Third Person P.O.V. Pagkatapos ng klase, nagyaya si Carina na pumunta sa bar kasama sina Valeria at Annelise. Agad namang pumayag ang dalawa, samantalang si Clarisse ay hindi sumama. "Makakasama ka kaya sa list of graduates? Mukhang wala ka na namang naisagot sa exam," tanong ni Valeria kay Carina. "Subukan nilang hindi ako isali. Babagsak ang Blackwood University," anas ni Carina. "Hay naku, Carina. You're smart, you’re just tamad," ani Annelise. "Wag na nga nating pag-usapan ‘yang bagay na ‘yan. Nandito tayo para mag-enjoy," sagot ni Carina. "Nga pala, I have chika," sabik na sabi ni Annelise. "Baby, we are here to dance and drink, not to chika most of the time," reklamo ni Carina. "This is one of the most important chika. Listen to me," pabulong na sabi ni Annelise. "Fine. What

