Muling umagos ang masasaganang luha mula sa mga mata ni Lena. Napahawak siya ng mahigpit sa damit ni Uno at isinubsob ang mukha sa dibdib nito. Hinayaan niya ang kaniyang mga luha na malayang bumuhos habang nananatili sa mga bisig ng binata. Magagawa ba niyang kalimutan ang lahat ng mga ipinangako sa kaniya noon ni Uno? Magagawa rin ba niyang kalimutan pati magagandang alaala kasama ang binata noong siya'y musmos pa lamang? Paano niya magagawang kalimutan ang taong nagpadama sa kaniya ng pagmamahal na ipinagkait sa kaniya ng kaniyang mga magulang? Si Uno ang bukod tanging nagparamdam sa kaniya na buo siya kahit batid niya na may kulang sa buhay niya, na may kulang sa kaniya. Ngunit ang kakulangan na iyon ay pinunan nito. Tama si Uno. Walang sandali sa buhay niya na hindi nito ipinar

