Isinugod nina Uno at Marydette si Lena sa pinakamalapit na ospital. Hindi pa rin matigil ang labis na kaba sa dibdib ng binata. Bilang niya ang bawat minutong lumilipas simula ng ipasok ito sa emergency room. Labis-labis ang naging takot niya dahil biglang tumigil ang pagpintig ng puso nito habang nasa gitna sila ng biyahe. Habang tumatagal ito sa loob ay mas lalo lamang siyang nag-aalala sa kalagayan ng dalaga. Tahimik lamang na naka-upo si Marydette sa isang sulok habang mapait nakatingin kay Uno na kanina pa pabalik-pabalik na naglalakad sa may tapat ng pintuan ng emergency room. Hindi niya mapigilan na sisihin ang sarili sa nangyari kay Lena. Kung naging maingat lang sana siya, marahil ay hindi napahamak ang dalaga. Makalipas ang mahigit dalawang oras na paghihintay ay lumabas na sa

