Halos mag-dadalawang linggo na namalagi si Lena sa loob ng ospital dahil sa iba't-ibang test na isinagawa dito. Minabuti ni Uno na ilihim na lamang ang tungkol sa misteryosong sakit na dumapo sa dalaga dahil batid niya na hindi ito makabubuti para sa kalusugan nito. Ayon sa mga dalubhasa, kaya nagkaroon ng mutation sa dugo ng dalaga ay dahil sa virus na pumasok sa loob ng katawan nito. At hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung anong klaseng virus ang unti-unting sumisira sa katawan ni Lena. Dahil dito ay nahirapan ang mga doktor na tukuyin kung anong klaseng gamot ang nararapat na ipainom sa dalaga. Ang mas ikinakakatakot pa ni Uno ay maaaring mameligro ang buhay ni Lena sa oras na hindi maagapan ang sakit nito. Sa ngayon, ang tanging nireseta sa dalaga ay bitamina upang kahit pap

