Carina's P.O.V.
Panay ang hampas ko sa unan habang nakataob ako sa kama. Pinadyak-padyak ko ang aking mga paa habang nagsisigaw sa unan.
"I am not going to marry him! Eww, kadiri!"
Napabalikwas ako ng bangon.
Sinasabi ko na nga ba! Hay naku. Sa kabila ng edad ni Lolo na lampas otsenta, hindi niya pa rin nakakalimutan ang sinabi ko noon—na gusto kong bilhin si Keith para mapangasawa. He made a promise na he would do everything to make Keith mine. At ngayon, tinutupad niya ito, kahit na alam niyang babae na ang gusto ko at hindi lalaki.
"Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Pumayag kaya siyang maikasal sa akin? Mukhang ayaw niya rin, kaya alam kong hindi magtatagumpay sina Lolo General sa gusto nilang mangyari."
Bumaba ulit ako ng kwarto upang marinig ang pinag-uusapan nila. Nagtago ako sa may pundasyon para hindi nila ako makita.
"I am not going to marry her. I don't love her," seryosong sabi ni Keith.
Yan! Ganyan dapat ang sabihin mo. Hindi tayo pwedeng magpakasal dahil pareho tayong may lawit. Pareho tayong may gusto sa lalaki.
"You should marry her," seryosong sagot ni Lolo General.
"Why would I marry her if I don't love her? I'm sorry, but you do not have the right to tell me kung sino ang papakasalan ko," matigas na sagot ni Keith.
"You should marry her, or else tuluyan nang babagsak ang kumpanya niyo," mariing sabi ni Lolo General.
Nabigla ako sa narinig kaya napatakip ako ng bibig. Nanlaki rin ang mga mata ko sa gulat.
Ang ibig sabihin, their company is in financial crisis?
"How did you know?" naguguluhang tanong ni Keith kay Lolo General.
"Don't underestimate me, Keith. Matanda na ako, pero marami akong impormasyon para makahanap ng paraan upang makuha ang bagay na gusto ko—lalo na kung para sa apo ko," seryosong sabi ni Lolo.
"Are you going to use the bankruptcy of our company just to force me to marry your granddaughter?" kunot-noong tanong ni Keith.
"Kung kinakailangan kong gawin iyon, then I will do it," sagot ni Lolo.
"Still, I am not going to marry her. Gagawa ako ng paraan para matulungan si Mommy na ibangon ang aming kumpanya."
"How? All the stakeholders of your company are on my side. I can control them," seryosong sagot ni Lolo.
"Bakit gusto niyo kaming ipakasal ng apo ninyo? Wala namang pagmamahal sa pagitan namin. We will never be happy together," malamig na tugon ni Keith.
"Naniniwala akong matututuhan niyong mahalin ang isa't isa kapag nagsama na kayo sa iisang bubong," sagot ni Lolo.
Napailing ako. Paano naman namin matutunang mahalin ang isa't isa kung pareho kaming lalaki?
"She is not straight. She is into women. Paano kami mahuhulog sa isa't isa? Your plan is a waste of time"
Yan! Tama ang sinabi mo, Keith. Walang patutunguhan ang plano ni Lolo General. Kahit kailan, hindi kita magugustuhan. Hinding-hindi natin mamahalin ang isa't isa.
"Naguguluhan lang ang apo ko sa nararamdaman niya. Naniniwala akong lalaki pa rin ang gusto niya," sagot ni Lolo.
Pagkatapos ay may ibinulong siya kay Keith. Mas nilapit ko ang tenga ko upang marinig ang sinabi ni Lolo, pero masyadong malayo.
Napahilot ako sa aking baba. Ano kaya ang ibinulong ni Lolo General?
Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Keith.
"Sige na, apo. Pag-isipan mong mabuti ang mga sinabi ko," pilyong sabi ni Lolo.
Napalakas ang pagsandal ko sa malaking base ng bulaklak kaya bigla akong natumba, kasabay ng pagbagsak ng base sa harapan nila.
"Ahhh. Hehe. Wala akong narinig," sabi ko sa kanila, habang kitang-kita sa mga mukha nila ang pagkagulat.
"Nakikinig ka sa usapan namin? Hmmm," tanong ni Lolo sa akin.
Pinagpag ko ang sarili ko nang makatayo mula sa sahig.
"Hindi po, Lolo. Hihi. Napadaan lang ako tapos aksidente kong natumba ang malaking base," nakangiti kong pagsisinungaling sa kanya.
"Don’t lie to me, Apo," matigas niyang sabi.
"I’m not lying, Lolo. Tara na, kumain na tayo dahil nakahanda na ang hapunan," nakangiti kong anyaya sa kanila.
Kunot-noong nakatitig sa akin si Keith. Matalim ko rin siyang tinitigan bago ko hinila ang wheelchair ni Lolo General papunta sa dining area.
"Wow! Ang sasarap naman ng ulam natin, Mommy!" bulalas ko nang makarating kami sa hapag-kainan.
"Ang Mommy mo halos lahat ang nagluto ng mga ulam natin," nakangiting sabi ni Daddy Carter habang naka-back hug kay Mommy.
Napakasweet pa rin talaga ng mga magulang ko sa isa’t isa.
"Tinutulungan ako ng Daddy mo sa paghahanda ng pagkain," nakangiting sabi ni Mommy.
"Siyempre! Hindi pwedeng mapagod nang sobra ang hunny ko," sagot ni Daddy sabay halik sa pisngi ni Mommy.
"Kapag mag-asawa na kayo ni Keith, for sure, ganyan din kayo ka-sweet," biglang sabi ni Lolo.
Napatitig kami ni Keith sa isa’t isa. Nilakihan ko siya ng tingin, at biglang nanlamig ang katawan ko. Iniisip ko pa lang ang posibilidad na mangyari iyon, kinikilabutan na ako.
"Let's eat," sabi ni Mommy.
"Come down, Zee! The food is ready!" sigaw ni Mommy Zinnia sa kapatid ko.
"So, when is the wedding?" biglang tanong ni Daddy nang makaupo na kami sa hapag-kainan.
"There will be no wedding between Keith and me," seryoso kong sagot.
"We understand that both of you are still in shock. Even your Mommy Zinnia and I got married because of her parents’ wishes. At first, I really hated your Mommy because I was in denial, despite the fact that I already loved her deeply," pahayag ni Daddy.
"Tomboy ako, Daddy. Hindi tte ang gusto ko kundi p*ke," diretsahang sagot ko.
Muntik nang mabilaukan si Daddy dahil sa sinabi ko.
"Oh Lord, Anak, watch your mouth," sabi niya, halos hindi makapaniwala.
"That’s the truth, Daddy. I fcking hate tte. I want **pke** and boobs. Ayaw kong magpakasal kay Keith," dagdag ko pa.
Mas lalo silang nagulat sa sinabi ko. Maging si Mommy at si Lolo General ay hindi makapaniwala. Buti na lang nasa taas si Lola—kung narinig niya ang sinabi ko, baka tuluyan siyang manghina sa pagkabigla.
"Ibang-iba ka talaga sa Mommy Zinnia mo. Hindi naman siya ganyan magsalita noong edad mo pa lang siya," sabi ni Lolo General.
"Magkaiba talaga kami dahil tomboy ako," sagot ko.
"Marry my daughter, Keith. She needs you to help her find her true self," sabi ni Daddy.
"I’m sorry, Tito Carter, but I am not going to marry her. We don’t love each other. Bakit hindi niyo na lang tanggapin ang katotohanan na babae rin ang gusto niya?" seryosong sagot ni Keith.
Sa puntong iyon, parang anghel ang tingin ko kay Keith. Tama siya! Tanggapin na lang nila Mommy at Daddy na pusong lalaki ako. Kung lagi siyang ganyan magsalita, sigurado akong magkakasundo kami. Hmm... kaibiganin ko na lang kaya ang mokong na ‘to? Papaturo ako sa kanya kung paano maging cool at pogi sa harap ng mga chicks. Hihi.
"Of course, we accept her for who she is, pero gusto naming magkaapo kay Carina, kaya umaasa kami na balang araw mare-realize niyang hindi siya pusong lalaki," sabi ni Daddy.
"Babae ka man o pusong lalaki, magpapakasal ka kay Keith," madiing sabi ni Lolo General.
Nanlambot ang mga tuhod ko.
"Mamatay na ako, Apo. Yan na lang ang tanging hiling ko sa’yo—ang magpakasal kayo at mabigyan kami ng apo sa tuhod," dagdag ni Lolo General.
"Alangan namang si Zee ang magbigay ng apo sa amin—dise-otso pa lang siya!" dagdag niya pa.
Hays, wala na ba talaga akong magagawa para hindi matuloy ang arranged marriage na ‘to? Ako lang ang makakapagbigay ng apo sa kanila. Walang pag-asa kay Zee dahil masyado pa siyang bata at tutok sa pag-aaral. Kung gaano ako kapasaway sa school, ganoon naman siya kabait at katalino.
"Sige na nga," sabi ko sa kanila, para matapos na lang ang usapang ito at makakain na ako—gutom na gutom na ako!
Malawak na napangiti si Lolo at ang mga magulang ko, samantalang si Keith naman ay tila hindi makapaniwala.
"What are you saying?" bulong niya sa akin.
"Sumakay ka na lang," bulong ko pabalik.
"No. I am not going to marry you."
"Sumakay ka na lang muna, gutom na gutom na ako," sabi ko sa kanya.
Hinawakan ko ang kamay niya at malawak na ngumiti sa kanila.
"Wag po kayong mag-alala. Matututuhan din naming mahalin ang isa’t isa," sabi ko, kahit sa loob-loob ko ay nandidiri ako sa ginagawa ko.
"Dahil lang sa gutom kaya pumayag ka sa gusto nila? Are you out of your mind?" matigas niyang bulong sa akin.
Of course hindi yon ang rason. Papayag ako ngayon, pero iisip ako ng paraan para kahit matuloy ang aming kasal, sa bandang huli hindi ako talo.
May edad na si Lolo, ilang taon na lang ang ilalagi niya sa mundo.
Kumuha ako ng ulam at isinubo iyon sa bibig ni Keith para matahimik na siya.
"Ang sarap ng luto ni Mommy, ‘di ba?"
Napipilitan siyang tumango habang nginunguya ang isinubo ko.
"Subuan mo rin ang apo ko," request ni Lolo.
Lintik na ‘yan! Bakit nga ba ako nauwi sa ganitong sitwasyon? Paano ko ba ito matatakasan? Kailangan ko bang magpanggap na pusong babae na ako at bigyan ng apo sa tuhod si Lolo bago siya mawala sa mundo? Kailangan ko ba talagang gawin ‘yon? Pwede bang huwag na lang?
Kasi, mani talaga ang gusto ko.
I can’t do it. Hindi ko kayang magpa b*****g sa lalaking ‘to. Gwapo at hot siya, mabango din at malakas ang karisma, pero I can never imagine myself having s*x with him para lang magkaroon ng apo sa tuhod si Lolo. I'll just think of another way, but I need his f*cking help.