Paano kung bumalik nga ang dating sakit ni Lena? Pero, paano? Imposible! Nakasisiguro si Uno na matagal nang nabigyan ng lunas ang dati nitong karamdaman. Halos hindi maigalaw ni Uno ang buong katawan. Nananatili lamang sa kaniyang kinatatayuan habang pinagmamasdan ang panginginig ng kaniyang mga kamay. Ang mata niya'y punong-puno ng matinding takot na bumabalot ngayon sa kaniyang dibdib. Ngayon niya lang ulit naramdaman ang ganoong klaseng takot. Ngunit, kung magpapalamon siya sa matinding takot na iyon ay wala nang paghuhugutan si Lena ng lakas lalo na ngayon na may matinding pinagdadaan ang dalaga. "Hindi sa tinatakot kita. Pero, hindi ka ba nagtataka na kahit ilang ulit na siyang sumailalim sa iba't ibang test ay hindi pa rin matukoy ng mga dalubhasa ang tunay na sanhi ng nangya

