CHAPTER SIXTEEN

1004 Words
CHAPTER SIXTEEN Year 2018 IMBIS NA ISANG buwan ay inabot ng dalawang buwan si Kirsten sa Laguna. Pagkatapos kasi ng mini Laguna tour niya kasama si Ken at Luna ay nagpasya siyang doon na muna manatili sa Pagsanjan. Ang maganda nga doon ay pumayag ang kaniyang Mommy Nancy na mag-stay doon dahil mas less ang chance na magkikita sila doon ni Lucas. Lucas. Hindi naman nawala si Lucas sa kaniyang isipan sa loob ng dalawang buwan na iyon. Hindi naman kasi ganoon kadali na alisin na lang basta sa kaniyang isipan si Lucas lalo na ito ang naging dahilan bakit siya pinapunta ni Mommy Nancy sa Laguna. Pero kahit na gano’n she always wonders what’s happening on his life. Naalala niya kasi ang sinabi ni Luna sa kaniya na matagal na rin nitong hindi nakakausap si Lucas. ‘Hay, why are you thinking about him, Kirsten? He’s literally the person who didn’t help you on the day of your accident years ago.’ She thought. It’s very odd na bigla na lang niya ulit naisip si Lucas sa mga oras na ’yon dahil nag-aayos na siya ng kaniyang mga gamit pabalik ng Manila. “Hindi ’to tama, Kirsten. Umayos ka.” sabi nito sa sarili niya dahil alam niya sa kaniyang sarili na Lucas affects her even after two months of no communication with him. Strange. So strange. She really felt strange because her heartbeat doesn’t seem to be normal at that point. Even after packing her things, Lucas was still on her mind and it really bothers her. Hindi niya mawari sa kaniyang sarili bakit ganoon ang kaniyang nararamdaman. Alam naman niya na gusto niyang iwasan si Lucas para iwas gulo na lang ngunit her mind wantsa different thing. ‘Epekto lang ’to ng dalawang buwan na wala sa Manila.’ She thought again as she went out of her room. Even if something’s bothering her hindi iyon dapat maging rason para magpadala siya sa emosyong nararamdaman niya. Sinara niya agad ang kaniyang k’warto at nagtungo sa kitchen para kumuha ng maiinom na tubig. Kukuha na sana ng tubig si Kirsten nang biglang may tumawag sa kaniya. Isang unregistered number ang lumabas kaya hindi na lamang niya iyon pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkuha ng tubig at uminom ng tubig. Makalipas naman ang ilang minute ay hinugasan na lamang niya ang basong ginamit niya pagkatapos ay ibinalik na ito sa glass holder. Tiningnan ni Kirsten ang kanilang bahay pagkatapos ay ngumiti. ‘Thank you for making my life more comfortable in the past two months.’ She thought. Babalik na siya sa Manila kaya medyo emosyonal siya. “Para kang bata, Kirsten.” wika niya sa kaniyang sarili. “Don’t be like this, uuwi ka na sa Manila, oh.” Hindi maiwasan ni Kirsten na makaramdam ng lungkot dahil alam niya kapag bumalik na siya sa Manila ay magiging restricted na naman ang ibang bagay sa kaniya dahil sa utos ng kaniyang Mommy Nancy. “Just deal with it. Konting panahon na lang.” Dagdag pa niya pagkatapos ay nagpasya ng lumabas ng kaniyang bahay. Nagtungo si Kirsten sa kaniyang kotse, binuksan nito ang trunk ng kotse at inilagay doon ang kaniyang mga gamit pagkatapos ay nagtungo na ito sa driver’s seat. Inayos niya ang kaniyang sarili at binuksan na ang makina ng kaniyang kotse. “This is really it.” wika ni Kirsten habang ito ay nagmamaniobra na para makalabas na ng gate. Mayroong caretaker sila Kirsten at ito ang palaging nandoon sa bahay nila sa Laguna. Tiwala na sila Kirsten sa caretaker nila dahil para na rin nila itong kapamilya sa tagal na nagsisilbi ng kanilang caretaker sa kanila. Nang makalabas na ito ng tuluyan sa kanilang gate ay nagpaalam na si Kirsten sa kanilang caretaker. She’s going back to her Manila life again. Kirsten doesn’t know why she still felt strange even after leaving her house at Laguna. Nagmamaneho na nga ito pabalik sa Manila pero nandoon pa rin ang kaniyang kaba. Hindi naman siya uminom ng kape sa araw na ’yon kaya hindi na niya talaga maintindihan ang kaniyang sarili. INABOT NG MAHIGIT dalawang oras nang nagmamaneho si Kirsten nang makaramdam siya ng gutom mabuti na lang ay may nadaanan siya isang fastfood kaya nagpasya siyang mag-drive thru. Habang tinitingnan ni Kirsten ang menu ng fastfood dahil siya na ang susunod na o-order ay biglang may tumawag na naman sa kaniya. Tiningnan ni Kirsten ang kaniyang phone at nakita ang pangalan ni Lucas. ‘Lucas is calling? What for? That’s strange.’ Hindi mapigilan ni Kirsten na hindi mapaisip kung bakit biglang tumawag si Lucas. It’s been two months at ang tagal na nilang hindi nagkakausap pero bakit bigla na lang ito tumawag sa kaniya na wala man lang text o heads up na tatawag ito? Hindi na muna iyon pinansin ni Kirsten at nagpasya na lang na unahin ang kaniyang order. She just ordered burger with fries and drinks at binayaran niya agad ang kaniyang order. Kirsten was about to drive to the next window of the drive thru nang bigla na lang ulit may tumawag sa kaniya. Lucas again? Ayaw niya sagutin ang tawag ni Lucas but there’s this weird thought from her mind saying na dapat sagutin niya ang tawag na iyon at importanteng tawag iyon kaya hindi na dapat niya pinapalagpas ang pagkakataon na iyon. She sighed and just rolled her eyes at nagpasya na sagutin na ang tawag ni Lucas. “Hello, Lucas?” “Hello? Is this Kirsten?” A woman voice. Definitely note Lucas. Hindi na sinagot ni Kirsten ang tanong ng babae dahil wala na siya sa mood na makipag-usap. Kirsten was about to hang up the call when the woman on the other line suddenly called her name. “Hello? Miss Kirsten? Are you still there? Is this Kirsten?” “Uh? Hello? Yes? Who’s this? Why are you using Lucas’ phone?” “Hi, Miss Kirsten! I’m so sorry for not introducing myself. This is Nurse Anne from St. Claire Hospital…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD