"M-may problema ba, Lena?" Bumakas sa mukha ni Elvira ang labis na pag-aalala. Agad siyang lumapit sa tabi ni Lena upang alalayan ito. "Anong problema, Lena? May masakit ba sa 'yo? Teka lang at tatawagan ko si Uno." Kakapain na sana ni Elvira ang cellphone sa loob ng bulsa niya nang pigilan siya ni Lena. "H'wag po, o-okay lang po ako," pigil ni Lena at sinikap na pahupain ang mga luha na patuloy pa rin sa pagbuhos. "May problema na naman ba kayo ni Uno?" nag-aalalang tanong ni Elvira. Hindi man sabihin ay ramdam ni Elvira na baka nagkaroon na naman ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Lena at Uno. At napapansin niya na nadadalas na lamang iyon simula nang tangkain ng dalaga na tumakas. Niyaya ni Elvira si Lena sa loob ng sarili nitong silid upang doon ay makapag-usap sila ng maay

