Chapter 1
Malaking ngiti ang dala-dala ko pauwi sa bahay habang bitbit ang certificates, medal at premyong limangdaan na napanalunan ko galing contests may pangkain na kami mamayang gabi
Nasa malayo pa lang ako excited na akong umuwi para ibalita kay nanay at tatay ang naging resulta sa pagsali ko sa quiz bee, alam kong masayang masaya sila sa magiging balita ko paguwi.
Magtatakip silim na nung makarating kami sa ekwelahan, ihahatid pa sana nila ako nung tumanggi ako dahil masyadong malayo ang bahay namin kumpara sa ibang narito kaya agad kong kinuha ang gamit ko pagkatapos kong magpaalam sa mga kasamahan ko at guro pagkababa ko ng bus dali akong dumaretso sa fresh Market para bumili ng karne at gulay may mga sariwang prutas din kaya bumili na rin ako
Pagkalabas ko agad akong pumara ng tricycle pa-uwi.
"Hija saan ka bababa?" Tanong ni manong driver sa akin
"Sa isang kanto pa po ako manong" sagot ko mag-isa na lang pala ako sa tricy
"Ganun ba hija. Pwede bang dito kana lang, na flat kasi itong gulong ko sa likod, ayos lang ba sayo?"
"Naku, ayos lang po malapit naman na po" ngiting sabi ko
"Pasensya kana hija, madilim pa naman na dun part papunta sa inyo" bakas naman ang pangamba sa tono niya
"Ayos lang po manong, sanay na po ako.. ito po pala bayad ko" Abot ko ng pera pagkababa ko
"Kwarenta na lang hija" Sabi nya naman gulat naman akong napatingin sa kanya
"Pero 60 po ang pamasahe"
"Ayos lang."
"Talaga po? Salamat den ng marami manong" di makapaniwala aniya ko
"Ingat ka hija"
"Salamat po. Ingat din po kayo" balik kong bilin din sa kanya
Mabilis niya namang pinaandar ang sasakyan niya palayo sa akin. Kinuha ko naman ang mga bitbit kong dalawang supot at nagsimula maglakad medyo may distansya pa bahay namin kahit madilim at nakakatakot mag-isa wala akong choice kundi ang maglakad
Mapuno, kaonti ang bahay at dalawang street lights lang ang meron.
Binuksan ko ang maliit na tarangkahan naming yari sa kahoy. Maliwanag at tahimik na tahanan ang sumalubog sa akin, bahagyan akong napangiti siguro busy sila nanay at tatay magluto
Alas syete na
"Nay, Tay nandito na po ako" masayang medyo pagsigaw na tawag ko sa kanila mula sa labas
"May pasalubong po ako"
Binaba ko muli ang pinamili ko ng mapansin kong naka kandado pa ang pintuan namin.. Simple lang ang bahay namin hindi kasing ganda ng naiisip nyo, gaya lamang ito ng bahay nung sina-uanang panahon
Nang mabuksan ko ito dali kong kinuha muli ang mga pinamili ko at inilapag sa mesang nasa maliit na kusina namin, maging ang dala kong
bag
"Nay?" Tawag ko kay inay
"Tay?" Tawag ko rin kay itay pero walang sumagot
Pumunta ako sa cr pero wala, tinignan ko rin sa loob ng kwarto nila pero ganun rin wala akong nakitang maski anino nila, kung wala sila dito at sa labas ng bahay, saan naman posibleng pumunta ang mga 'yon nang ganitong oras?
Kinakabahan na ako
Ang usapan namin bago ako umalis aabangan na lamang nila ako rito sa bahay pero bakit wala sila, posible namang pumunta sila ng school e di nakita ko na sana, at imposible namang naroon sila sa kabit bahay namin e may distansya ang mga kabitbahay namin sa amin
Lumabas muli ako para i-check "Nay, Tay?"
Walang sumagot, sumilip pa ako sa malawak na bakuran namin sa likod ng bahay pero bigo ako, nagisip ako ng pwede pang puntahan nila nanay na lugar baka sakaling naroon sila pero hindi pa ako nakaka hakbang sa kinatatayuan ko ng biglang may kaluskos akong narinig mula sa madilim na bahagi ng bakuran namin
Nakaramdam ako ng mas lalong kaba sa dibdib ko
"Nay"
"Tay"
Tanging naiusal ko pero mas lalong nadagdagan ang mga kaluskos pero ang mas hindi ko inaasahan ang sumunod na pangyayari
Isang nagmamakaawang tinig babae ang biglang sumigaw hindi ko man makita ang itsura nito sa paraan ng pakiusap niya batid kong umiiyak ito sa harap ng kausap niya
"Maawa kayo!"
Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko ng tuluyan kong napagtanto kung kaninong boses 'yon
"Nay?!" Wala sa sarili kong sambit
Suot ang pares na uniporme ko, mabilis kong tinakbo ang bahaging 'yon kahit madilim at maraming matataas na talahiban sa dinaraan ko hindi ko ito pinakealam at ininda
Alam kong puno na nang sugat ang magkabilang braso, binti maging ang pisngi ko tinuloy ko pa rin ang pagtakbo
Masakit....
Mahapdi..
Pero mas nangunguna sa akin ang
Takot...
Kaba..
Pagkabalisa...
Pagkadismaya...
Sabihin na nating pinaghalo-halong emosyon ang naramdaman ko sa oras na ito, hindi ko namalayan ang sarili kong natigil na ako sa pagtakbo sa hindi kalayuan nang matanaw ko ang mga nilalag na may itim at iba't ibang kasuotan
Pero ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay ang dalawang taong nakaluhod at puno ng dugo ang sarili nilang damit habang nasa harapan naman nila ang isang nilalang na nakabalot ng itim na kasuotan mula ulo hanggang talampasakan
"Nay, Tay?" nanlulumong sambit ko
Dahandahan nagsilabasan ang mga namumuong butil na luha mula sa mata ko hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko para akong pinako para hindi makahakbang
Para akong nakalutang sa ere dahil hindi kayang iproseso ng sarili kong utak ang mga nakikita ko sa oras na ito
Sino kayo?
Anong klaseng nilalang kayo? Anong ginagawa niyo sa mga magulang ko?!
Nabalik lamang ako sa sarili kong wisyo dahil sa sigaw ni tatay
"Huwag niyong sasaktan ang anak namin, kami na lang maawa kayo!"
Sa halip na sumagot ang mga ito pinagtawanan lamang nila si tatay. Biglang namuo ang galit sa puso ko
"Ang 'yong mahal na anak tiyak na hinahanap na kayo" Saad ng isa sa kanila
"Binalaan ko na kayo noon ngunit sumaway kayo! Batid niyo ang kaparusan dahil sa ginawa niyo! Ang kautusan ay kautusan!" Galit at dismayadong sigaw nung nasa harapan
Nangunot ang noo ko
Isa itong lalaki dahil sa boses niya ito siguro ang pinuno nila
"Dahil isa lamang siyang paslit!" Giit naman ni nanay dahilan para mas magsalubog ang mga kilay ko
Ano bang pinagsasabi nila?
Ano ito Nay at Tay?!
"Kalapastangan!!" sigaw nito at halos tumilapon na si nanay at tatay dahil sa isang bagay na hindi ko alam kung saan nangmula
Basta ang alam ko lang isang itim
Parang sa mga napapanood ko lang na mga fairytales?
Tinignan ko ang lagay ng mga magulang ko, mas lalong nadagdagan ang dugong nasa mga damit nila, kita ko sa gilid ng mata ko ang muling paglabas ng itim na iyon mula sa
Kamay nito?
Hindi pa nito itinatama sa mga magulang ko muli ng bigla akong sumigaw at tumakbo nasa akin na ang buong atensyon nila
"Nay!"
"Tay"
Tawag ko. Nanlaki ang mga mata nilang tinignan nila ako pareho
"A-anak, M-melody!" Na-iiyak na sambit ni nanay lumapit ako sa kanya at hinawakan sinandal ko sya paharap sa akin na para yakapin
Nanikip ang dibdib ko nang makita ko ang buong katawan ni nanay na halos wala na akong makitang maayos maging ang damit
"N-nay a-anong nangyayari?" gargar na boses na tanong ko inabot ko ang kamay nito na pilit inaabot ang pisngi ko
Nanghihina ako
"P-pasensya na a-anak. M-mahal na Mahal na namin ng t-tatay mo, tandaan mo 'yan, p-proud na proud kami sayo l-lagi" nahihirapan usal ni nanay
Mas lalong nagsilabasan ang mga luha ko
"N-nay naman e. D-dalhin kita, k-kayo ni tatay sa ospital" Sabi ko pero umiling lang si nanay
"A-ayos lang hija, i-inagtan mo ang s-sarili mo. T-tumakbo k-kana" ngiting pilit na sabi muli ni nanay
Pero umiling lang ako, hindi ko sila iiwan
"H-hindi s-sila ordinaryong n-nilalang a-anak. M-makinig ka sa akin, please, b-basta t-tandaan mo l-lahat ng habilin ko sayo" lumuluhang sambit ni nanay kaya tumango na lang ako
"Pero hindi ko kayo iiwan ni t-tatay" pagmamatigas ko basa ko naman ang pagtutol sa mga mata ni mama pero hindi pa siya nakakasagot ng muling nagsalita yung nasa harap
"Nakakaawa kayong pagmasdan HAHAHA"
"Paslangin sila, dalhin niyo ang isang iyan, ang tagapagmana" nakakakilabot na usal nito
Pero nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang huli niyang sinabi
Ang tagapagmana
Ang tagapagmana
Nagsipagsunuran naman ang mga alipin niya at mabilis na nagsipaglapit sa amin mabils kong inalalayan si nanay sa pagtayo
"Umalis kana Melody!" Mariing utos nila nanay at tatay sa akin
"Hindi!"
"Makinig ka sa amin ng nanay mo!" Si tatay
Kahit galit sya alam kong nangaalala lamang siya
"H-hindi!" Pagmamatigas ko
Hindi pa nakaka sagot si tatay nang bigla na lang siyang tumilapon muli "Tay!" Sigaw ko
"Herman!" Si nanay kay tatay
"Melody umalis kana, kami na ang bahala dito" puno ng autoridad na utos ni nanay at kahit ayaw ko ay sumunod na ako pero hindi pa ako nakaka hakbang ng pigilan muli ako ni nanay
"Kunin mo ito anak at isuot, makatutulong ito sayo. Magiingat ka!" Aniya at sinuot sa akin ang isang kwentas
Mas lalo akong napaiyak
Ayoko tanggapin
Ayoko!!
Mabilis ang kumilos at tumakbo pero sadyang ayaw ng isip kong huwang sumunod, muli kong nilingon ang gawing 'yon. Tanaw ko kung paano kinuha ni nanay ang isang ispada at mabilis na pinagsasaksak ang mga lumapit sa kanya ganun rin si itay pero nung mabitawan niya ito ay mabilis siya umikot sa likod ng sumugod sa kanya at hindi ko inaasan ang ginawa niya
Mula sa kamay niya lumabas ang isang itim na bilog dahilan para mabutasan ang parte ng dibdib niya
Hindi ko alam kung paano ito ipaliwanag kilala ko ba talaga ang mga magulang ko?
Ganito rin ba ako kung sakali? Katulad ko ba ang mga ito?
Sino kayo, nay? Tay?
Napailing ako, ayaw tanggapin ng isip ko mas lalo ang puso ko
Hindi nagtagal si tatay na lang ang tanging nakikipag laban sa mga sumusugod sa kanya, ginala ko ang mata ko para tignan ni nanay pero mas nagulat ako nung hawak na ito ng pinuno nila habag mag hawak na isang ispada habang nakatutok sa leeg niya
Kinabahan ako lalo
Gusto kong magalit sa sarili ko dahil wala man lang akong magawa para iligtas sila pareho tanging iyak lang ang naigawad ko
Tulong
Please
Hinintay nilang matapos si tatay na hinanghina na sa pakikipaglaban, humarap si tatay habang nakikipagusap, hindi ko rinig dahil malayo ako distansya ko
Hindi kaya
At ang mas nakakatakot na sumunod at unti-unting paglapit ng ispadang iyon sa leeg ni nanay at ang pagagos ng dugo maging ang dahan dahan niyang pagdausdos pababa
"Nay!"
Muli akong tumakbo palapit sa kanila at hindi pa ako nakakalapit ng tuluyan nung dalawang pana ang lumipad papunta kay tatay at huli na ang lahat ng tumama ito sa dibdib niya dahilan para dahan-dahan akong tumakbo palapit sa kanya
"T-tay"
"A-anak"
"B-bakit g-ganito?" Tanong ko pero ngumiti lang ito sa akin at umubo ito ng maraming dugo
"Tay"
"M-masaya kami d-dahil i-ikaw ang naging anak namin k-kahit ang to--"
Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng umiikit na ito ramdam ko na ang mabibigat na paghinga nito
"T-tay!"
Inuga ko ito pero wala huli na anong totoo tay?
Ano?!
"Nay! Tay!" Sigaw ko
"Wahhhhhhh" sigaw ko
Galit
Disyama
At paghihiganti ang nais ko sa ora na ito, hinang-hina ako at tanging init ng mga luha ang siyang naramdaman ko
Sana,
Sana maging katulad ko na lang rin sila
"Dalhin niyo siya!" Rinig kong utos nung lalaki muli
Mas lalo akong nakaramdam ng galit. Pinakiramdaman ko ang buong paligid habang nakapikit at paulit ulit lamang ang nais ko
paghihiganti
paghihiganti
paghihiganti
Ramdam ko ang paghatak nila sa magkabilang braso ko pero hindi nagtagal muling umalingaw ngaw ang isang malakas na ugong ng pagsabog sa isang sulok, naimukat ko ang mata ko
BOGSSS
Nataranta ang lahat at nabitawan pabagsak sa lupa, parang naging manhid ang buong katawan ko
"Mahal na Pinuno dumadating ang mga diwata!" Rinig kong sigaw nung kawal
Tanaw ko ang unting unti pagkagulo muli sa piligid ko. Naramdaman ko na lang ang katawan kong tumayo at kinuha ang isang ispada malapit sa gawi ko
Inalala ko lahat ng ginawa nila, ang pagpaslang nila sa mga magulang ko sa mismong harap ko muli kong naramdaman ang mainit na luhang nagsilabasan sa mata ko muling namuo ang galit sa dibdib ko na ngayon ko lang naramdaman, sinaksak ko isang lalaking palapit at sa mga sumunod pang sumugod sa kin
"Nagustuhan mo ba ang regalo ko?" Biglang tanong ng isang babae mula sa likod ko
Kilala ko ang boses nito
"Mahal kong kaibigan. HAHAHAHA" Muli nitong dagdag
"R-Rebecca?"
"Ako nga, masaya akong nakilala mo ako" nakakakilabot niyang sagot
Naguguluhan ako. Ano 'to?
Anong reglo? Nangunot ang noo ko pinagmasdan ko ito ng matagal ang pinagaralan ang bawat itsra at galaw niya
"Traydor! Sino ka?!" Inis at galit kong tanong
Ngumisi ito "Ako 'to 'yung kaibigan mong, hindi ka naman tinuring isa"
Mag lalo akong nainis
"Ginawa mo ba 'to sa mga magulang ko? Sa akin? Kaibigan kita pero ano 'to?! Masama kang tao!" Sigaw ko parang kaming dalawa na lang ang tanging naroon
"HWHAHAHHAHA I'm so sad for you!" Hindi ako umimik
"Patayin niyo siya!" Utos niya at nagsimula naglakad palayo
Humanda ka sa akin buhay mo rin ang nais ko
Nagtuloy ang ginawa ko. Laban don laban dito habol hininga ako pagkatapos kong isaksak sa huling nilalang ang hawak kong ispada at muling hinablot, ginawa ko pa itong pagtuod dahil sa hina ko
Ilang minuto lang nang maramdaman ko ang isang masakit na bagay ang nasa likuran ko
May sumaksak sa akin at mas lalo niyang binaon 'yon hanggang sa makita ko ang dulo ng ispadang 'yon sa harap ko sa parteng dibdib napasuka ako ng dugo maraming dugo
"A-ahh!!" Daig ko ng hinugot niya ang bagay na 'yon sa akin
Mas lalo akong napaiyak
Pabagsak akong napa-upo aa sarili kong mga tuhod para na kong mamamatay
Muli Kong naramdaman ang pagtama ng talim nito sa pisngi ko.