CHAPTER 2 - Memories

1574 Words
(Flashback) One month before: Bago pumutok ang liwanag ay mabilis akong umakyat sa bintana ng kuwarto ko pababa sa terasa ng aming mansyon. Hindi para tumakas kun'di para uminom ng gatas. Dahil puyat ako at sobrang stressful ng mga nagdaang gabi sa'kin kaya naisipan kong pumunta muna sa paborito kong milk shop na tatlong kilomentro lang ang layo mula sa aming tahanan, ang MalTy Milk Shop. MalTy Milk Corporation (MMC) is an international producers and suppliers of dairy products just like cheese, cheesy spread, butter, milks including powder, evaporated, condensed and all purpose cream and of course their famous fresh flavored milk. Para silang nestle company but unlike nestle corporation, they are focusing only on their dairy products. Mayroon din silang milk shops, just like Starbucks but instead of coffee, they are offering different varieties of milk with flavors and twists. Dinarayo ang best seller overloaded giant milk shakes nila combined with their cheesiest cakes made of original kesong puti and fresh cow milk, my favorite combination to order. They already have thousands of MalTy Milk Shop franchises scattered around the globe kaya lahat ng models at endorsers nila mga pinaka sikat at bigatin. Those were international personalities, models, actresses, actors, boy bands and girl groups. Well, they deserve all the credits since all of their products are great tasting and absolutely delicious. Naging habit ko na tuloy na pumunta rito satuwing pagod ako at masiyadong marami ang iniisip. I found silence and peace whenever I'm in here and freely sipping my milk shake. Siguro dahil pinaglihi ako ni Mama sa gatas kaya ganoon na lang ito hanapin ng sistema ko. Ultimo tuloy balat ko kakulay na rin ng gatas. Reason why most of the ladies envy me. Maliban kasi sa maputi at makinis kong balat, biniyayaan din ako ng mala-diyosang kagandahan at katawan. Isama mo pa ang abuhing kulay ng aking mga mata na siyang nakakatawag-pansin sa lahat. Bagay na pihadong namana ko sa aking ama na may Brazilian blood. Ito rin ang sanhi kung bakit ako pinuputakte ng mga manliligaw ko. Halos lahat yata ng mga naging kaklase ko o kahit taga ibang departamento noong nasa high school at kolehiyo pa lang ako ay nagtapat na ng pag-ibig sa'kin. Gayundin ang karamihan sa mga nurses at doctors sa sarili naming ospital ng mag-umpisa na akong maging doktor. Sa sobrang dami nila, kahit isa walang nakakuha ng atensyon ko. After I savored the moment for about an hour, lumabas na rin agad ako ng shop. Panigurado kasing papunta na sa bahay ang make-up artist ko para ayusan ako. Malamang ay naka-alis na rin sa bahay sina Mama at Papa para sa last minute checking ng pagdarausan ng kasal ko. Sa private island kasi namin ito gaganapin. Sa lugar kung saan ikinasal ang mga magulang ko for the second sweetest time. Nasa loob na ako nitong itinakas kong bridal car ng mapansin ko sa side mirror ang dalawang itim na sasakyang tila kanina pa nakabuntot sa akin. Nakasunod kasi ang mga ito kahit saan ako lumiko at sinisikap abutin ang distansya ng minamaneho kong sasakyan. Kung isa man sila sa mga stalkers ko o mga naglipanang masasamang damo sa mundo, sorry pero hindi sila uubra sa'kin! Hindi ako naging isang Sanbuenaventura para lang pataubin ng mga pipitsuging matsing! Mabilis kong pinaharurot ang kotseng dala ko na animo'y nasa loob lamang ng isang racing track at nakikipagkarera sa sobrang tulin. Agad na naglaho ang imahe ng dalawang sasakyan dahil sa ginawa kong diskarte. Pasensya sila, sanay na sanay lang naman ako sa kahit anong uri ng karera. I do love racing and anything related to action. Nasa kalagitnaan pa rin ako ng pagbubunyi ng biglang sumulpot sa harapan ng daan ang isang six wheeler truck. Agad kong kinabig pakaliwa ang manibela at inapakan ang break ngunit sa sinama naman ng pagkakataon, peste! Ayaw kumagat ng preno! Shit! Alam kong malabo ng mailagan ko pa ang nasabing behikulo kaya ginawa ko na lamang ang sa tingin kong makababawas sa pinsalang matatamo ko. I pressed the air bag button which only caused another default. Doon ko lang napagtanto na posibleng sinadya at planado ang lahat. Isang nakabibinging ingay kasabay ng matinding sakit at kirot ang huli kong naramdaman bago tuluyang namanhid ang buo kong katawan. "Hanapin niyo bilis! Siguradong nandito lang ang mga iyon!" Rinig naming sigaw ng mga kidnappers habang nakadapa kami sa likod ng matataas na damo. "Papalapit na sila dito. Anong gagawin natin?" Bulong ni Brina sa'min. Mga kaluskos at boses sa kagubatan ang naulinagan namin sa paggising namin ngayong umaga. Mabilis kaming nagtago sa matataas na damuhan at sa paglapit ng mga tinig ay nakumperna namin ang pamilyar na boses ng mga tsonggo. "Bibilang ako ng tatlo pagkatapos sabay-sabay tayong tatakbo. One...two....three!" Takbo! "Ahh!" Nasa likod namin sila at pinapaputukan kami! "Kaunting bilis pa Brina! Aabutan na nila tayo!" Ito kasi ang pinaka nahuhuli saming tatlo. "Hindi ko kayang tumakbo ng kasing bilis niyo! Damn it! I'm not into sport!" Palibhasa ayaw niya ng napapawisan. Pero may alam akong paraan. "Brina! May ipis sa likod mo!" Brina hates ipis. "Cockroach! Stay away from me!" Sigaw nito habang matuling tumatakbo. Kaya naman pala niyang bilisan eh! Nauuna pa nga siya sa'min! Tuloy lang kami sa pagtakbo hanggang sa maramdaman naming malayo na kami sa kanila. Isang abandonadong tulay ang sumalubong sa'min sa bandang dulo ng gubat. Abandonadong tulay to be exact. "Don't tell me tatawirin natin iyan? My gosh! Isang hibla na lang yata ang maputol at bibigay na iyan!" Takot na reaksyon ni Brina habang sinisipat ang lubid ng tulay na nakatali sa dalawang puno sa kinatatayuan namin patungo sa dalawang puno rin sa kabila. Lumang-luma na kasi talaga ito. Binubukbok narin ang mga kahoy at ang ilan ay wala na. Para na itong ngipin ni Mang Gilagid, one sit apart. Pero ito lang din ang paraan para makapanhik kami sa kabila dahil rumaragasang ilog na ang nasa ilalim nito. Linapitan iyon ni Gabu at sinubukang tapakan. Bahagya pa siyang tumalon-talon habang nasa ikatlong hakbang na ng tulay. Hindi naman iyon bumigay pero rinig na rinig ang langitngit sa bawat tapak at talon ni Gabu. "Mukhang kaya pa naman. Mauna ka na Darl. Sumunod ka na rin Brina. Baka kasi hindi kayanin kung magsasabay-sabay tayo." At sinunod namin siya ni Brina. "Dahan-dahan lang ang hakbang mo Darl. Huwag kang magmamadali para hindi ka mahulog. " Paalala pa ni Gabu bago ko tawirin ang tulay. "Darl ingat ha!" Nasa gitna na ako ng isigaw iyan ni Gabu. Iyong totoo? Ako ang tumatawid pero bakit siya yata ang nininerbyos? Nasa ika-huling hakbang na ako ng marinig kong tumili si Brina. Nang lingunin ko sila ay nakita ko ang mga tsonggo na patungo na sa deriksyon namin. "s**t! Tara na Brina!" Nasa bandang gitna na rin si Gabu na mabilis ng tumakbo ng makita ang mga tsonggo at hinila na si Brina. Ang bagal kasi nitong tumawid. Inaapak-apakan pa ang mga kahoy bago sumulong. "Bilisan niyo Gabu! Nasa likod niyo na sila!" Malapit na sila ng biglang...bumigay na ang tulay! "Brina! Gabu!" Lumapit ako sa gilid ng bangin para silipin sila. Preho silang nakakapit sa lubid ng tulay na nakatali sa puno sa likod ko. "Milky, tulong!" Nahihirapang sigaw ni Brina. Sinubukan kong hilahin ang lubid pero masiyado silang mabigat. "A-Ang bigat niyo!" Ni hindi ko sila magawang iangat. Nanlaki na lang ang mga mata ko ng mapansin ko ang unti-unting pagkapunit ng bawat hibla ng tali. Hindi! "Brina, Gabu...mapuputol na ang tal---" Nahinto ako sa sasabihin ko ng marinig ko ulit ang sigaw ni Brina. "JG, huwag!" Nang muli ko silang tignan ay nagtagpo ang mga mata namin ni Gabu. "Ingatan mo ang sarili mo Darl, dahil babalikan kita...balang araw." Matapos niyang magsalita, biglang naging slow motion na lang ang sumunod na tagpo. Kitang-kita ko pa ang dahan-dahang pagbitiw ni Gabu sa tali at ang pagbulusok nito pababa sa umaagos na ilog. "Gabu!" Nanlambot bigla ang mga tuhod ko at kumawala na ang luha sa mga mata ko habang pinapanuod ko siyang tangayin ng tubig palayo sa kinatatayuan ko. Saka lang ako natauhan ng umalingawngaw ang tili ni Brina. "Milky! Tulungan mo ko please!" Wala sa sariling kumilos ang mga braso ko at hinila ulit ang lubid. Nang maiangat ko si Brina ay padapa naming ginapang ang isang puno at nagtago kami sa likod nito. Napatakip kami ng tainga nang maulinagan namin ang mga putok. Sunod-sunod ang pag-alingawngaw nito sa katahimikan ng buong gubat. Pero imbes na ang pinagdaraanan namin ni Brina ngayon ay ang tagpo kanina kung saan tinatangay ng ilog si Gabu ang paulit-ulit na sumasagi sa aking isipan. Ilang saglit pa at tumigil na rin ang mga putok. Malamang ay nagsawa na ang mga kidnapers dahil kahit na anong gawin nila ay hindi nila kami masusundan dito. Sira na ang tulay at wala silang ibang puwedeng madaanan. "Milky si JG! Bakit niya ginawa iyon? Bakit siya nagpatihulog?" Wala sa sarili ko siyang tinignan. "Dahil alam niyang bibigay na ang tali, Brina." Mas lumakas ang naging pag-iyak nito dahil sa sinabi ko. "I-I'm sorry...I'm so s-sorry Milky." Hindi ko na namalayang bumubuhos na rin pala ang mga luha ko. Wala itong tigil kahit na punasan ko. Sa nanlalabo kong mga mata ay pilit kong inaaninag ang mukha ni Gabu. Ang mga ngiti niya satuwing naglalaro kami. Ang pagsimangot niya satuwing binabara at iniinis ko siya. Ang itsura niyang sobrang nag-aalala satuwing mayroon akong sakit. Lahat ng facial expressions niya na hindi ko napapansin noon, tila mga perpektong larawang pilit kong inaalala ngayon. Lahat ng kilos niya, lahat ng ginagawa niya para sa'kin. Bakit ngayon ko lang tila nabibigyan ng halaga. "Gabu." Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak habang paulit-ulit na sinasambit ang pangalan ni Gabu. Ang huli kong natatandaan ay ang imahe ng isang pamilyar na lalaking papalapit sa akin bago ako tuluyang nawalan ng malay. 'Sing bilis ng kidlat na dumaluhong sa aking alaala ang mga naturang imahe kasabay ng tuluyang pagdilim ng aking paningin at pagkawala ng malay-tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD