CHAPTER SEVENTEEN

1119 Words
CHAPTER SEVENTEEN Year 2018 “HI, MISS KIRSTEN! I’m so sorry for not introducing myself. This is Nurse Anne from St. Claire Hospital…”            Nagulat si Kirsten nang marinig niya na may tumawag sa kaniya na isang nurse. Napapaisip si Kirsten bakit may nurse na tumatawag sa kaniya using Lucas’ phone.            “Hi, Ma’am. Here’s your order.” wika naman ng cashier ng drive thru kaya kinuha na niya ang kaniyang order at nag-drive na paalis ng fastfood chain na iyon.            “Miss Kirsten? This is urgent. Are you still there?”            “Uh… yes, Nurse Anne? Uhm. Still here.” Hindi kasi alam ni Kirsten kung ano ba dapat ang kaniyang sabihin at bakit may tumawag sa kaniya na nurse. Ginugulo na naman ni Lucas ang buhay niya. ‘Ano na naman kayang kalokohan ang ginawa mo, Lucas?’ She thought.            “Okay, Miss Kirsten. We’re inside an ambulance and currently on our way to the hospital. Walang ibang nasa contact ni Lucas bukod sa pangalan mo, Ma’am. Kamag-anak po ba kayo ni Lucas?”            Ambulance? Huh? Anong nangyayari kay Lucas? She’s dumbfounded and confused at the same time. Hindi niya maiprocess sa kaniyang utak ang mga sinasabi ni Nurse Anne. ‘Hospital? Bakit dadalhin si Lucas sa hospital?’            “Huh? What the hell is happening?” She asked the nurse while driving. Hindi na siya makakain dahil iba na ang laman ng kaniyang isipan. Si Lucas. Si Lucas na ang kaniyang iniisip at hindi na siya mapakali dahil sa kabang nararamdaman niya.            “Ma’am, malapit na po kami sa St. Claire Hospital. If you could come here and see Lucas, please do Ma’am.”            “Nurse Anne? Ano po bang nangyayari?” she asked the nurse still trying to calm herself. “Anong nangyari kay Lucas?”            “Kamag-anak po ba kayo ni Lucas, Ma’am?”            “Friend. I’m his friend.”            “Okay, Ma’am Kirsten. May nakakita raw po sa kaniya na bigla na lang hinimatay sa daanan at mabuti naman ay tumawag agad ng ambulansya ang nakakita sa kaniya.” Paliwanag ng nurse sa kaniya. “If you’re near St. Claire Hospital, Ma’am, please do visit Lucas. Ikaw lang po ang nasa contact list sa phone niya kaya hindi na po naming alam kung sino pa ang ibang dapat i-contact.”            Sh sighed. Hindi pa rin niya malaman bakit kailangan madala si Lucas sa hospital. Hinimatay ito? Bakit hindi ito agad naka-recover at kailangan pa na magtawag ng ambulansya? Ang dami niyang tanong pero hindi na siya muna nagtanong kay Nurse Anne at sinabi rito na pupunta siya sa hospital.            Pagkatapos ng maikling tawag na ’yon ay hinilamos niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha. Sobrang gulo na ng kaniyang isipan sa puntong iyon kaya binilisan na lang niya ang pagmamaneho. Mabuti na nga lang ay alam niya kung saan ang tinutukoy ni Nurse Anne ang hospital na kaniyang tinutukoy. Mabuti na lang din ay nasa Manila na siya at hindi naman kalayuan ang hospital pero hindi niya talaga mapigilan na mapaisip sa kalagayan ni Lucas.            “Grabeng bungad naman ng pag-uwi ko ng Manila. Stress agad!” Inis na wika nito habang nagpatuloy na lamang sa pag-drive. NANG MAKADATING si Kirsten sa hospital ay agad naman itong nag-park sa bakanteng space ng parking at dali-daling dumiretsyo na agad sa information.            “Kay Lucas po? Lucas Wolff?”            “Nasa emergency room pa po. Kaano-ano po kayo ni Lucas?” Tanong kay Kirsten ng isang nurse.            “I’m his friend.”            “Okay, Ma’am. Paantay na lang po. Nasa loob pa po siya ng emergency room.”            Tumango naman si Kirsten at umupo na lamang sa bakanteng upuan na katapat lang ng information. Makalipas lang ang ilang minute ay may lumabas na sa emergency room at nilapitan niya agad ang lumabas na doctor.            “Kay Lucas Wolff po? Kumusta na po siya?”            Tiningnan siya ng doctor at nagsimulang magsalita. “He’s doing fine right now. Much better than before. I’m just wondering, are you aware that he’s not taking his medications for his Cancer?”            Cancer?            What the f*ck?            Hindi maiproseso ni Kirsten ang sinabi ng doctor sa kaniya. Cancer? May Cancer si Lucas? Kailan pa ito nagkaroon ng Cancer?            “Cancer? H-hindi ko po alam na may ganoon siyang kalagayan. Wala naman po siyang nababanggit sa akin tungkol doon.”             ‘He never did. Wala siyang nabanggit na may sakit siya.’ She said to herself.            Tumango naman ang doctor na seryoso pa rin ito habang nakatitig lang sa kaniya. “He’s not taking his medications and that will make his situation worse. Miss, I hope you could convince him to take his medications lalo na ang chemotheraphy niya dahil para na rin ’yon sa kaniya.”            She sighed. Kababalik pa lang niya sa Manila ganoon na ang mga nalaman niya. Parang ayaw ata siya pasiyahin ng mundo. Lagi na lang ba kapag sumasaya siya ay kapalit no’n malulungkot na naman siya? Bakit parang ang unfair ng mundo sa akin?            “I’ll try my very best po. Gising na po ba siya?” Tanong ni Kirsten sa doctor at tumango naman ito sa kaniya. Pagkatapos ng pag-uusap nila ng doctor ay kumuha muna ng lakas ng loob si Kirsten bago ito nagpasya na pumasok na sa loob ng k’warto ni Lucas.            Kumatok si Kirsten bago ito pumasok sa loob ng k’warto ni Lucas at nadatnan niyang nakaupo sa kama nito habang nakatingin sa kaniyang phone. Agad naman nabitawan ni Lucas ang phone nito nang makita niya si Kirsten.            Hindi mawari sa mukha ni Lucas kung nagulat ba ito o nalulungkot. Nakatingin lang ito kay Kirsten at hindi nagsasalita pagkatapos ay ngumiti ito. “Uy, Kirsten! Long time no see. Kumusta ka na? How’s Laguna? I think you had fun. Sobrang blooming mo nga ngayon eh. Good thing na rin pala na nag-stay ka sa Laguna for a couple of months.”            Natameme si Kirsten nang kausapin siya ni Lucas. Bakit gano’n magsalita si Lucas? Parang okay lang siya. Parang walang sakit. Parang walang nangyari.            Umiling lang si Lucas nang hindi sumagot si Kirsten sa mga tanong niya. “Upo ka, Kirsten. ’Di ko alam bakit ka nandito pero feel at home I guess.” Ngumiti muli si Lucas sa dalaga. “Tell me if may gusto kang i-order, mag-o-order ako sa McDonalds’.”            Lumapit si Kirsten kay Lucas at umupo sa tabi nito. Tiningnan lang niya ang binata at hindi pa rin ito makapaniwala na may sakit ito. Hindi niya talaga alam kung ano ba dapat ang maging reaksyon niya dahil sobrang gulo na ng isipan niya. Bumuntong hininga si Kirsten bago nito tinanong si Lucas. “Why aren’t you taking your medications, Lucas?”        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD