"Anong problema, Marydette? Hanggang ba naman ngayon ay natatakot ka pa rin sa akin?" Ramdam ni Marydette ang mainit na hininga ng lalaki na tumatama sa kaniyang pisngi. Paanong hindi makakaramdam ng matinding takot ang isang mahinang babaeng katulad ni Marynette? Kilala niya ng lubos ang lalaking nasa kaniyang harapan at isang maling galaw niya, tiyak na tutulo ang dugo mula sa kaniyang leeg. Napalunok ng buo at lubhang pinagpawisan ng malamig si Marydette nang idiniin pang lalo ng lalaki ang hawak-hawak na punyal sa kaniyang leeg. Mas lalo pang nangatog ang kaniyang mga tuhod nang dahan-dahang nitong inilapit ang mukha sa kaniyang punong tenga. "Open your eyes, Marydette. Mas gusto kong nakikita mo ako habang inuutay-utay kong tikman ang bawat himaymay ng iyong laman," nakangising bul

