Simula
“Sigurado ka ba na kaya mo?”
“Ilang taon ka na magaaral ka pa ulit?”
“Ang hirap hirap non kaya mo ba talaga?”
“Iniimagine ko palang na papasok ka don, ako na kinakabahan sayo”
Yan ang paulit ulit kong naririnig sa tuwing mababanggit ko na gusto kong mag abugado. Well, mahirap naman talaga and nakakatakot pero pangarap ko yon eh. Hindi ba pwedeng kahit simpleng “Kaya mo yan” o “May tiwala ako sayo” ang sabihin nila instead na ipagdiinan nilang di ko magagawa? Lumaki ako na laging nakukumpara sa kapatid ko. Isang taon lang ang pagitan namin at pareho pang babae. Si ate matalino, madaldal at friendly. Samantalang ako raw ay masyadong tahimik, may pagkasuplada, madilta, maarte at average lang sa pag aaral. Kung tutuusin naman talaga ay di hamak na mas maarte ako sa ate ko, madali syang pakisamahan ng ibang tao samantalang ako ay humuhugot pa ng mahabang panahon para mapanatag sa iba. Lagi kaming kinukumpara sa isat isa. Simulan sa katalinuhan, sa kurso, sa mukha at sa katawan. Ganon ba talaga dapat? Talaga bang dapat may competition sa pagitan ng magkapatid? Hindi ba pwedeng walang kumparahan dahil una palang naman ay hindi dapat kinukumpara ang dalawang taong magkaiba. Nakakasawa lang na sa tuwi tuwinang nagtitipon tipon ay palaging pinupuna ang meron at wala sa isat isa.
“Ang lalaki na pala ng mga anak mo ano? Ilang taon na sila?” sabi ng isang kamag anak.
“Yung panganay ko 22 tapos yung bunso mag-21 this year.” sagot ni nanay.
“Anong year na sila sa pag aaral?” tanong ulit
“4th year at 3rd year” sabi ni nanay.
“Ayos pala makakaahon ka na” sabi pa nung isa.
“Ano pala ang kurso nila?”
“Ang panganay ko Accountancy samantalang ang bunso ay Political Science.” sagot ulit ni nanay
“Ay wow accountant, yayaman ka talaga jan! Matalino talaga itong anak mong panganay ano? Sya ba yung laging honor simula elementary?”
“Oo. Buti nga hanggang ngayon masipag parin mag aaral yang mga yan eh.”
“Oo nga eh, hindi pa mga pala-labas ng bahay. Ang swerte mo sa mga anak mo.”
“Ay oo mga takot lumabas yan, may mga barkada naman yan kaya lang mga hindi talaga pala-labas.”
“Yung bunso mo ayon ba yung maputi? Ang ganda na ano? Kaya lang lumobo. Ano nga ulit ang kurso nyan?”
“Political Science.” sabi ni nanay
“Ano yon? Magpupulitiko ba yan?”
Napabuntong hininga nalang ako at nanahimik sa tabi habang nag cecellphone.
“Hindi. Mag aabugado yan.” sabi ni nanay kaya simpleng nakinig ako sa usapan nila para mapakinggan ko kung ano nanaman ang sintemyento nila.
“Ay wow, kaya nya ba?” sabi nung isang naming kamag anak na di ko naman kilala. Simpleng napairap nalang ako dahil sa tanong nya. Sabi ko na nga ba ganon nanaman ang sasabihin tungkol sakin. Hindi ko naman dinidisclose na kaya ko. Alam ko sa sarili ko na mahihirapan ako kapag tumuloy ako don lalo pa’t third year college palang ako. Mahaba habang proseso pa ang pag dadaanan ko para makamit ang pangarap kong mag abugado. Pero sana naman kahit simpleng pampalubag lang ibigay na nila sakin. Hindi yung iduduldol nilang hindi ko kakayanin at nag aaksaya lang ako ng panahon. Tumayo ako at umalis sa pwesto para umiwas na at di marinig ang pinag uusapan nila. Ayokong mairita at iripan sila harap harapan dahil ugali ko naman ang pupuntiryahin nila pag nagkataon. Umakyat nalang ako sa kwarto ko at nagligpit ligpit tas nanood nalang ako sa Netflix pagkatapos. Hindi ko na binaba kung ano na nangyari sa baba pagkatapos kong umakyat. Nakatulog ako at paggising ko tadtad na chat ang gc naming magkakaibigan. Nag aaya sila kumain sa sa labas at kanina pa pala nila ko minemention sa gc.
“@Mari Soleil Cruz vebs buhay ka pa? Pakigalaw ang baso.”
“@Mari Soleil Cruz bhie g ka ba?
“@Mari Soleil Cruz ano vebs? di ka magiging snobbers today ha? HAHAHAHHA “
“ HAHAHAHAH wait lang mga vebs kakagising ko lang easyhan nyo lang” sagot ko.
“ Pakatagaaaal. Ano decisionivility ka na vebs” reply ni Eli, yung kaibigan kong beki.
“G lang. When ba yan guysue? Baka mamaya may pasok kami ni Jella.” reply ko ulit
“This Wednesday alaws daw kayong pasok norn vebs sabi ni pango.” reply naman ni Eli.
“O sige anong oras ba?” reply ko.
“Syempre mga 4 na para marami kang oras pakabagal mo pa naman kumilos tas kung maligo ka tatlong oras!” lintaya ni Eli.
Natatawa akong nagreply.
“Paka OA sa tatlong oras ha!”
“Ay mhi shrue lang ang tagal mo, inorasan ka namin non diba? tatlong oras talaga inabot mo sa banyo!” si Eli.
“Mems ka vebs, di tayo liar for todays video ha!” reply ko habang natatawa kase minention nya lahat sa gc para sang ayunan yung paratang nya sakin. Siraulo talaga tong babaihan na ito.
“@everyone liar daw tayo oh mga vebs! Diba totoo naman na pakabagaaal niyang maligo HAHAHAHAH” chat ni Eli sa gc namin
Etong mga hayop ko namang friends sumang ayon pa, pati tong Jella na to kala mo sya di makupad. Eh kaya nga kami best friend kase parehong pareho kami sa lahat ng bagay. Simulan sa kaartehan sa katawan, sa pag aayos at higit sa lahat sa pagsipat sa pogi. Naalala ko pa noon medyo shunga tong si Jella magkacrush. Biruin mo crush nya yung kapitbahay nilang 25 na eh nung mga panahon na yon magsisixteen palang kami at Grade 9. Grabeng tawa ko nung nakita ko yung crush nyang nasa labas nung araw na dumalaw ako kila Jella. Si tanga sabi pa gwapo naman daw. Baliko ba utak neto.
Nang dumating ang Wednesday maaga akong gumising para ihanda ang gagamitin ko para sa araw na iyon. Mahirap na baka pagnalate ako totohanin ni Eli na kutusan ako. So around 10 inayos ko na gagamitin ko then bumaba ako ng mga 11 para kumain ng tanghalian tapos umakyat ako ng 12:20 para simulan na maligo kase mayayari ako kay Eli pag nagbagal nanaman ako. After ko maligo sinilip ko yung gc namin tinatadtad nanaman nila ko ng mention. Mga siraulo talaga.
“@Mari Soleil Cruz vebs di magtatagal for today’s video ha?” paalalang chat ni Eli.
“Oo eto na nag aayos na” reply ko pero totoo kakalabas ko lang nang banyo. Balakayojan magwait HAHAHAHAHAH.
Nagsimula na kong magayos at magbihis tapos chinat ko na si Miller, yung isa pa naming kaibigan na nuknukan ng payat kala mo di pinapakain, laklakero pang tunay. Kaklase ko na si Miller simula Grade 7 hanggang nung second year college, nagdrop lang yo kase ayaw nya na daw mag PolSci. Kaya ngayon nag wowork na sya.
“@ Miller Pascual bangky wheresu ka na? Dumaan ka dito ah sunduin mo ko tas daan tayo kay Jella para sabay sabay tayo.” chat ko kay Miller sa gc namin
“Ay te kanina pa ko dito sa sala nyo pakatagal mo” reply nya.
Bumaba na ko pagkabasa ko nung reply ni bangkay. Bangkay tawag namin sa kanya ni Jella kase sobrang payat nya. Pagkababa ko nagpaalam na ko kay nanay na aalis na kami dahil dadaan pa kami kay Jella. Syempre humingi ako pera kahit binigyan nya na ko kagabi pa haha. Pagdating namin kila Jella nagaantay na pala sya sa labas kanina pa
“Pakatagal nyo naman mga mare” si Jella
“ Sabihin mo dito sa bestfriend mo oh inugat na ko kakaantay sa kanya sa sala nila pakabagal talaga kumilos” si Miller
“Hoy ako pa sinisi mo eh mukha ka naman talagang ugat!” pangiinis ko
Habang nasa byahe di namin tinigilan ni Jella ang pang iinis kay Miller. Buti nga di napipikon eh. Kumain muna kami sa isang resto bago dumating sa restobar na sinuggest ni Eli. Sabi pa nya dami daw masarap dito. Tawa ako ng tawa kase alam kong di pagkain tinutukoy nya. Pakalanding bakla talaga neto. Pumasok na kami at naupo sa pangwaluhang table. Bale pito kaming magkakaibigan ngayon dito, dalawang lalaki, isang babaihan, at apat kaming girls. Nagtabi agad kaming tatlo nila Eli at Jella kase sisipat kami ng pogi mamaya kapag nagstart na magsayawan sa gitna. Habang si Angela,m*******e, Miller at Jeremy ay magkakatabi sa kabila. Naguusap usap kami at nagtatawanan habang niloloko si Eli na mawawala na mamaya kapag nakakakita ng chupapi. At talagang ayun naman daw ang ipinunta nya. Umorder kami ng mga alak at nagstart na maginuman. Nagsisimula na rin dumagsa ang tao dahil nagpapatugtog na ng party music ang dj sa stage. Habang iniinom ang pangalawa kong shot ng Tequila ay nakaramdam ako na naiihi. Nagpaalam ako na mag ccr, magpapasama sana ko kay Jella kaya lang mukhang babagsak na agad to sa unang shot nya palang. Inayos ko ang dress ko dahil umangat ito ng konti. Naka coords na puff-sleeves ako na kulay pula na may sweetheart neckline at yung fitted skirt ko ay may maliit na slit sa magkabilang gilid at pinarisan ko ito ng white sneakers. Tumayo ako at naglakad papunta sa cr. Habang papunta ay may nagpapakilala sakin pero di ko pinansin at dumiretso nalang sa paglalakad. Sa sobrang iwas ko sa lalaking nangungulit ay nabungo ko ang lalaki sa harap ko.
“Ouch, sorry po” saad ko.
“Watch your step kid, nakakabangga ka.”
Yabang ha. Napatingin ako sa inis ko sa nagsalita. Kala mo kung sino, nagsorry na nga diba?
“Kaya nga nagsorry diba, di naman sadya” sabi ko sabay irap at lakad paalis. Porket gwapo kala mo kung sino, bulong bulong ko pa. Nagulat ako ng hinigit nya ko at hinarap sa kanya.
“Ikaw na nga nakabangga ikaw pa nagtataray? Ang liit liit mong babae ang tapang tapang mo!” sabi nung lalaki
Lalo akong nairita kaya sumagot pa ulit ako. “ Kaya nga sorry diba?.” Sabay hila sa kamay kong hawak hawak nya. Tumalikod na ako at dumiretso sa cr. Pero habang papaalis narinig ko pa syang nang “Tssk.” Pagbalik ko ng table namin wala na si m*******e at Eli, sabi nila sumayaw na raw sa gitna. Di ko na pinagkaabalahanv ikwento sa kanila yung nangyari sakin kanina kase di naman ganon kagrabe. Nagsalin na ulit ako ng pangatlo kong shot at balak ko nang yayain si Jella na sumunod kila Eli pero nakita ko syang nakasandal na at nahihilo na daw sya. Napabuntong hininga nalang ako at tinunga ang shot ko tapos nagsalin ulit ng bago. Mamaya na ko pupunta sa dancefloor pag natanaw ko na sila Eli at kapag medyo tipsy na ko. Nahihiya pa kase ako ngayon eh. Habang iniikot ko ang paningin ko sa buong lugar nahagip ng mata ko yung lalaking nagungulit kanina. Nagtagpo kami ng tingin at kinindatan nya ko. Umirap ako at umiwas ng tingin. At sa pagiwas ko, dumako yung tingin ko dun sa lalaking masungit na nakabangga ko kanina. Nakatitig din sya sakin kaya nakipagpaligsahan ako ng titig sa kanya. Kala mo ha. Yabang neto. Naputol ang titigan namin nag bigla akong hilahin ni Eli patayo. San sumulpot tong babaihan na to? Nagpatianod ako kay Eli sa gitna at nagsimula kaming sumayaw. Tawa ako ng tawa kase twerk sya ng twerk sa gitna. Ang harot talaga. Nagpatuloy kami sa pagsasayaw hanggang sa may humawak sa bewang ko. Pagharap ko yung lalaking kanina pa nangungulit. Bwisit naman oh.
"Kanina ka pa ha, nakakapikon ka na." saad ko.
"Sorry ang cute mo kase, di ko mapigilan. ". sabi nya
"Ah ganon? Ay dapat pigilin mo nakakairita ka kase." sagot ko
"Sungit mo naman. Lalo ka tuloy nagiging cute pag nagsusungit." sabi pa netong bwisit na to habang nakangiti. Don't get me wrong ha. Cute naman din to kaya lang ayoko talaga sa kanya. Or baka ayoko lang talaga sa mga ganyang lalaki na ang bilis duma moves. Kakainis.
"Please lang tigilan mo ko, di ako natutuwa sayo." sabi ko
"Just this dance please. Gusto lang kitang makasayaw." sabi nung lalaki
" Makasayaw? Ay beh di to cotillion." sabi ko sabay irap.
"Grabe ka naman sayaw lang eh. Ako nga pala si Dominic but you can call me Dom." sabi nya. Ano yon dom? dirty old man ganern? chariz. Medyo mabait naman to kaya lang you never know diba. Baka kaya mabait to ngayon kase may gustong makuha. Ayokong mapa trouble kaya lalo akong nagpumulit umayaw.
"Well, Hi there Dominic pero excuse me ha ayoko na sumayaw babalik na ko sa table namin. Byeee." sabi ko sabay talikod. Pero pinigilan nya ko at ramdam ko ang sakit ng pulsuhan ko dahil sa hawak nya. Oh no, I knew it! Nagpumiglas ako at sinamaan sya ng tingin.
"Let go. Let go of me." But instead, mas lalo nyang diniinan ang pagkakahawak sakin. Sa sobrang irita ko sasampalin ko na sya ng kabila kong kamay ng biglang may kumabig sa kamay nyang nakahawak sakin.
"The lady says let go. So you better be." napatingin ako sa nagsalita at nakita na yung masungit na lalaki yon kanina.
"Wag mo nga kaming pakialaman ng girlfriend ko!" sabi nitong Dominic. Kapal ng mukha ha!
"Your what? Girlfriend? You might seems lost and you mistaken my girl into yours." madiin na pagkakasabi nung lalaking masungit kay dirty Dominic. Napatango pa ko pero nung narealize ko yung sinabi nya nagulat ako. Ha? My girl? Ako? Nino? Nya? Ang kakapal psla ng mga face ng mga lalaki dito ano. Gusto ko sana mag react pero nung nakita ko na nagtatagisan sila ng titig at napahinto na yung mga nagsasayawan ay nanahimik nalang ako. Keber kung isipin ni dirty Dominic na jowa ko tong masungit na lalaking to, di na talo sobrang gwapo naman. Char.
"Dude, Let go na. Si Volkzki yan wag ka na pumalag." sigaw nung kung sino sa crowd. Napabitaw na si dirty Dominic at umalis na ng dance floor samantalang etong si sungit ay marahan akong hinigit paalis sa dancefloor at dinala sa labas ng bar.
"Uy teka, bat tayo lalabas? Babalik nalang ako sa table namin ng mga friends ko. Bitawan mo na ko." sabi ko. Then he harshly looked at me with bloodshot eyes. Then he sigh.
"See? You almost got molested there you woman." sabi nya sa inis na boses. What? ako may kasalanan? Eh sumasayaw lang naman ako tulad nung iba sa dancefloor ah! Problema nito? Napairap tuloy ako.
"Now your mad? Bakit? Dahil pinigilan ko yung lalaking yon to take advantage on you?" dagdag nya. Siraulo ba to?
"You know what? Magte- thank you sana ko sayo kase niligtas mo ko don sa manyak na yon kaya lang nevermind nalang pala. Ang dumi ng utak mo. Sana di ka nalanh nakialam kaya ko namang makaalis don." sabi ko sabay hila sa braso ko na hawak nya. Tumalikod ako at bumalik na sa table namin. Nakita ko na kumpleto sila at ako nalang pala ang kulang. Nandoon na si Eli at si Jella naman ay gising na. Inubos namin sng natitirang alak at wala nang nagtangkang bumalik sa dancefloor. Ininom ko na ang huling shot ko ng tequila. Nagtagpo ang mata namin nung bwisit na lalaking masungit na yon at inirapan ko ulit sya sabay aya sa mga kaibigan ko na umuwi na. Nagulat pa sila na ang aga pa naman daw at halos dalawang bote palang ng tequila ang nainom namin at ilang bote ng beer pero nag aya na agad ako umuwi. Sinabi ko na masakit na nag ulo ko at wala na ko sa mood kaya pumayag naman sila. Alam na kase nila na kapag nawala na ako sa mood ay wala na silang magagawa para makausap pa ako ng ayos. Tumayo na kami at naglakad paalis. Bago lumabas ng pinto nagtagpo pa ulit ang tingin namin ng bwisit na masungit na yon at inirapan ulit sya.
Pagkauwi ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa cr para maligo at matanggal ang amoy ng alak sa katawan ko. Para na rin mahimasmasan ako. Pagkalabas ay nagpatuyo lang ako ng buhok at nag skin care tapos nagpatay na ko ng ilaw at nagbukas ng led lights para matulog na.