Hindi na pinatapos ni Ruby ang campaign at dali-daling umalis sa townhall. Agad niyang tinawagan si Detective Alcala para kausapin ito sa pag-amin ni Raul tungkol sa plano niya na pag-papasara sa mga club dito. Alam niyang magagamit iyon nila para sa plano nilang pag-papabukas ng kaso ng kaniyang ina. At habang nasa parking siya ay nag-ring ang kaniyang cellphone. Nakita niya na si Ginger iyon na inaasahan niya ng tatawag. Malamang ay narinig na nito ang balita tungkol sasinabi ni Raul. "Hello, Ginger?" aniya sa kabilang linya. "Ruby, nandyan ka ba sa campagne ng Tatay mo? narinig mo ba ang sinabi niya?" tanong nito at napatango siya. "Oo, sa kaniya na nangaling na talagang pinapasara nila ang club." "Paano na iyan, Ruby? paano na kami?" naririnig niyang nagpapanic na tanong ni Gin

