bc

Init Mula sa Langit

book_age16+
110
FOLLOW
1K
READ
possessive
family
manipulative
drama
bxg
realistic earth
first love
virgin
engineer
model
like
intro-logo
Blurb

Alyanna Buenavista, isa sa itinuturing na pinakamagandang mukha at katawan sa pagmomodelo. Malayo na rin ang narating nya sa mundong hindi niya pinili pero pumili sa kanya. Bago siya mag-aral sa Maynila sa isa lamang siyang mahiyaing probinsyana. Wala na sana sa plano niya ang makialam pa sa mga negosyo ng pamilya pero noong malaman niya mula sa ama na si Maximiano Alegre Jr. ang hahawak ng negosyo nila ay nabahala siya, at natakot na rin na magising siya isang araw na ubos na ang kabuhayan nila. Si Max ay hindi isang kaaway ng pamilya pero hindi niya rin ito itinuturing na kaibigan, para sa kanya ito ay isang kakilala lamang na madalas makialam sa buhay niya at ng pamilya nila.

chap-preview
Free preview
Chapter One
    "Alam mo ang mga plano ko anak!" mariing wika ng ama niyang si Antonio.     "Pero papa..... bakit si Max?" naguguluhan pa ren siya sa naging desisyon ng ama.     "Bakit naman hindi!? may tiwala ako sa kanya. Mula noon si Ricardo at Max na ang kasa-kasama ko!" tama naman ito sa sinabi tungkol sa mag-amang Alegre. Alam niya na mahusay ang mga Alegre pagdating sa negosyo, pero alam nya rin na may sariling negosyo ang mga Alegre. Halos katapat lang ng Vista Dressing Plant nila ang Alegre Sweet and Sugar ng mga ito.     "Hindi ba dapat ay kay Robert nyo ipagkatiwala ang pamamahala ng kompanya!?"      "Alam mo ba ang sinasabi mo Alyanna?" kunot-noong tanong ng ama sa kanya.     "Papa si kuya Robert ang kapamilya natin, asawa sya ni ate Melinda!" Paalala niya sa ama.     "Pamilya!?" alam niyang hindi nagustuhan ng ama ang pagbanggit niya sa mag-asawa.     "Papa, yung mga nangyari noon ay nakaraan na. We need to move on, kalimutan nyo na lahat ng masamang nangyari. Saka ang alam ko ay okay na kayo ni ate Melinda, pati ni kuya Robert. Nalaman ko sa mga kasambahay natin na madalas ng pumapasyal ang mag-asawa dito sa bahay, kasama ang mga bata!" natutuwa siya ng malamang tuluyan ng nagkaayos ang papa niya at ang pamangkin nitong si Melinda.     "Walang problema sa pagiging magkapamilya natin!" tugon ng papa niya. "Pero yung tiwala na gusto mong ibigay ko sa kanila, malabo yun!"      "Papa mas magtitiwala pa ba kayo sa taong hindi natin kadugo!?"      "bakit hindi kung ang taong ito ang nakitaan ko ng kakayahan at malasakit sa kompanya na pinaghirapan kong itayo!" mariing wika ng papa niya.     "Wala akong tiwala kay Max!" lakas-loob niyang wika sa ama "Paano kung isang araw magising na lang tayo na hindi na atin ang kompanya!?"      "Mangyayari lang yun kung papayagan mo anak!"      Anong ibig sabihin ang papa niya?      "Ang kompanya ay pinagsumikapan kong palaguin dahil sa pagmamahal ko sa inyo ng mama mo! Sa tingin mo papayagan ko na maagaw ng ganun lang sa akin ang kompanya? Hangga't buhay  ako ay atin ang Vista Dressing Plant!"      "Eh anong ibig sahihin ng sinabi nyo kanina?"     "Mawawala lang sa atin ang Vista Dressing Plant kapag dumating ang araw na wala na ako at wala ka na ring pakialam sa kompanya. Alam ko na mas gusto mo ang manatili sa Maynila, at ipagpatuloy ang career mo sa pagmomodelo. Hindi ko gustong pigilan ka sa mga pangarap mo anak, kaya naghanap ako ng isang mahusay at mapagkakatiwalaan na hahawak ng kompanya natin!"     Tama ang papa niya, pangarap lang niya ang binigyan niya ng halaga. Hindi niya kailanman na naisip na tulungan ang ama sa pagpapatakbo ng kompanya. Noong pag-aralin siya ng ama sa Maynila ay isa lang ang nasa isip niya. Iyon ay ang lumayo, makalimot at kilalanin ang sarili niya. May mga bagay na hindi malinaw sa bata niyang puso at isip noon. Hinanapan niya ng sagot ang lahat ngunit puro tanong din ang bumalik sa magulo niyang isip.     Mabuti na lang at habang nag-aaral siya noon, wala pang isang taon ang nakakalipas ng umalis siya ng San Pablo City ay nadiskubre siya ng isang talent manager na nagbigay sa kanya ng magandang break as a commercial model, na nasundan ng ilang ramp modeling. Sa kabila ng pagsabak niya sa modelling ay hindi niya pinabayaan ang pag-aaral, dahil iyon lamang ang hiniling ng mga magulang niya ng payagan siyang maging isang modelo. Natapos niya ang course niya sa Bussiness Administration major in Accountancy ng may karangalan  kasabay ng pagmomodelo niya. At dahil naging modelo rin siya sa United State of America ng tatlong taon, naisabay nya pa ren ang pag-aaral niya. Natapos niya sa USA ang masteral degree niya sa Bussiness Administration. Lahat yun nagawa niyang pagsabay-sabayin upang hindi madissapoint ang magulang niya, at the same time para makalimot sa mga kamaliang nagawa niya sa buhay.     Ngunit sa pagbalik niya sa Pilipinas ay pinili niyang tuluyan ng pasukin ang pagmomodelo, naging fulltime model na siya ng ilang mga kompanya. At naging madalas na rin ang pagtanggap niya ng mga commercial modelling, mapatelevision man o print ads. At last year lang ay naging matunog ang pangalan niya sa industriya dahil sa panliligaw sa kanya ng isang kilalang aktor, nakasama niya kase ito sa isang commercial. Naging close sila ni Melton Vargas after ng pagsasama  nila sa isang commercial. At dahil sa pagkakalink niya sa binata, marami tuloy ang nagsasabi sa kanya na pasukin na niya ang showbiz.      After a month of friendship with Melton ay nagsabi ito sa kanya na gusto nitong ligawan sya. Hindi niya alam kung bakit pero hanggang sa mga sandaling iyon at takot syang makipagrelasyon, takot siya sa sarili niya. Tinanggihan niya ang panliligaw ng binatang aktor, pero ang maganda ay nanatili silang magkaibigan. Pero sa mata ng mga tagahanga nila ay couple sila, hinayaan na lang nila, Sa tingin naman niya ay mamamatay rin ang mga balita about sa kanila ni Melton. Una dahil hindi naman niya pinasok ang showbiz, pangalawa  ay nalaman niya na may bagong teleserye si Melton. Tiyak na may bagong itong loveteam, at malilimutan na ang tungkol sa kanila.           

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook