Yumuko si Uno at napasabunot sa kaniyang buhok. Ipinatong niya ang kaniyang mga siko sa ibabaw ng mga nakabaluktot niyang mga tuhod. Kanina pa gustong kumawala ng kaniyang boses ngunit pilit pa rin niya itong pinipigilan. Ang mga mata niya'y tila wala pa ring kapaguran dahil sa masasaganang luha na kanina pa walang humpay sa pagbuhos. Sinapo ni Uno ang dibdib niya gamit ang kaniyang kanang kamay habang nananatiling nakasabunot ang kaliwang bahagi sa kaniyang buhok. Unti-unti nang naninikip ang kaniyang dibdib. Tila may kung anong malaking bagay na nakaharang rito na pumipigil sa pagdaloy ng hangin. Ang sakit! Napakasakit! Ubod ng sakit ang ngayo'y nararamdaman ni Uno. Tila ba ilang libong sugat ang natamo ng kaniyang puso habang paulit-ulit na pinipiga ng husto hanggang sa maubusan na

