CHAPTER 3 - Syringe Society

1615 Words
Pakiramdam ko ay para akong binagsakan ng sako-sakong bigas dahil sa bigat ng pakiramdam ko nang imulat ko ang aking mga mata. Hindi ko halos maigalaw ulitimo dulo ng mga daliri ko. Maliwanag ang buong paligid at kakulay ng murang kayumanggi na kisame lamang ang kayang matanaw ng mga paningin kong tila nanlalabo pa rin. Animo'y sumabak ako sa isang walang kapagurang habulan kaya labis na nanghihina ang buo kong katawan. "She's awake. Finally after two weeks." "She's lucky she still surpassed death and received only wounds, bruises and cuts without any broken bones." "Well, ganoon siguro kapag hindi mo pa talaga oras. We just have to wait a little more to make this stunning lady a profit. Tiyak na kikita tayo ng malaki sa kaniya." May mga boses akong naririnig ngunit lahat ay banyaga. Sino sila? Ako ba ang pinag-uusapan nila? Anong plano nilang gawin sa'kin? Lahat ng tanong sa aking isipan ay mabilis na naglaho sa kadiliman ng muli akong makaramdam ng antok at magdesisyong ipikit muli ang aking mga mata. ------------------------------- Makalipas ang isang buwan: Dalawang magkasunod na sampal ang dumapo sa magkabila kong pisnge bago ako tuluyang bumagsak sa sahig at indahin ang panghihina ng aking katawan dulot ng kung anong likidong muli na naman nilang itinurok sa katawan ko. "Sa susunod na magmatigas ka, hindi lang iyan ang aabutin mo sa'kin!" Halos maisuka ko pa ang huli kong kinain ng gawaran niya ako ng pahabol sa tadyak sa sikmura bago niya tuluyang nilisan ang silid. Peste! Makaalis lang ako rito puputulan ko talaga siya ng ano! Patuloy lang ako sa pag-ubo ng lumapit sa'kin ang isa sa mga babaeng gaya ko ay bilanggo sa loob ng kuwartong ito. "Ayos ka lang? Sabi ko naman sa'yo eh, sumunod ka na lang sa kanila para hindi ka na masaktan pa." Bakas ang pag-aalala sa tinig nito. Inalalayan ako nitong maupo at maisandal sa dingding ng naturang silid. Ipinikit ko na lamang ang mga mata habang sinasariwa ang mga pangyayari sa nagdaang isang buwan. Apat na linggo na ang nakalilipas ng tuluyan akong makabawi ng lakas matapos ng dalawang linggong pagkaka-komatos dulot ng nangyaring trahedya sa araw mismo ng kasal ko. Simula rin ng araw na iyon ay ikinulong na ako rito ng mga taong nabungaran ko sa lugar kung saan ako nagpagaling. Karaniwan sa kanila ay mga lalaking nakasuot ng itim at maskara upang ikubli ang kanilang anyo. Malamang ay mga mukha silang kuto kaya ayaw nilang ipakita ang mga garapata nilang pagmumukha! Pangatlong beses ko ng sinubukang makatakas sa kamay nila pero anak ka lang talaga ng pusang walang balbas! Sa kamalas-malasan kasi ay nahuhuli nila ako. Paanong hindi eh isang batalyon yata sila karami! Idagdag mo pa ang laki ng lugar na ito na kahit yata gugulin mo ang ilang taon ay hindi mo magagawang malibot. Dahil sa hindi ko kabisado ang pasikot-sikot dito kaya mabilis nilang natutunton ang lokasyon ko. Sa tuwing mahuhuli nila ako ay may itinuturok sila sa aking katawan na animo'y isang tranquilizer na kayang magpahina at makapagpawala ng alip-ip at tensyon. Nakatatanggap din ako ng malulutong na sampal, suntok at sipa mula sa mga nakakahuli sa'kin. The hell of them! Mga pamintang durog ba sila para kaya-kayanin ang isang babae? Alam kong malabo pa sa mata ng bulag ang tyansa kong makatakas dito ngunit mas hindi ikapapayapa ng ligalig kong kaluluwa kong mauupo lang ako sa isang sulok at aantaying isubasta nila sa kung sino mang hinayupak na hayok sa laman at halang ang pagkatao. Ayon sa ibang mga babaeng nakakulong dito't kasama ko, ang lugar na ito ay pinatatakbo ng isang sekretong samahang tinatawag nilang 'Syringe Society'. Sila ay gumagawa ng ilegal na kalakalan ng mga malalakas na kalibre ng baril, ilan pang mga sandata, mga pampasabog, iba't-ibang uri ng droga at nagsusubasta ng mga babae. Isinusubasta ang mga ito sa loob ng isang gabing pagtatanghal ng mga kalakal na napupunta sa may pinaka malaking halaga ng tawad o presyo. Kadalasan ay ginagawang alipin, inaabuso at isinasama sa mga ilegal at delikadong gawain gaya ng pagiging trap material, drug currier at suicide bomber ang mga babaeng nabibili sa lugar na ito. Lahat ng babae na dumaan sa subastahan ay hindi pinagpapalang mabuhay habang ang ilan naman ay dumaranas muna ng impyerno bago mamatay. Muling nabalik ang atensyon ko sa kasalukuyang kaganapan ng matapos ang ilang sandali ay bumukas ang pinto at tahasang itinulak papasok ang isang babaeng halos lantang gulay na. Gula-gulanit ang suot nitong damit, magulo ang buhok at tadtad ng mga pasa sa katawan na halos kulay ube at maitim na. Wala na itong malay at tila wala ng buhay kung titignan mula sa malayo. "Nakita niyo ang isang yan? Ganiyan din ang sasapitin niyo kapag naikalakal na kayo bukas! Kapag sinama pa, baka kay kamatayan na ang bagsak niyo! Umpisahan niyo ng magtawag ng lahat ng engkanto bago ang mga huling sandaling buo pa iyang katawan niyo!" Humalakhak pa na parang demonyo ang lalaki bago umalis at muling ikinandado ang bakal na pinto. Kahit na bahagya pang nanghihina ang pakiramdam ay sinikap kong makalapit sa nakahandusay na babae upang tignan ang kalagayan nito. May pintig pa ang pulso ngunit mababanaagan ang unti-unti nitong paghina. Malaki ang posibilidad na dumanas ito ng severe and extreme pain base sa mga pasa at sugat nito na dahilan kung bakit tila pasuko na ang kaniyang hininga. "Sabi nila, masuwerte na dito kung mamamatay kang buo pa ang katawan. Siya iyong babaeng kanina lang kinuha ng nakabili sa kaniya mula sa nakaraang subastahan at mukhang sa isa sa mga silid lang dito siya ginahasa at pinahirapan." Salaysay ng babaeng tumulong sa'kin kanina, si Aileen. Tatlong buwan na itong nakapiit dito. Halata ang takot at pagkabigla sa itsura at pananalita nito. Ang ilan naman sa ibang babae ay sumiksik sa sulok ng silid at walang humpay sa tahimik na pag-iyak. Kariwa-riwasa ang anyo ng bawat isa na pinupuno ng mga pangamba sa kung anong kahihinatnan nila bukas. Maging ako man ay nakararamdam ng pagkabahala. May hinala akong planado ang lahat ng nangyari sa pagkakadakip sa'kin kaya hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin ako nahahanap ng mga magulang ko. Maaring nilinis nila ang pinangyarihan ng sadyang aksidente para magmukhang isang natural na paglalayas lamang ng isang babaeng ikakasal ang naganap. Marahil ay iniisip na ngayon ng pamilya ko, ni Clyde at lahat ng taong kakilala ko na nagpakalayo-layo lamang ako dahil hindi pa ako handa at nagbago ang pasiya ko. Aaminin ko, I have doubts regarding my weeding but not to the point na lalayasan ko sila. Minsan ko ng narinig ang pangalan ng lihim na organisasyong ito at may kutob akong isa sila sa mga kalabang samahan ng aming imperyo. Batid kong hindi sila basta-basta at pipitsuging samahan dahil kung oo, hindi nila tatangkaing dakpin ang isang gaya ko. Hindi man lantad sa publiko ang katauhan ko ngunit imposibleng hindi ako kilala ng mga lihim at ilegal na organisasyong gaya nito. I am the eldest mischievous heiress of the man who came from the most powerful family in the greatest influential clans of Octagon Empire, Zeus Creed Sanbuenaventura, loving husband of Matutina Matagtag Sanbuenaventura. I have two lovable siblings under the name, Zid Miguel and Merrideth Zyril. I am twenty three years old, Miggy is now fourteen while Maddy is twelve. Honestly saying, we are the most powerful, richest and authoritative family of Octagon Empire. The Octagon Empire is the richest, mightiest, powerful and most frightful business empire not just in the country but international. Our empire is the prominent and most evaded because of our money and influence. We are comprised of eight courageous, potent and influential clan including my family. We have a lot of businesses found all over the globe. My father owned a lot of businesses and properties. He manage our own shipping line, schools, hospitals, hotels, condominiums, malls or the SVMM(Sanbuenaventura Mega Mall) and the legendary business of our family, real estate companies that was originated from the eldest Sanbuenaventura. Ancestors of my Grandfather. Papa have his own collection of the most expensive cars in the world. We have our own helicopters, cruises, planes and own islands which contains our private resorts. We also have our own task force company, the Sanbuenaventura Task Force International and Papa collected the most powerful and highly calibrated guns and other fire arms. Under our businesses, comes a legal and license underground fighting. This is similar to those UFC fights which has million rewards for the winners and champions. Ang nakababatang kapatid ni Papa na si Tito Euphe ang dating Unbeatable Champion ng Sanbuenaventura Underground pero ng mapangasawa na nito si Tita Princess ay pinalitan na siya ni Papa. Nang mabuo naman ang pamilya namin at magpakasal ulit sila ni Mama, tuluyan ng iniwan ni Papa ang Underground. Tinutulan kasi iyon ni Mama dahil masyado raw marahas. Maraming tinutustusang foundations ang lahat ng angkang nasa Octagon, at dahil ang pamilya namin ang pinaka mayaman at malakas sa buong Octagon Empire kaya kami rin ang major sponsor sa lahat ng foundations na iyon. Sa lahat ng tinatamasa naming karangyaan, pinalaki kami ng mga magulang namin na mapagkumbaba at may disiplina pagdating sa pera. Hindi puwede ang sobrang luho at kailangang palaging tumutulong sa mga kapos-palad. That's the story behind me. Literal akong mayaman at nagmula sa makapangyarihang angkan kaya paano nila ako hindi makikilala? Natural sa mga kagaya nila na kilalanin lahat ng may kinalaman sa mga pinaka maimpluwensya, makapangyarihan at mayamang tao sa lipunan upang hindi sila magkamali ng babanggain kung nais nilang magpatuloy ang mga ilegal nilang gawain. Nakatitiyak ako na kung sino man ang nasa likod nito ay hindi siya basta-basta at malinaw sa kaniya kung sino ang kinakalaban niya. Ngunit sino nga ba ang magkakalakas ng loob na gawin ang kalokohang ito? Napapagod na ba siyang huminga? Naaksidente ba siya at nagtamo ng malaking pinsala sa utak kaya hindi na niya alam ang pinaggagagawa niya? O baka naman nakalunok siya ng tableta ng katangahan? Kung sino man siyang may tililing sa pantog, ihanda niya ang puson niya dahil sa oras na malaman ito ng aking ama ay tiyak ang puwesto niya sa malawak na lupa ng north or south cemetery! Hibla lang ng buhok niya ang matitirang walang latay! Itaga niya iyan sa atay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD