"Ibaba mo ang iyong hawak kung ayaw mong matulad sa iyong kasama!" mariing sabi ni Uno. Nanlilisik ang nga mata niya habang dahan-dahan na naglalakad patungo sa direksyon ni Lena. Ang mukha niya'y punong-puno ng matinding galit na tuluyan nang lumukob sa kaniyang katauhan. Nanginginig ang mga kamay niya habang nakatingin sa mukha ng lalaking may hawak sa dalaga. Walang ibang bagay na tumatakbo sa isip niya kundi ang pagbayarin ang mga taong nanakit at lumapastangan kay Lena. Hinding-hindi siya titigil hangga't hindi mapuno ng dugo ang kaniyang mga kamay. Matagal na panahon na rin na hindi siya nakatikim ng dugo. Sa sobrang tagal ay halos nakalimutan na niya kung ano ang lasa. At sa pagkakataong iyon ay lulunurin niya ang kaniyang sarili hanggang sa makontento siya. Kitang-kita ang mati

