Naiinis siya sa sarili niya. Kahit hindi niya gusto na makaharap si Max ay nakipag-appointment sya dito. Gusto niya itong kausapin tungkol sa papa niya at sa kompanya. Matagal ng magkakilala ang pamilya nila, mula noon hanggang ngayon ay hindi sila naging malapit ni Max. Seguro ay dahil na rin sa laki ng agwat ng idad nila.
Pumapasok pa lang ito sa loob ng French Cuisine ay makatawag pansin na ito, bukod sa malaking lalaki ito ay sadyang tawag pansin ang lalaking-lalaking dating nito. tipikal na tall, dark and handsome ang dating nito. Ang bawat babaing madaanan nito ay sadyang napapalingon dito.
Mataas na sya sa height niyang 5'8 pero higit pa ren ang taas ng binata.sa kanya. More than 6 footer siguro ito. nakakahawig ni Max ang aktor na si Derek Ramsey. Itsurang hindi niya nagustuhan kahit kailan. Ayaw niya sa mga balbon, turn off siya sa mga ganoong lalaki. Pogi nga, ang baho naman tingnan para sa kanya.
Ang type niya sa lalaki ay yung mga katulad ni Daniel Padilla, Enrique Gil at James Reid. Napakalinis tingnan ng mga aktor na ito. Tingin pa lang seguro sa tatlong ito ay kikiligin na sya. Pero kahit crush niya ang mga aktor na ito ay never naman syang naencourage na pasukin ang showbiz dahil masaya na syang magmodel sa fashion show at kontento na syang umakting sa mga commercial project niya.
"Kanina ka pa ba?" tanong nito sa kanya ng makalapit ang binata,
"Hindi naman! tama lang para makapagkape muna ako ng saglit bago ka harapin!" pero ang totoo ay kanina pa siya. Hindi niya pwedeng sisihin si Max sa tagal ng paghihintay niya. Sa una pa lang ay nagsabi na ang binata na may nauna itong appointment kaya hindi pwede ang oras na gusto niya, nagpumilit lang sya kaya natuloy ang pagkikita nilang iyon.
"Gusto mo bang kumain muna bago tayo mag-usap?!" tanong pa ni Max, matapos maupo sa tapat niya.
"Hindi ako gutom!" tanggi niya "at wala akong plano na makasalo ka sa hapunan!" may pang-uuyam na wika niya. Ni minsan ay hindi niya pingarap na makasalo ang isang tulad nito.
"Fine!" halatang nainsulto ito sa sinabi niya. " Sabihin mo na kung anong dahilan at gusto mo akong kausapin!"