Gumuhit ang matinding takot sa mukha ni Lena habang nanginginig ang mga tuhod. Napasapo siya sa kaniyang dibdib at bahagyang napaatras nang makita niya ang mga lalaking ito na papalapit sa kaniyang direksyon. "S-sino kayo? A-anong kailangan ninyo sa akin?" Sunod-sunod na tanong ni Lena na may panginginig sa boses dahil sa matinding takot na tuluyan ng lumulukob sa kan'yang buong katauhan. Hindi siya sigurado kung maililigtas ba siya ng panalangin mula sa nakaambang na kapahamakan. Tatangkain niya sanang tumakas ngunit nang subukan niyang ihakbang ang kaniyang mga paa ay mabilis siyang pinaligiran ng mga ito. "Aba, mukhang may balak ka pang tumakas, Miss Beautiful," nakangising sabi ng isa sa mga lalaki sa malaki at malalim na boses. Lubog ang mga mata nito. Maskulado ang katawan at su

