Carina's P.O.V.
Pasuray-suray akong pumasok sa mansyon. I am totally wasted, but I’m so happy. Ang sarap ng buhay—lalo na kapag pagkatapos ng klase, madami akong chicks na nakakalandian.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marinig ko ang boses ni Mommy mula sa kusina. Agad kong tinuwid ang aking lakad at malawak na napangiti sa kanya.
"Hi, Mommy!"
"Alas singko na ng umaga. Saan ka galing?" tanong ni Mommy.
Niyakap ko si Mommy. Kahit nasa 50s na ang edad niya, napakaganda at sexy pa rin niya. No wonder kung bakit ganoon na lamang siya kamahal ni Daddy—bukod sa mabait, napakaganda pa.
"Sa Bar, Mommy. Dancing, drinking, and flirting with beautiful and sexy women," nakangiti kong sagot.
Sanay na si Mommy Zinnia sa akin. Ganito talaga ako magsalita. Open ako sa aking pamilya, at napakahaba ng pasensya nila sa akin.
"It's already 5 AM, Carina. Kanina pa kami nag-aalala sa'yo ng Daddy mo," sabi ni Mommy.
"I have bodyguards naman, Mommy. Isa pa, 25 years old na ako. I'm already of legal age, di ba? Pwede ko nang gawin ang mga bagay na 'to," sabi ko matapos kumalas sa yakap niya.
"I know, pero huwag naman 'yung sobra kang nagpapakalasing at umaga ka na umuuwi. We’re just concerned about you, especially your health," nag-aalalang sabi ni Mommy.
Humingi ako ng sorry kay Mommy. Ayaw kong magalit siya sa akin dahil concerned din ako sa kanyang kalusugan. May sakit siya sa puso, at tanging device sa loob ng kanyang dibdib ang tumutulong para maging regular ang t***k ng kanyang puso.
She had undergone heart surgery noon matapos ipanganak ang bunso kong kapatid na si Zee. Gusto pa sanang magkaanak nina Mommy at Daddy, pero hindi na ito advisable ng doktor, kaya dalawa lang kaming magkapatid.
"Sige na, matulog ka na. Mamaya dadalaw si Tita Gwyneth mo kasama si Keith," seryosong sabi ni Mommy.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
"Ano?! Pupunta dito ang halimaw na 'yon? I mean, ang super genius kong kaklase na kahit kailan ay hindi ko pa nakikitang ngumingiti dahil puro na lang pag-aaral ng mga batas ang nasa isip?" bulalas ko kay Mommy.
"Bakit? Hindi ka ba nag-aaral ng mga batas katulad niya? Anak, pag-igihan mo naman ang pag-aaral mo. Pangarap ng Lolo General mo na maging isang ganap kang abogado."
"Nag-aaral naman ako, Mommy, kaso hirap na hirap talaga ang brain cells ko," nakasimangot kong sagot.
"Hindi mo naman kailangang maging sobrang matalino para sa kurso mo. Nadadaan naman 'yan sa tiyaga, anak, kaso panay ang bar mo at pakikipaglandian sa mga babae," namomoblemang sabi ni Mommy.
"Wala na kayong magagawa, Mommy. Mani ang gusto ko at hindi pipino," sagot ko.
Napailing si Mommy.
"May bestida akong binili para sa'yo. Nilagay ko sa ibabaw ng kama mo. Suotin mo 'yon mamaya pagdating ng Tita Gwyn mo."
"Ayaw ko, Mommy. Hindi naman ako nagsusuot ng bestida. Eww, ang pangit kaya nun!"
Hinahamon talaga ni Mommy ang napaiksi kong pacensya. Alam niya namang Tibo ako, pero bestida ang gusto niyang ipasuot sa akin. Oh God, please forgive me, pero ayaw ko ng bestida.
"Makinig ka sa akin, Carina."
"Mommy? Pusong lalaki ako. Ayaw ko ng ganoong kasuotan."
Napahawak si Mommy sa kanyang dibdib. Parang hindi siya makahinga ng maayos.
"Sige na nga," pilit kong sabi sa kanya.
Alam na alam talaga ni Mommy ang kahinaan ko. Ayaw kong makipag-away sa kanya kasi may sakit siya sa puso. Palagi siyang napapahawak sa dibdib at nahihirapang huminga kapag nagpapasaway ako. Siguro nagda-drama lang si Mommy para sumunod ako. Mautak si Mommy, pero mas mautak ako.Hihi
"Matutulog na ako, Mommy. Good night," paalam ko bago pumanhik sa hagdan.
"Good morning na, dahil alas singko na ng umaga," sagot niya sa akin."Teka, 'yang mga hikaw mo sa bibig, alisin mo muna pansamantala," pahabol ni Mommy."Gumising ka bago mag-alas dose dahil dito magla-lunch sina Tita Gwyn mo at Keith," dagdag pa niya.
Napakamot ako sa ulo. Pati ba naman piercings ko pinapaalis ni Mommy. Ang angas angas ko kaya kapag may ganto.
Tinabi ko ang bistidang binili ni Mommy para sa akin at pabagsak na nahiga sa kama. Antok na antok na ako kaya mabilis akong nakatulog
KEITH VELASCO P.O.V.
"Gwyn! How are you?" Masayang sinalubong ni Tita Zinnia si Mommy at agad siyang hinalikan sa pisngi. "Keith! Oh God, you are so handsome. How are you, and how's school?"
"I’m doing good, Tita Zinnia. Yeah, school is great," sagot ko sa kanya.
"Pasensya ka na kung ngayon lang ulit kami nakadalaw dito. Where are Carina and Zee?" tanong ni Mommy habang nauupo kami sa sofa. "Si Carter ba may pasok?"
"Nasa taas pa si Carina. Si Zee naman ay may pasok ngayon, and Yeah laging busy ang asawa ko sa Company", sagot ni Tita Zinnia ."Tara, doon na tayo sa dining area. Nakahanda na ang mga pagkain."
"Carina! Bumaba ka na, nandito na ang Tita Gwyn mo!"
Ayaw na ayaw kong makita si Carina. Kumukulo ang dugo ko sa kanya. I hate her so much. Siguro dahil puro yabang lang ang alam niya sa school. She even calls herself pogi kahit hindi naman. Sabagay, lesbian siya, kaya para sa kanya, pogi siya.
Speaking of the tomboy, heto na siya—sigang bumababa ng hagdan.
"Tita Gwyn! Kumusta po!" masayang bati niya kay Mommy.
"Look who’s coming! I’m doing great. Ikaw, kumusta? Hulaan ko… in love ka, 'no?" nakangiting sagot ni Mommy bago siya niyakap.
"Tita naman eh. Sakto lang po," sagot niya, na parang ang pogi-pogi niya talaga.
"Anak, di ba sinabi kong isuot mo 'yung bestidang binili ko?"
"Mommy, hindi ko po talaga kaya. Sorry, pero kahit ilang milyon ang ibigay n’yo sa akin, hinding-hindi ko isusuot ang bestidang 'yon. Kinikilabutan ako, Mommy."
"Hayaan mo na siya, Zin. Nagpapakatotoo lang naman ang anak mo—like me," nakangiting sabi ni Mommy.
Suportado ni Mommy ang pagiging tomboy ni Carina dahil siya mismo ay bisexual. Ang partner niya ay si Mommy Kai—babae rin. They were married, and I am their adopted son. Ampon nila ako, pero mahal na mahal nila ako at tinuturing na tunay na anak.
"Thank you, Tita. Pusong lalaki po talaga ako, and I really hate girly things," ani Carina na parang kinikilabutan.
Kunot- noo akong napatitig sa kanya. Napatingkayad ako sa upuan nang bigla niya akong lakihan ng mga mata.
What the h3ll is she doing?
"Hay naku, anak. May magagawa pa ba ako diyan? Lalaking-lalaki na nga hitsura mo. Short hair na kulay blonde, may mga hikaw ka pa sa bibig at kung saan-saan. Ginawa ka namin ng Daddy mo sa loob ng tent, at hindi ko akalain na magiging ganyan ka. Gusto pa naming magkaroon ng mga apo—lalo na ang Lolo General mo!"
"Mommy? Wala na kayong magagawa. Ganito na ako. Bakit hindi n’yo na lang gayahin si Tita Gwyn na tanggap ang buong pagkatao ko?"
"Tanggap ka namin ng Daddy mo, pero gusto pa rin naming magkaroon ng mga apo mula sa'yo."
"Kumain na nga lang tayo, Sissy. Hayaan mo na muna si Carina," sabat ni Mommy.
"Keith, pagkatapos kumain, tulungan mong mag-aral itong si Carina, ha?" sabi ni Mommy.
Napatingin ako kay Mommy. Magsasalita na sana ako, pero naunahan ako ni Carina.
"Hindi ko na kailangang mag-aral, Mommy. Isa pa, nandito si Keith para mag-enjoy, hindi para mag-aral. 'Di ba, Keith?" tanong niya sa akin habang nanlalaki ang mga mata—gigil na gigil.
Gusto niyang tumango ako para masunod ang gusto niya, pero sorry na lang siya—hindi ako aso na susunod-sunod sa mga kalokohan niya.
"Sige po, Tita. Mag-aaral po kami pagkatapos kumain," walang emosyon kong sagot habang nakatitig sa kanya.
Bigla niyang inapakan ang paa ko sa ilalim ng mesa kaya napangiwi ako.
Nagkasalubong ang mga kilay ko habang nakatitig sa kanya. Nilakihan ko rin siya ng mata, pero mas lalo niyang diniinan ang pag-apak sa akin.
Maya-maya pa, naramdaman ko ang pagtaas ng kanyang paa papunta sa hita ko
Umukit ang ngiti sa kanyang labi habang hinahaplos-haplos ng paa niya ang hita ko.
Mas lalong kumunot ang noo ko. Tomboy siya, pero minamanyak ako.
Ang lakas ng trip. Lahat gagawin para lang maasar ako.
I seriously can't deal with this tomboy.