Carina's P.O.V.
I am currently glaring at him sharply habang nagbubuklat ng libro dahil siya daw ang magtu-tutor sa akin. Nandito kami sa loob ng kwarto ko, at kanina pa ako kinikilabutan dahil may kasama akong lalaki sa kwarto ko.
"Ang sama ng mga titig mo," walang emosyon niyang sabi.
Napakurap ako.
"Anong klaseng titig ba ang gusto mo? 'Yung pabebe o 'yung nang-aakit?" anas ko.
"Manyakis ka, ano?" dagdag ko.
He smirks at me.
"Ako manyakis? Ikaw 'yon. Remember what happened earlier?"
Nilakihan ko siya ng mga mata. Hinaplos-haplos ko lang naman ang mga hita niya para inisin siya.
"Bakit nakakainis ang pagmumukha mo?" naiinis kong tanong.
"Naiinis ka dahil mas gwapo ako kaysa sa'yo?" pang-aasar niya.
"Hindi ah. Isa pa, hindi ka naman gwapo," sagot ko, pero ang totoo, gwapo naman talaga ang lalaking 'to. Naiinggit ako sa kanya dahil gwapo na, may lawit pa. Sana naging totoong lalaki na lang ako para wala nang hahanapin pa ang mga kababaihan sa akin.
"Sit here", utos niya sa akin. Napaangat ako ng pwet sa kinauupoan at marahas na napatitig sa kanya.
"I won't do anything to you. You're not my type. Sit beside me because we're going to study", dagdag niya
"You are not my type either. Eww. We’re both lalaki," sabi ko, ngunit napailing siya na para bang hindi kumbinsido sa sinabi ko.
"Pinapataas mo talaga ang dugo ko, noh? Dapat hindi ka pumayag sa gusto ni Mommy na mag-aral tayo dito. Nakakainis ka talaga," inis kong sabi.
"You need to study because you're always the lowest scorer in class," seryoso niyang sagot.
Pinamukha niya talaga sa akin na ako ang pinakamahina sa buong klase.
"At least pumapasa kahit mababa," ani ko nang hindi makatingin sa kanya nang diretso.
"Don't disappoint them. Mag-aral ka nang mabuti."
"Anong pake mo? Teka, teka. Kailan ka pa nagkaroon ng concern sa akin? May gusto ka sa akin, noh? Hindi tayo talo, Bro. Pareho tayong lalaki kaya iba na lang ang mahalin mo at hindi ako," pang-aasar ko sa kanya.
"Again, you are not my type. Stop daydreaming dahil hindi ako nagkakagusto sa isang tomboy," kunot-noo niyang sabi.
"Hindi ako nagde-daydream about you. Eww. Ang kapal ng mukha mo," anas ko. "Ano naman kung tomboy? At least pogi at masarap," dagdag ko.
Napailing siya at binitiwan ang libro.
"Pogi ka na sa lagay na ‘yan?" sabi niya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. "Ang dugyot-dugyot mong tingnan. Blonde short hair with piercings on your lips. Tapos may mga tattoo ka pa sa mga kamay mo."
Mas lalong umusbong ang inis ko sa kanya. Walang maayos na sinasabi ang lalaking ‘to sa akin.
"Anong pake mo? Umalis ka na nga sa kwarto ko dahil nakakainis ka na," sabi ko.
Walang emosyon siyang tumayo mula sa kama at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko at maingat akong pinagmasdan.
"Sayang," sabi niya.
"A-Anong sayang?"
"Sayang talaga," sabi niya pa habang nakatitig sa mukha ko. Sunod-sunod akong napalunok at ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako sa mga titig ng mokong na ‘to. Oo na, mas pogi siya kaysa sa akin, at hindi na niya kailangang ipamukha pa.
"Lumayo-layo ka sa akin dahil nakakadiri ka," matigas kong sabi sa kanya. Mabilis kong hinawakan ang kamay niya at buong lakas na inalis iyon sa mukha ko. Bigla kaming nawalan ng balanse at napasinghap ako nang sabay kaming bumagsak sa kama. Nagtama ang aming mga mata.
Agad akong tumayo dahil diring-diri ako sa ganoong eksena. Gusto kong bumitaw ng mga salita sa kanya, ngunit para akong pipi na hindi makapagsalita habang nakatitig sa kanya. Naiinis akong tumalikod para lumabas ng aking kwarto. Ako na lang ang lalabas dahil kanina pa ako naiinis sa pagmumukha niya. Naiinis ako dahil mas gwapo siya sa akin. Napanghihinaan ako ng loob habang nakatitig sa kanya. I wish I had a perfect manly face like him.
"Wait. Stay here," pagpigil niya sa akin habang hinawakan ang kamay ko.
"Alam mo, kanina pa ako kinikilabutan sa’yo. Don’t touch me, Bro," sabi ko.
Kinuha niya ang libro mula sa kama at inabot iyon sa akin.
"Take this and study hard," walang emosyon niyang sabi.
Kahit walang emosyon ang lalaking ito, ang gwapo pa rin niya. Nakakainggit talaga.
Binibigay niya sa akin ang libro niya, pero.
"Hindi ko 'yan kailangan," pagtanggi ko, ngunit nagulat ako sa kanyang ginawa dahil binagok niya ng libro ang ulo ko.
"Stubborn"
"Arayyyyyy!" sigaw ko, ngunit hindi niya ako pinansin at lumabas na siya ng kwarto ko.
Hindi naman masakit ang ginawa niya, pero hindi ako papayag na hindi siya magantihan.
"Mr. Velascooooo!!!!" malakas kong sigaw kasabay ng pagbato ko ng libro sa kanya.
Bigla siyang natumba sa sahig dahil saktong sa ulo niya tumama ang makapal na libro.
"Hoy, gising! Huwag kang magbiro ng ganyan! Gising!" sigaw ko habang niyuyugyog ang katawan niya.
Ano ang gagawin ko? Nawalan siya ng malay dahil sa ginawa ko.
"Gumising ka! Huhubaran kita kapag hindi ka gumising!" pagbabanta ko sa kanya.
Baka nagpapanggap lang itong nahimatay para lalo akong inisin. Gustong-gusto niya talagang makita akong naiinis, natataranta, at natatakot.
"Sige ka. Huhubaran talaga kita! Ito na oh... Ibababa ko na ang salawal mo!" sabi ko ngunit hindi ko kayang gawin iyon. Lalaki siya at pusong lalaki ako. Hindi ko kayang makita ang katawan niya dahil tiyak akong susuka lang ako. Kung babae lang sana siya, matagal ko nang hinubaran lahat ng saplot niya.
"Hey, wake up! I am not joking with you, Mr. Velasco!" sigaw ko habang patuloy na niyuyugyog ang katawan niya.
Nawawalan na ako ng pag-asa. Siguro kailangan ko siyang i-mouth-to-mouth para magkaroon siya ng hangin at magising. Ang bobo ko talaga, pero wala namang masama kung susubukan ko. Kaya lang hindi ko kayang makipag-mouth-to-mouth sa kapwa ko lalaki. Nakakadiri, pero wala na akong magagawa. Try ko lang.
Gagawin ko na sana iyon nang biglang pumasok sina Mommy at Tita Gwyn sa loob ng kwarto. Gulat na gulat silang dalawa sa nakita.
"Mommy! Tita! I can explain," sabi ko. "Let's bring him to the hospital," kinakabahan kong dagdag.
"What did you do, Carina? Kahit kailan, pasaway ka talaga," natatarantang sabi ni Mommy.
"Tatawag na ako," natatarantang sabi ni Tita Gwyneth, ngunit bago pa man siya makatawag ng tulong ay biglang nagsalita si Keith.
"I am okay, Mommy," sabi niya habang nakahawak sa kanyang ulo.
Nilakihan ko siya ng mga mata dahil malakas ang kutob ko na nagpapanggap lang siyang nahimatay kanina.
"Ano bang nangyari sa inyong dalawa?" tanong ni Mommy.
"Buti hindi mo tinuloy," bulong niya sa akin.
Ang ibig niyang sabihin ay buti hindi ko tinuloy ang pagbigay ng hangin sa bunganga niya dahil kung hindi, maglalapat ang aming mga labi. Baka isang linggo akong hindi makatulog kapag nangyari iyon dahil sa pangdidiri.
"Malilintikan ka sa akin," bulong ko sa kanya. "Puputulin ko 'yang hinaharap mo dahil ginagalit mo talaga ako," dagdag ko pa.
"Kaya mo?" bulong niya nang may pang-aasar.
Biglang namula ang mga pisngi ko. Hindi ko kakayanin dahil diring-diri ako sa t**i niya. Isa pa, kahit kailan ay hindi pa ako nakakita ng "pipino" sa personal. Sa mga p0rn website pa lang ako nakakita, pero never kong gugustuhing makakita noon sa personal.
"Kaya ko," matigas kong pagsisinungaling sa kanya.
"Humingi ka ng sorry kay Keith dahil sa ginawa mo, Carina," dagdag ni Mommy.
No. Hindi ko gagawin ang bagay na ‘yan. Siya ang nauna kaya siya ang dapat humingi ng sorry sa akin.
"Ito ang cold compress. Mahiga ka na muna sa kama, anak, para mabawasan ang sakit. Carina, ikaw na ang bahala sa kanya," sabi ni Tita Gwyn.
Napabuntong-hininga ako.
Ang ibig sabihin ako ang magbibigay ng unang lunas sa mokong na ito? Maglalapit na naman ang aming mga katawan at matititigan ko na naman ang nakakainis niyang pagmumukha. Hayss, nakakainis talaga. Lord, please remove this man in my life. Ginugulo niya ang buhay ko!