Chapter 8

1153 Words
Keith Velasco P.O.V. "Wag kang susunod. Maliligo ako," anas niya sa akin. "Why would I do that?" sagot ko nang walang emosyon. "Kasi baka manyakin mo ako," matapang niyang sabi. Hindi ko siya pinansin. Kumuha ako ng beer mula sa fridge sa loob ng kwarto niya. Oo, nandito ako sa kwarto niya dahil sinabi ng Lolo at mga magulang niya na dito na ako magpapalipas ng gabi. Pabagsak akong napaupo sa sofa kasabay ng paglagok ng beer. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na naipit ako sa ganitong sitwasyon dahil lang sa kagustuhan ng Lolo niya na maging asawa ko si Carina. "Wag na wag mo akong mamanyakin. Malilintikan ka talaga sa akin!" sigaw niya bago pumasok sa banyo para maligo. "Ikaw ang malilintikan sa akin dahil sa mga nangyayari," seryoso kong sagot. Nilakihan niya ako ng mata na para bang hinahamon ako, bago tuluyang isinara ang pinto ng banyo. Napabuntong-hininga ako at napasandal sa sofa habang nakadi-kwatro. Bakit ba pumayag akong dito matulog kasama ang tomboy na ‘to? Dapat nanindigan akong sa mansion namin matulog, pero may magagawa pa ba ako? Halos hindi na makahinga ang Mommy niya kakapilit sa akin na dito na lang matulog. Wala akong nagawa kundi pumayag na lang. Napangisi ako, pero agad din akong napasigaw sa sobrang inis nang marinig ko na naman ang pagkanta ni Carina habang naliligo. 🎶 "Swabe kong kilos, lakas ng dating Pogi kong aura, ‘di mo kayang pigilin Sa bawat sulyap, puso'y bumibilis Walang katulad, ako ang panaginip." 🎶 "Can you shut your fcking mouth? Ang ingay-ingay mo, at ang sakit sa tenga ng kinakanta mo!"* sigaw ko sa kanya. "Wala kang karapatang mag-demand! Makikitulog ka na nga lang!" sigaw niya pabalik. "Nakakarindi ang kinakanta mo!" sigaw ko ulit. "This is my room! Kwarto ko ‘to! Umalis ka kung ayaw mong marinig ang kanta ko!" sigaw niya pa. "Talagang aalis ako!" sigaw ko "Eh di umalis ka!" sigaw niya, pero paano naman ako makakalabas kung bantay-sarado ako ng mga security guard nila? 🎶 "Ako si Carina, tandaan mo ‘yan Sa buong bansa, ako ang number one Pogi, masarap, walang katulad Ako si Carina, ‘di mo ba alam?" 🎶 Patuloy pa rin siya sa pagkanta, at parang sinasamahan pa ng pagsayaw habang naliligo. Napatakip ako ng tenga dahil mas lalo lang nakakarindi ang lyrics ng kanta niya. Ito ang tomboy na proud na proud kung sino siya—at nagawa pang bumuo ng kanta para sa sarili niya. Wala akong nagawa kundi kumuha pa ng beer mula sa fridge niya. Ilang sandali pa, lumabas na siya mula sa banyo na nakapangtulog. "Oh, bakit nandito ka pa?" tanong niya sa akin habang pinapatuyo ang kanyang maikling buhok. "Akala ko ba umalis ka na?" dagdag pa niya. Hindi ko siya sinagot at ipinagpatuloy ko na lang ang pag-inom ng beer. "What are you doing?" tanong ko nang bigla niyang kunin ang beer ko at inumin. "Bastos ka talaga! Akin ‘yan tapos kinuha mo!" reklamo ko. "Eh gusto kong malasahan ang laway mo," sagot ng tomboy na halatang iniinis lang ako. "Ano pa ang gusto mong malasahan sa akin? Tell me, I'll give it to you," pagsakay ko sa trip niya. "Wa-wala na," nauutal niyang sagot habang hindi makatingin sa akin nang diretso. "Tabi nga diyan! Haharang-harang ka sa daanan." "Do you want me to kiss you?" seryoso kong tanong. "Eh kung ikiskis mo kaya ‘yang mga labi mo sa pader? Ang kapal ng mukha neto," bulong niya sa inis. Siya ang naunang mang-trip, kaya hindi ko rin siya titigilan hanggang sa maiyak siya sa sobrang inis. "Maliligo ako. Sasabay ka?" tanong ko habang tinatanggal ang necktie ko sa harapan niya. Bigla niya akong binato ng unan. "Maligo ka nang mag-isa mo! ‘Wag na ‘wag kang lalapit sa akin dahil malilintikan ka talaga!" sigaw niya sa inis. "Tara na kasi. Maligo na tayo, honey," pang-iinis ko. "Honey ka diyan! Eww, nakakadiri kang pakinggan!" asik niya. "Ikakasal na tayo, ‘di ba? So, ‘honey’ ang itatawag ko sa ‘yo. Kung ayaw mo ng ‘honey,’ eh ‘di sweetheart na lang," lalo ko siyang ininis. "Brrrppp! Brrrp!" nasusuka niyang sabi. "Hindi tayo talo, bro! Isalsal mo na lang ‘yan kung nalilibugan kang hayop ka!" sigaw niya. Bigla akong natawa dahil sa sinabi niya. Ang cute pala niyang inisin. Haha. Satisfying makita siyang naiinis at hindi makatingin sa akin nang diretso. "Mas maganda kung may katulong ako para mailabas ‘to. Ang hirap kaya magparaos ng mag-isa," sabi ko. Binato niya ulit ako ng unan. "Hayop ka talaga! Nakakadiri ka! Alam mong tomboy ako! Hays... putulin ko ‘yan!" banta niya. "Kapag pinutol mo ‘to, wala ka nang kaligayahan," "Asa kang magugustuhan ko ‘yan! Mani ang gusto ko at hindi yang ano mo," sagot niya sabay tingin sa ibabang bahagi ko. "Bibigyan natin ng apo ang Lolo mo, ‘di ba? Meaning, kailangan kitang pasukan para makabuo tayo,". "Nakakapanindig balahibo ka talaga! Kahit kailan, hindi ko ‘yan titikman!" naiinis niyang sabi. "Kaya nga gagawa tayo ng paraan para hindi matuloy ang kasal," seryoso kong sabi. "Hindi talaga matutuloy ang kasal!" madiin niyang sagot, bago siya biglang napatitig sa akin. "Teka, ano nga palang binulong ni Lolo General sa ‘yo kanina?" curious niyang tanong. Gusto mo bang malaman?" "Kaya ko nga tinatanong dahil gusto kong malaman," anas niya. "Really?" "Oo nga! Tell me, ano ang binulong ni Lolo General sa’yo?" "Kantutin daw kita," diretsahan kong sagot. "Bastos talaga ‘yang bunganga mo!" galit niyang sabi. "‘Yon nga ang sinabi niya. I will fck you para tuluyan ka nang maging babae,"* walang emosyon kong sagot. "Anong sinagot mo sa kanya?" "Sige po, Lolo General" walang emosyon kong sagot, pero deep inside gusto ko ng humagalpak sa tawa. Bigla niya akong kwelyuhan habang nanlilisik ang mga mata. "Gago ka ba? Tomboy ako, tapos kakantutin mo ako?" "Gano’n na nga," sabi ko para lalo siyang mainis. "Eh kung putulin ko kaya ‘yang kaligayahan mo?" pagbabanta niya. "Go ahead," sagot ko sabay bukas ng zipper ng pantalon ko para hubarin ang salawal ko—na agad niyang pinigilan sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ko. "W-Wag mong buksan! Kapag hinubad mo ‘yan, makikita ko ‘yan!" sigaw niya. Takot na takot siyang makita ang hinaharap ko. "Gusto mong putulin, ‘di ba? Kaya ako na ang magbubukas para sa’yo," pang-aasar ko. Sa sandaling ‘yon, napansin kong sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa. Nagkatitigan kami ng ilang segundo, at kitang-kita ko kung paano namula ang kanyang pisngi. Maganda si Carina. May taglay siyang karismang wala sa ibang babaeng naging parte ng buhay ko. If she were really a woman, there's a big chance I would like her. But she's not. I don't want to marry her because, aside from the fact that she's a tomboy, I like someone else.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD