Milky, si Gabu lang iyan. Si Gabu na bestfriend mo. Si Gabu na sobra-sobrang namiss mo. Si Gabu na lihim mong minahal sa loob ng ilang taong pagtitig mo sa mga larawan nito! Kaya lang kasi, di'ba dapat ikakasal na ako kay Clyde? "Ha? Wala. May naisip lang ako bigla." Kaya ba ako nabubulol dahil sa guilt feeling na nangingibabaw sa'kin ngayon. Imbes kasi na ayusin ko ang naiwan ko, heto't sumama na lang ako basta-basta kay Gabu. "I hope it's me, but on the second thought..bakit mo nga ba ako iisipin pa eh nasa tabi mo na ako." Nangiti tuloy ako. Ngayon lang namin eh. Makasama ko lang kahit sandali si Gabu. Pangako, babalikan ko lahat ng responsibilidad na naiwan ko. "Tsk! Ang cliché niyang banat mo! Pero seryoso Gabu, halos hindi kita nakilala kanina. Ang laki ng pinagbago mo." Mabuti at nakilala siya nitong puso ko. "Well, things change. Hindi ka pa ba pagod? Gusto mo matulog ka muna, tutal malayo pa naman ang ibabyahe natin." Malayo? "Bakit, sa'n ka ba nakatira?" Siguro naman hindi sa ibang bansa di'ba? "It's a secret Darl. Gusto kitang isurpresa at tiyak akong, matutuwa ka." Surprise? Baka naman lalo akong hindi makatulog dahil pinag-iisip niya ako kung ano ba iyang surpresa niya. "Come on, wag mo ng abalahin ang sarili mo sa pag-iisip. Darating din tayo doon." Tinapik-tapik niya pa ang isa niyang hita na animo'y senesenyasan akong ihiga roon ang ulo ko. "Here, don't worry my legs don't bite." Dagdag pa nito. Inirapan ko muna siya bago tuluyang humiga at ihinilig sa isa niyang binti ang ulo ko. Sana naman paggising ko nandoon na kami sa sinasabi niyang lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD