Third Person P.O.V.
Panay ang hila ni Carina kay Keith papasok sa kanyang sasakyan.
"Hey, don't touch me!" inis na sabi ni Keith. "Where are we going?"
"Sa mansyon. Sumama ka sa akin sa mansyon," sagot ni Carina. "Let's go," dagdag pa niya.
"Would you let me go? Kanina mo pa hinahawakan ang kamay ko," reklamo ng binata.
Biglang binitiwan ni Carina ang kamay ni Keith, pero agad niyang hinawakan ang polo nito upang hilahin ulit papasok sa kanyang kotse.
"Are you crazy? Bitiwan mo ang damit ko!" inis na sabi ni Keith
"Sumakay ka na kasi!" sigaw ni Carina..
"Why? Tell me why," kunot-noo niyang tanong. "Anong gagawin ko sa mansyon n’yo?"
"Dumating na si Lolo General. Gusto ka daw niyang makita at makausap," sabi ni Carina.
"Masama ang kutob ko. Siguro may sinabi ka sa Lolo mo na may kinalaman sa akin," hinala ni Keith.
"Ewan. Get in the car para malaman natin kung ano," nakangiting sabi ni Carina sa kabila ng kanyang pangamba.
"Bitiwan mo na ang damit ko," inis na sabi ni Keith.
Pinagbuksan ni Carina ng pinto si Keith, pero hindi ito pumasok sa kotse.
"You get in first," utos ng binata.
"No. Ikaw ang mauuna. Baka takasan mo ako," sagot ni Carina.
Napailing si Keith bago mabilis na hinila si Carina papasok sa kotse.
"Ano ba?! Bitiwan mo ako!" sigaw ng Tomboy.
"Happy?" tanong ni Keith nang makapasok na silang dalawa. "Ako na ang magda-drive," dagdag niya bago pinaandar ang sasakyan.
"Ang landi-landi mo talaga, eh, ano?" anas ni Carina.
"Is this what you call flirting? Lahat na lang ng aksyon ko, pinag-iisipan mo ng masama," sagot ni Keith.
Napakuyom ang bibig ni Carina.
"Yung totoo, tomboy ka ba talaga? You should focus only on girls, not on me," sabi ni Keith.
"Mukha ba akong nakafocus sa'yo? For your information, para lang sa mga babae ang buong atensyon ko," anas ni Carina.
"Then, lubayan mo ako. I hope this will be the last time na mag-uusap tayo," sabi ni Keith.
"Sana nga, this is the last na, dahil inis na inis na ako sa pagmumukha mo. Gustong-gusto kitang tiklopin na parang papel," iritadong sagot ni Carina.
"Kapag may nalaman akong dahilan para mas lalong mapalapit tayo sa isa't isa, malilintikan ka talaga sa akin," kunot-noong sabi ni Keith.
"Bakit? Ano'ng gagawin mo sa akin?" anas ng tomboy.
"Basta," sagot ni Keith. "Would you please shut your mouth? Nakakarindi ka, ang ingay-ingay mo," inis na sabi ni Keith.
"No. I am not going to shut my mouth," pang-aasar ni Carina bago biglang kumanta.
🎶 "Ako si Carina, yeah, the hottest tomboy.
With a wink and a smile, they can't breathe.
No one like me, I am the only tomboy with strong charm." 🎶
Feel na feel ni Carina ang kanyang pagkanta habang nakatitig sa binata.
KEITH VELASCO'S P.O.V.
I’m so f*cking annoyed with this tomboy. Napahilot ako sa sentido habang patuloy siya sa pagkanta—at ang pinakamasaklap, puro pagbubuhat ng sariling bangko ang lyrics niya.
🎶 "Swabe kong kilos, lakas ng dating
Pogi kong aura, ‘di mo kayang pigilin
Sa bawat sulyap, puso'y bumibilis
Walang katulad, ako ang panaginip." 🎶
Akalain mo nga naman, may sariling kanta ang tomboy na 'to—at proud na proud pa siya.
Ang kapal ng mukha! Hindi man lang nahihiya.
"Stop! Your singing is so annoying," iritadong sabi ko sa kanya, pero patuloy lang siya sa pagkanta ng chorus at pagra-rap ng ibang verse.
🎶 "Hindi kailangan ng sobrang porma
Dahil ang swag ko'y likas na biyaya 🎶
🎶 "Ako si Carina, tandaan mo ‘yan
Sa buong bansa, ako ang number one
Pogi, masarap, walang katulad
Ako si Carina, ‘di mo ba alam?" 🎶
Napahilamos ako ng mukha. Grabe ang tomboy na ito. Ang lakas ng tama sa utak.
"How's my song? Maganda ba ang lyrics? Well, matagal ko ‘yang pinag-isipan," proud niyang sabi habang sinusuklay ng sariling kamay ang maikli niyang buhok.
"How's your song?" pabalik kong tanong. "Worst song I’ve ever heard," inis kong sagot.
"Inggit ka lang," anas niya.
"Are you mentally unstable?"
"Ako, mentally unstable? Pakainin kita diyan ng belat ko," anas niya pabalik.
"‘Wag mo akong hinahamon, Ms. Yuchengco. Baka masarapan ka kapag kinain ko ‘yan," pang-aasar ko sa kanya.
"Ewww. Kadiri," sabi niya ng hindi makatingin sa akin nang diretso.
"Nakakadiri ka talagang lalaki ka!", dagdag niya
"Nakakadiri pala, pero bakit mo naman binibigay sa akin ‘yang pu$$y mo? ‘Wag mo akong hamunin, baka makalimutan kong tomboy ka," pananakot ko pa.
Napakuyom siya ng mga labi at itinuon na lang ang tingin sa unahan.
"Ano ba talaga ang gagawin ko sa mansyon n’yo?" tanong ko.
"Ang kulit mo naman. Malalaman natin ‘pag nandoon na tayo," inis niyang sagot.
Maraming beses ko nang nameet ang pamilya ni Carina mula noong bata pa kami. Sana naman, namimiss lang ako ni Lolo General kaya gusto niya akong makita agad. At sana, wala nang iba pang dahilan.
Maya-maya pa ay nakarating na kami ng Mansyon nila.
Pinagbuksan ko ng pinto si Carina kahit na naiinis ako sa kanya. Ayaw nga sana niyang lumabas dahil sa kanyang pride at dahil ayaw niyang pag-buksan ng pinto, kaya hinila ko na lang siya palabas. Hindi naman ako naging marahas sa paghila sa kanya—napahawak pa nga ako sa baywang niya, at muntik nang magdikit ang aming mga mukha dahil sa eksena.
"Kadiri mo," anas niya bago dali-daling naglakad papasok ng mansyon.
Napahilot ako sa sentido at malalim na napabuntong-hininga. Hinabol ko siya para sabay na kaming makapasok.
"Mga apo!" masayang bungad sa amin ng Lolo niya
"Mga apo?" Ibig sabihin, parang tunay na apo na talaga ang turing niya sa akin?
"Lolo General! Bakit ngayon ka lang bumalik sa Pilipinas? I really missed you," malambing at may bahagyang tampong sabi ni Carina sa kanyang lolo.
"Kumusta po kayo?" tanong ko naman sabay mano sa kanya.
"Ang gwapo-gwapo mo naman, iho. Bagay na bagay talaga kayo ng apo ko!" masayang sabi ni Lolo General.
"Lolo? Pareho po kaming lalaki ni Keith! Hindi kami bagay!" agad na reklamo ni Carina, habang abala naman ang kanyang Mommy at Daddy sa pag-aayos ng hapag-kainan.
"Dito ka na mag-dinner, Keith, nang mapag-usapan na rin natin ang kasal ninyo ni Carina," sabi ni Tito Carter, na labis kong ikinabigla.
Nagkatinginan kami ni Carina.
"Daddy? What are you talking about? I won't let that happen!" mariing sabi ni Carina. "Hindi ako magpapakasal sa kanya!" dagdag pa niya.
"Tito, imposible po ang nais niyong mangyari. I am not going to marry your daughter," matigas kong sagot.
"Daddy! Babae ang gusto ko, hindi lalaki. Tomboy ako!" naiiyak nang sabi ni Carina. "Mommy, kausapin mo nga si Daddy!"
"Babae ka pa rin, apo. Hindi ba gusto mong bilhin ko si Keith para maikasal kayo?" diretsong sagot ni Lolo General, na labis kong ikinabigla.
Sinabi niya 'yon? Gusto niya akong bilhin para lang maikasal kami ni Carina? Nagugulohan akong napatitig kay Carina.
"Lolo, bata pa ako noong sinabi ko 'yon! Hindi ko alam ang sinasabi ko noon!" naluluhang paliwanag ni Carina.
"May isip ka na ng mga panahong iyon. Hinalikan mo pa nga si Keith dahil gustong-gusto mo siya."
Naalala ko bigla ang sandaling iyon. Umiyak pa nga ako noon dahil hinalikan niya ako sa labi! Ayaw na ayaw ko talaga sa kanya mula pa noon. Naiinis ako tuwing naaalala kong si Carina ang first kiss ko!
"Lolo naman! Nagbago na ang puso ko. Babae na ang gusto ko!"
"Gusto kong magkaroon ng apo mula sa iyo. Magpapakasal kayong dalawa!" mariing sabi ni Lolo General. "Iwan mo muna kami ni Keith, mag-uusap kami."
"Lolo! Nakakainis naman ! Sabi na kasing babae ang gusto ko at hindi lalaki! Tomboy ako, Lolo! Tomboy ako!" pagdidiin ni Carina.
"Carina, sumunod ka sa Lolo mo," sigaw ni Tito Carter.
Padabog na pumanhik si Carina papunta sa kanyang kwarto, habang ako naman ay hindi pa rin makapaniwala sa mga naririnig ko mula sa kanila.
"Bibilhin kita para sa aking apo," biglang sabi ni Lolo General.
Napaupo ako sa sofa at napakamot sa ulo.
I am priceless. Why would I let them buy me just for Carina?
"Tulungan mo kaming mapatino ang apo ko. Tulungan mo siyang mahanap ang tunay niyang pagkatao."
He is going to use me para bumalik si Carina sa pagiging pusong babae? Why me? Dahil ba patay na patay siya sa akin noong bata pa kami? Oh, f*ck! I am not going to marry her! Hindi siya ang gusto ko! Iba ang gusto ko!" kausap ko sa aking sarili.