Third Person P.O.V. Hahalikan talaga kita," pagbabanta ni Keith. "Su-Subukan mo," anas ng tomboy. Mas lalo pang nilapit ni Keith ang mukha kay Carina upang halikan ito, ngunit bago pa man maglapat ang kanilang mga labi, naiharang ni Carina ang palad niya sa nguso ng binata. "Gagong 'to! Hahalikan talaga ako?!" anas ng tomboy, habang si Keith naman ay biglang natawa dahil nagugustuhan niya ang pang-aasar dito. "Shut your mouth kasi dahil hahalikan talaga kita," sabi ng binata. "Sige na nga," inis na sagot ni Carina. "Payag ka nang halikan kita?" , may pang aasar na tanong ni Keith dito. "Anong payag? Ang sabi ko, sige na nga—hindi na ako magsasalita!" mariing sagot ng tomboy. "Good. Matulog na tayo, sweetheart," pang-aasar pa ni Keith bago humiga sa kama. Samantalang si Carina nama

