Zyair's POV
Kyronia Trishesse Wang. The fact that she's really pretty is not undeniable. But I guess things will not be easy with her. There's something about her that makes her different and she shouldn't fall for me so I wont end up hurting her.
Kyronia's POV
/NEXT DAY/
Nasa kwarto ako ngayon at kakagising ko lang. Nakatitig ako sa kisame habang lutang na iniisip ang mga pangyayari kagabi.
What a good start.
Kamusta na kaya si Zyair? I hope he's doing well.
Dapat ngayong nagkakilala na kami officially, we should be texting each other now. Aish. He's not that easy to handle. Should I seduce him? Erase erase. No Kyronia, masisira ang dignidad mo.
Hmm, diba magkikita kami before engagement? The engagement will be this weekend, so... magkikita kami this weekdays? Pero may pasok naman, so after school? Wait, if magkikita kami, he should be texting me right now. Or should I remind him about it? But I don't have any contact with him.
Should I ask Dad about it?
Bumangon naman ako bigla at tumungo palabas ng kwarto. Paglabas ko, nakita ko si Dad sa main door ng mansion na naglalakad papaalis. Dali-dali akong bumaba sa hagdan at tinawag siya.
"Dad!" Sigaw ko pero sakto lang naman para marinig niya ito.
"You're leaving early." Dagdag ko
"Sweetie, gising kana pala? 8am pa ang pasok mo diba?"
Maaga akong gumigising and they never noticed that.
It's still 5:30am. 6:00am talaga ako nagigising usually, but since hindi pa ako nakaka get over sa nangyari kagabi, medyo hindi ako mapakali sa pagtulog.
"Yeah may quiz kasi kami mamaya so I have to wake up early to study." Palusot ko.
"Thats good. Do you need anything?" Tanong ni Dad
"Actually, about Zyair." Panimula ko.
"Oh, I can see that you're into him already. But I don't really like the idea of him leaving early yesterday." Komento ni Dad
"It's okay, dad. I need to ask you something, do you have any infos about him? Like contact number? I guess I need to talk to him." - tanong ko
"Hmm not exactly. But I do have contact with his parent. I can give you Lyn's number, you can ask her Zyair's number instead." Sagot ni Dad
Tumingin siya sa relo niya.
"I'll just text you the number sweetie, I have to go. Love you." Nagmamadaling saad ni Dad at tinalikuran na ako.
"Take care." Tipid kong saad at naglakad pabalik sa kwarto.
Napabuntong hininga nalang ako at nagdecide na mag prepare na for school. I'm now a 3rd year college student taking BS Accountancy program while Zyair is a 4th year civil engineering student.
After ilang minutes naka receive ako ng message galing kay Dad, tsaka ko tinext si Tita Lyn for Zyair's number.
Message from Tita Lyn:
: Oh it's you darling, good day. Here's Zyair's number ihja +63966******* .
I thanked her kaagad at akmang itetext na din sana si Zyair pero napahinto ako. Mukhang ang bilis ko naman, he didn't even bother to make a move yet. Hintayin ko nalang kayang siya yung kumausap sakin?
Aish. Nilagay ko ang phone ko sa bulsa tsaka bumaba para mag almusal.
/SCHOOL
Naglalakad ako sa hallway ng biglang sumalubong sakin ang isang makulit na nilalang na kinakairitahan ko.
"Hiiii." Bungad neto sabay kapit sa braso ko.
Feeling close talaga ket kelan.
"What do you want?" Tanong ko sakanya pero yung tingin ko nasa dinadaanan parin namin.
"Nothing, nakita lang kitang naglalakad patungo dito. Tsaka magkatabi lang naman classroom natin soooo" Saad neto habang nakangiti ng malapad
Napa-iling nalang ako. Her name is Zaelie. She is Flinn's girlfriend. Wala akong friends sa paaralan na 'to pero simula nung naging sila ni Flinn, bumubuntot na din sakin ang isang to. May mga kaibigan siya pero minsan kapag nakikita niya ako, bigla niya akong lalapitan tsaka kukulitin. It's been 4 months na ata simula nung naging sila, at first nakakairita talaga siya, ilang beses ko na siyang tinarayan pero andyan parin pft. And I must admit na habang tumatagal medyo naeenjoy ko na din ang companionship niya.
"San ka maglulunch mamaya, ky?" Tanong neto
Saktong malapit na ako sa classroom namin kaya di na ako nag-abalang sagutin siya. On time lang ako, pag pasok ko kaka goodmorning lang din ng prof namin. Naupo na ako sa seat ko malapit sa may bintana at nagfocus na sa harap.
Habang nagdidiscuss si prof, wala akong ibang ginawa kundi makinig at tumingala, ngunit biglang may naglakad malapit sa bintana ko na syang nakapukaw ng atensyon ko.
It's Zyair...
Blanko siyang naglakad ng hindi man lang napatingin sa gawi ko. D*mn he's indeed gorgeous. Bigla kong naalala yung panahon nung una ko siyang nakita sa campus.
Flashback
It was last year, friday afternoon and it was raining outside. Uwian nayun at nasa entrance ako school gate naghihintay ng sundo ko. Flinn's not around that time so I was alone there, leaning on the wall. While waiting, someone caught my attention, may lalaking naglalakad sa gitna ng daan habang umuulan. He's wearing our uniform all wet. Hindi ko alam kung saan siya galing basta't dere-deretso siyang pumasok sa entrance with those cold eyes. Suddenly, he glanced at my side, and I look away. At pag lingon ko ulit, tumatakbo siya patungo sa field at biglang sinuntok ang isa sa mga bullies ng school.
The next day, it was my birthday at I decided to go to school early 'cause I feel bothered staying at home without anyone remembering my day. And I saw him again, he's at the field again wearing our PE uniform and was playing soccer.
PE class siguro ang first subject nila ngayong umaga.
Yun ang sinasabi ko sa isip ko nun. I glaced at my watch, at napansin kong maaga pa para magpunta sa classroom kaya tumungo ako sa may field at umupo sa bench. Nagkunware akong nagbabasa ng libro habang pasulyap sulyap na tinitignan yung lalaking naglalaro sa field. He still have those cold eyes with him.
May biglang umupong group of girls sa tabi ng bench na inuupuan ko.
"Oh God, ang gwapo gwapo niya talaga." Sabi nung isang babae na blonde.
"Di na ako magtataka kung mapapalitan niya si Aiden sa pagiging top 1 ng Most Charming Student of the Year." Saad naman nung babaeng short hair.
Napayuko ako at tumitig sa librong hawak ko habang nakikinig sa usapan nila. Are they referring to that guy over there?
"Ngayon ko lang nakita yung mukha nyan eh, bago ba siya?" Saad naman nung isang medyo mahinhin yung boses.
"Gaga, transferee yan, balita ko galing yang States eh, tas nasa engineering department siya ngayon." Sagot nung short hair.
Ah, kakalipat niya lang dito, no wonder hindi din ako pamilyar sa mukha niya. After listening sa usapan ng mga chismosang yun, umalis na din ako para magpuntang classroom.
Since madadaan ko ang building ng engineering department bago ang building ng accountancy department, I decided to look into their bulletin board. At hindi ako nagkamali, nakahighlight yung bagong mukha. And I finally saw his name, Zyair Johannes.
From that day ahead, I started to feel strange looking at him from a far until one day I had realize that I am falling in love with him.
~~
Napabalik ako sa realidad ng biglang nagpaalam ang prof namin. Oshet, time na pala buti at walang quiz.
While waiting for our next subject, I decided to check my phone.
I sigh, there's no message from anyone. Should I just message Zyair first? Di ko naman ikakamatay kung ako yung unang gagalaw diba?
Aish bahala na. I started typing a message to Zyair.
Me to Zyair:
: Hi, it's me Kyronia. Zup?
Message sent.
Wtf. What kind of message is that?!!!! Taena nakakahiya -///-
Ilang minuto biglang nagbeep ang phone ko. Agad agad ko itong tinignan.
Zyair: Ey.
Zyair just actually replied to my message. Napangiti naman ako tsaka nag isip agad ng irereply pero bago pa ako makapag reply ay may kasunod na text ulit.
Zyair: About the getting to know each other thing, are you free after class?
Omygod. Omygod. Is he asking me out right now?
Hell yes! I'm always free after class. Naeexcite ako sa nararamdaman ko ngayong saya habang kausap ko si Zyair. This means a lot to me.
I replied: Yes, sure.
Tipid pero sa totoo gustong gusto ko ng tumili. After I replied, hindi na muling tumunog ang phone ko. Okay? Baka dumating na yung next subject nila...
After ilang minutes dumating na din yung pangalawang prof namin. I feel disappointed knowing that hindi na ulit nagreply si Zyair. Should I wait again? He didn't tell me where we should see each other.
Okay, kyronia. You should wait. You might end up annoying him if you keep on texting him.
Lumipas ang oras at hindi ko namalayang lunch break na. Malungkot akong lumabas ng classroom at naglakad na parang wala sa sarili. I keep on checking my phone kung may mensahe ba galing kay Zyair.
Tumungo ako sa cafeteria and ordered my food. Pagkatapos ko ay naupo na ako para kumain, as usual mag isa parin. Nahimik lang akong kumakain habang biglang may tumabi sakin.
"There you are!" Pasigaw na saad ni Zaelie habang umuupo sa tabi ko.
Takte. Akala ko kung sinong kabute, bigla nalang sumusulpot.
Tinignan ko lang sya saglit tsaka napailing.
"I was looking for you, umalis ka kaagad ng classroom niyo hmp" Panimula niya sabay kain.
"Where's Flinn?" Tipid kong tanong dito.
"Hmm i saw him kanina eh, ewan ko asan siya ngayon, katamad na hanapin." Sagot neto
Tinignan ko siya ulit habang nakataas ang isa kong kilay.
"Chos lang hahaha, may lalakarin daw siya ngayong lunch kaya di niya tayo masasabayan." Pagsagot neto ng totoo.
Tayo talaga? Sa pagkakaalam ko sila lang naman may usapan, dinadamay pa ako ampota.
Tahimik lang akong kumakain ng biglang nag vibrate ang phone ko mula sa bulsa ko. Dali dali ko itong tinignan at bumungad sakin ang reply ni Zyair.
Zyair: Okay, 5pm at school's parking lot. See you.
Bigla akong napangiti. Busy lang siguro siya kanina. Ayos lang ang mahalaga ay important hahahaha.
*
I keep on glacing the time on my wrist watch. Di ako masyadong makapag concentrate sa lecture this afternoon, and I felt my right foot's sweating.
Aaahh ang tagal naman mag bell putcha.
After 3 hours, the bell rang at agad akong tumayo at nagligpit ng gamit.
I look myself in the mirror, shet ang haggard ko. I check my watch, okay it's 4:05pm, may oras pa para mag retouch. Nagpunta ako kaagad sa girls locker room para iwan ang mga gamit ko at dali daling nag punta ng restroom.
As I fix myself, may dalawang babaeng pumasok sa cr habang nag uusap.
"You're leaving again?" Tanong ng babaeng ash gray ang buhok.
"I have to." Maiikli netong sagot.
Tinignan ko yung babaeng sumagot sa tanong nung babaeng ash gray ang buhok. She has blue eyes, her face is so thin and the color of her lips looks good on her, she's quite pretty. Tumungo sila sa kinaroroonan ko at tinignan ang sarili sa salamin.
"It will be the end of you and Zy if you'll leave."
"Zy will understand. I know he will." Paninigurado neto.
Di ko namalayan na napatitig pala ako sakanya mula sa salamin, she look at me, and smile a little bit. I smiled back and pack my things.
Tumungo akong dressing room sa may PE hall para magpalit ng damit. Good thing I always bring dress with me incase something came up. Usually kapag umuuwi sila Dad, sinusundo nila ako after school para makapag dinner kami sa labas, and I dont like eating outside wearing my uniform, I makes me feel like I'm so bata. Thats why I always bring extra clothes.
Time check: 4:51pm
Okay malapit na uwian nila. Nagsimula na akong maglakad patungo sa school's parking lot. Suddenly my phone rang.
Driver's Calling...
: Yes manong?
: Ma'am, asan kayo? Nasa front gate na po ako.
Oshet nakalimutan ko palang ipaalam na hindi ako magpapasundo ngayon.
: Dont pick me up today po. Just tell Dad that I'm with Zyair.
: Sino po yan, ma'am? Baka pagalitan po ako ni sir—
: Just tell him I'm meeting Zyair, Dad knows about him, okay?
Pinatay ko na ang tawag. Sakto din na andito na ako sa parking lot. Does Zyair own a car?
Now I'm here, I don't really know where I should go anymore. Di ko naman alam anong itsura ng kotse niya takte.
Nagpalakad lakad lang ako, and I check the time, it's 5:05pm. Ghad ang laki pa naman ng parking lot. Should I call him?
I dialed his number and call him. Nag ring saglit at biglang out of coverage area. Great. I texted him that I'm already here, as if he'll be reading that.
I waited 10 mins before calling him again. Still not answering. Masakit na paa ko kakalakad dito pucha.
Again, I waited for 10 mins habang palakad lakad parin, hinahanap ang anino ni Zyair.
Huminto ako sa paglalakad at napabuntong hininga,
"Tangina naman." Bulong ko sa sarili ko.
Lalakad na ulit sana ako paalis ng parking lot ngunit biglang may humawak sa balikat ko mula sa likod. Napalingon ako kaagad.
I'm now facing Zyair, whose staring at me. He's wearing his school slacks while his upper is a gray black stripes longsleeves. He looks cool tho.
"I was looking for you." Panimula neto.
"I don't know what your car looks like, so.." Panimula ko din.
Kinuha niya ang phone niya sa bulsa.
"You should have called me or something— Oh, its dead pala." Agad netong bawi ng makitang nakapatay yung phone niya.
I smiled a little bit.
"It's okay. Lets go?" Nakangiti kong tanong.
"Nasa kabilang side naka park yung kotse ko." He said calmly and starts walking.
And I was like... pucha. Ang sakit na ng paa ko -.-
I followed him, pero medyo mabagal kasi sumasakit na talaga paa ko. Ilang minuto tingin ko namansin niya, lumingon siya sakin and stared at my feet.
"You're wearing that 5 inches heels at school?" Nagtataka netong tanong.
"Uhh you see nagpalit kasi ako ng damit kaya I shouldn't wear my school shoes also." Sagot ko.
He looks at himself.
"Do I look odd?" Tanong niya at tumingin sakin.
"No, it looks fine." Bagay naman ata lahat sayo.
Tumango naman ito at nagsimula na ulit maglakad ahead of me. Dahan dahan akong sumunod sa kanya hanggang sa makarating kami kung saan naka-park ang kotse niya. The color of his car is royal blue. It looks good in the eyes din naman.
Finally. Saad ko sa isipan ko at napahinga ng malalim. Zyair open his car at sumakay na ito sa driver's seat without closing the car's door yet.
"Sakay na." Tipid niyang tugon bago sinara ng tuluyan ang pinto sa side niya.
Napaka gentleman ng kumag.
As what he told me, sumakay nga ako at umupo sa front seat. As soon as I close the car's door, nagsalita din siya while starting the engine.
"Don't wear heels that high next time. You'll just end up hurting yourself." Saad neto sabay simulang mag drive.
Is he concern? Tas kanina pinabayaan niya lang akong paika-ikang naglakad tse.
Ilang minuto bigla niyang inihinto ang kotse sa may kanto kung saan malapit sa isang botique.
"Wait for me, may bibilhin lang ako." Paalam neto tsaka bumaba.
I dont know what I should react so I just nod and let him leave.
Paglabas niya ng botique, napansin ko kaagad na nagpalit siya ng damit, naka black pants na siya at naka white polo sa upper. Para siyang artistang naglalakad patungo sa kinaroroonan ko. Buti nalang talaga tented ang kotse niya, at malaya akong nakakatitig sa gwapo niyang itsura.
Pagsakay niya ulit, he handed me the paperbag he's bringing.
"Uhh??" Panimula ko.
"Uhkdog." Pag bara niya.
-.-
Tinignan ko kung ano ang laman ng paper bag. Isang white na flat sandals.
"Wear it. Ayokong makitang paika-ika kang maglakad, nakakairita." Saad niya.
"T-Thanks." Nauutal kong tugon.
Biglang uminit ang mukha ko habang pinipigilan kong mapangiti. Zyair has this side of his din pala.
"It's already 6pm, let's just eat dinner and call it a day." -tugon ni Zyair, kaya tumingin ako sa gawi niya.
"Oh, sure."
Honestly, I dont know what I should say to him, since this is our first date together. Date nga ba tawag dito?
Di na ulit siya nagsalita, so I didnt bother to talk also. Tahimik kang kaming dalawa hanggang sa nakarating kami sa resto na kakainan namin.
Pagka park niya ng sasakyan agad kong tinignan kung nasaang resto kami.
Ghad, its a seafood restaurant. Salita ko sa isip ko. I don't like seafoods. He didnt bother to tell me na dito niya pala ako dadalhin. Should I tell him?
"Let's go." - zyair
Aish, bahala na nga. I'm not allergic to seafoods naman pero di lang talaga ako kumakain. Di ko naman siguro ikakamatay kung kumain ako kahit ngayon lang?
I followed him. Unlike a while ago, he offers a chair for me to sit, and I thank him. We both look at the resto's menu.
Good thing, they have Buffalo Wings.
"Good evening maam & sir, may I take your order?" -panimula ng isang waitress na nakangiti saamin.
"Two servings of Cheesy Baked Scallops and Crab & Corn soup." Saad ni Zyair.
Two servings? Takte.
"What do you like?" Tanong ni Zyair habang nakatingin sakin.
"I'll just add one buffalo wings, miss." Sagot ko at tinignan ang waitress.
She's looking at Zyair habang pasimpleng ngumingiti. Great.
"Excuse me?" Tugon ko at kumatok sa table.
"Ay sorry po maam, ano nga po ulit yon?" - Waitress
I roll my eyes. Di naman nakakairita eh no.
"One buffalo wings." Walang emosyong pag-ulit ko. Nakayuko lang ako hanggang nakaalis yung pabebeng waitress.
Saktong pag tingin ko sa harap, nagtama ang mata naming dalawa ni Zyair. Kanina pa ba siya nakatingin? Is he staring?
"Bakit? May dumi ba mukha ko?" Tanong ko sakanya. I held my phone and check my face on the camera.
Wala namang dumi. Why is he staring?
I look at him. He's not responding and still staring at me. Nagsimula akong mailang sa titig niya.
"What's wrong?" Pagkukumpirma ko ulit.
Nakatitig parin siya sakin kaya umiwas nalang ako ng tingin at yumuko.
Ilang minuto bigla itong nagsalita,
"You look stunning."
~