Kyronia's POV "Oh gosh! You are so heavy!" Reklamo ko kahit hindi niya ito naririnig. Dahan dahan kong inalalayan ang walang malay na si Zyair papunta sa kotse ko at inilapag siya sa front seat. Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung sino ang dapat kong tawagan para kumuha kay Zyair. Since nag palit na ako ng phone at number 4 years ago, I do not have any contact with Zyair's family except Helaina's jistagram. But base on her latest post, she is not in the Philippines now. All I know is wala pa ding nag bago sa bahay nila and pwedeng pwede ko siyang ihatid doon. "Ugh." Saad ko at napa hilamos sa mukha I check the time, malapit ng mag 10 PM at hindi ako sanay mag drive ng mag isa sa madilim. Napa buntong hininga ako. Inayos ko ang pag kaka upo niya at isinara ang pinto ng front seat.

