Chapter 9

1277 Words
Carina's P. O.V. Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi habang magkatitigan kami. Ang loko kasing ito, gustong ibaba ang salawal niya sa harapan ko! "Am I too handsome for you to stare at me like that, Ms. Yuchengco?" Agad kong binitiwan ang kwelyo niya kasabay ng paglayo ng mukha ko. Tumalikod ako at dumiretso sa fridge para kumuha ng beer. "Maliligo na ako," sabi niya. "Bakit ka pa nagpapaalam? Maligo ka kung gusto mo," sagot ko. "May extrang damit ka ba dyan?", tanong niya. "Wala", inis kong sagot. "Okay. Hihiram ako sa Daddy mo", sabi niya. "Ako na lang nag hihingi kay Daddy. Maghintay ka dyan", sabi ko bago lumabas ng kwarto. Napasandal ako sa may pinto. Gusto niya akong isama sa paliligo niya, kahit alam naman niyang kakaligo ko lang. Kuhang-kuha niya talaga kung paano ako asarin. Bakit ko ba kasi sinabi noon na gusto kong maging asawa ang mokong na 'to? Oo, gustong-gusto ko siya noong bata pa kami, pero noon 'yon—hindi na ngayon. Nagbago na ang puso ko. Hindi na lalaki ang gusto ko, kundi babae na. Kailangan ko pa bang ulit-ulitin ang katotohanang lesbian ako? Ilang saglit lang ay pumasok ulit ako ng kwarto dala-dala ang damit pangtulog niya. Kumatok ako sa kanya habang naliligo "Come in!", sigaw niya. Dahan-dahan akong pumasok. "Ito na ang mga damit mo", inis kong sabi nang hindi makatingin ng diretso sa Frosted Shower Area kung saan walang saplot siyang naliligo. "Ilagay mo sa may lababo", sabi niya habang sinasabon ang katawan. Naaaninag ko ang kanyang ginagawa ngunit malabo dahil frosted ang salamin ng Shower ko. "Wala man lang thank you? !", sigaw kong tanong. Naghintay ako ng ilang sandali ngunit hindi man lang siya nagsabi ng thank you sa akin. Ang kapal talaga ng mukha. Padabog akong lumabas ng Bathroom at naiinis na ininom ang Beer. Ilang sandali pa, lumabas na siya. Nakasuot na siya ng pantulog, at amoy na amoy ko ang bango niya habang nagpapatuyo ng buhok. "Salamat", walang emosyon niyang sabi. Bigla akong napaangat ng mukha at napatitig sa gwapo niyang mukha. Marunong din palang magpasalamat ang ungas na to! "Sa sahig ka matulog," sabi ko. "No. Sa kama ako, at sa sahig ka," sagot niya. Biglang tumaas ang presyon ng dugo ko at matalim ko siyang tinitigan. "Sa sahig ka, at ako sa kama," matigas kong sabi. "Kwarto ko 'to, at makikitulog ka lang. Kung ayaw mo sa sahig, eh 'di sa sofa ka matulog." "I can't sleep on the floor, mas lalo na sa sofa," sagot niya nang walang emosyon. "Ano? Ibig sabihin ako ang matutulog sa sahig o sa sofa? Mahiya ka naman, Mr. Velasco. Kwarto ko 'to," inis kong sabi. "Tabi na lang tayo sa kama," seryoso niyang sagot habang nakatitig sa akin. "Ano? Tabi tayong matutulog dito?" bulalas ko. "Gano'n na nga. Tabi na lang tayo," sagot niya sabay upo sa kama malapit sa akin. Agad kong kinuha ang unan at hinarang iyon sa pagitan namin. "Hindi ka ba kinikilabutan sa pinagsasabi mo?" "Hindi. Walang malisya. Isipin mo na lang na magkaibigan tayo," sagot niya. "Besides, same tayong nagkakagusto sa babae, di ba?" dagdag niya. "Kahit na! Ayaw ko pa rin makatabi ka sa pagtulog," anas ko. "Why? Are you afraid that you might fall in love with me?" tanong niya. Bigla akong nilamig. "Impossible," kunot-noo kong sagot. Kapag nagpatuloy ako sa pagtanggi, baka isipin niyang nadadala nga ako sa kanya. Kaya mabilis akong tumabi sa kanya at inakbayan siya. "You're right, bro. Isipin na lang natin na magkaibigan tayo na mahilig sa mani," sabi ko. "Umakbay ka pa talaga, ah? Okay, deal. Gano’n na lang ang isipin natin. Pareho naman tayong may gusto sa babae, kaya walang malisya ang pagtatabi natin sa kama," sagot niya, kasabay ng mas lalong paglapit ng katawan niya sa akin. Napangiti ako sa kabila ng kaba dahil magkadikit na magkadikit ang aming mga katawan noong sandaling iyon. "Gusto mo? Hihi," alok ko sa kanya ng beer habang dahan-dahang inaalis ang pagkakaakbay ko sa kanya—pero hinawakan niya ang braso ko at mas lalo pang inakbay sa kanya. "Yeah. Dapat lagi tayong ganito—chill lang at walang asaran sa isa't isa," sabi niya habang nakatitig sa akin. Sinusubukan niya talaga ang pasensya ko. Inis na inis na ako noong mga sandaling iyon, pero kailangan kong sumabay sa trip niya. Tinapik-tapik ko ang braso niya habang nakaakbay pa rin ako. "You're right, Mr. Velasco. Pwede naman siguro tayong maging magkaibigan, 'di ba?" nakangiti kong sabi, pero deep inside, inis na inis na ako. "Of course. We can be friends naman. We can do all the things na ginagawa ng magkaibigan," sagot niya. "Oo naman. So, magkaibigan na tayo?" tanong ko sa kanya. "Ngayong gabi lang," sagot niya. Lalo akong nainis, pero pinilit ko pa ring kumalma. Naalis ko na ang pagkakaakbay sa kanya, pero malapit pa rin kami sa isa't isa. "Cheers!" sabi ko sa kanya. Ilang beses kaming nag-cheers ng beer hanggang sa pareho naming maramdaman ang tama ng alak sa aming katawan. "Convince your family to call off our wedding. We will never be happy," seryoso niyang sabi. Napaangat ako at napatitig sa gwapo niyang mukha, tapos bigla akong natawa. "Wala ka nang magagawa," sabi ko. "May magagawa pa tayo," sagot niya. "Gusto mo bang maikasal sa akin?" tanong niya. "Of course not. Sino ba namang gustong makasal sa taong hindi niya mahal?" sagot ko. "Then convince them na huwag nang ituloy ang arranged marriage natin," nangungusap niyang sabi. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa puntong ito. Ayaw kong makasal kay Keith, pero hindi ibibigay ni Lolo General ang bilyon-bilyon niyang pamana sa akin. Wala akong makukuha mula sa kanya, lalo na kina Mommy at Daddy, kapag hindi ako pumayag sa kasal na ito. "Magpapakasal tayo," diretsahan kong sabi. "What? Are you nuts? Ang gulo-gulo mo! Kanina, panay ang sabi mo sa kanila na ayaw mong magpakasal sa akin, but now, you're telling me na magpapakasal tayo?" gulat niyang sagot. "Magpapakasal tayo, pero ipapeke natin ang kasal," seryoso kong sabi sa kanya. "Ayaw mo noon? Maaahon mo ang kumpanya niyo mula sa financial crisis kapag kinasal tayo. Makukuha ko rin ang dapat na ibigay sa akin ni Lolo at ng mga magulang ko," paliwanag ko. May tama na ako ng alak noong mga sandaling iyon, kaya hindi ko napag-isipan nang maayos ang mga sinasabi ko. Pero totoo naman—wala akong makukuhang mana kapag hindi ako nagpakasal sa kanya. Iyon ang sinabi ni Lolo General, at kapag sinabi niya, talagang gagawin niya. Sayang naman ang napakalaking mana na dapat para sa akin, kung magiging bato lang ito dahil lang sa pagtanggi ko. "I am not going to marry you," matigas niyang sabi. "I will do everything para iangat ulit ang kumpanya namin. I am not going to sacrifice my happiness just because of money and power," seryoso niyang dagdag. Nanatili akong nakatitig sa kanyang mukha. Ayaw ko rin naman itong gawin, pero gulo-gulo na ang utak ko. "I am going to marry the woman I love, at hindi ikaw 'yon," seryoso niyang sabi sa akin. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Hindi ko naman gusto ang lalaking ito, pero bakit parang ang sakit ng mga salitang binitiwan niya? Biglang sumanib sa akin ang mala-demonyong kaisipan, kaya malakas kong piningot ang matangos niyang ilong. "Arayyyyyyy!" sigaw niya sa sakit. "I am going to marry the woman I love pala, ha? Aagawin ko sa'yo ang babaeng gusto mo!" anas ko. "Arayyyyy! Bitiwan mo ako! Hahalikan kita!" sigaw niya, kaya bigla kong binitiwan ang ilong niya. "Kadiri mo," naiilang kong sabi. "Hahalikan talaga kita," pagbabanta niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD