CHAPTER 2

686 Words
Nagpatuloy  sa paglalakad si Athena! "mister?anjan ka ba?----m-mister----senior? yu hooo?-------haist san na ba nagsuot yun!---"si Athena! Hanggang sa marating din ni Athena ang dulo ng pasilyo!isang pinto ang naroon!kumatok naman muna ito bago pumasok! "S-Senior?----pwede ba tayong mag usap?---"si Athena! Wala naman sumasagot kaya ipinihit na lang nito ang seradura ng pinto!pagkabukas nito ay siya namang pagbukas ng elevator! "ano to elevator???-------mi elevator dito?!---"gulat at manghang si Athena! Hindi na nito namalayang nakapasok na siya sa loob ng elevator!mabilis na nagsara ang elevator!huli na nang mapagtanto nito! Pilit naman nitong binubuksan ang elevator pero huli na!naramdaman nitong umaandar ang elevator!ang direksiyon nito ay hindi pataas kundi pababa! "oh mi ghaad!----ano na naman ba tong napasukan mo Athena!----"nanginginig na bulong ni Athena! Naghalong kaba at takot ang naramdaman nito! Mayamaya pay naramdaman nitong tumigil ang elevator!agad itong bumukas! Bumungad kay Athena ang salaming pinto! Nagdalawang isip si Athena kung papasok ito sa loob!pero nanaig sa isipan nito na kailangan niyang makausap ang Senior na yun! Walang ano anong madali nitong binuksan ang malaking salaming pinto at agad pumasok sa loob! Pagkapasok ni Athena sa loob ay bumungad sa kanya ang malaki at napakagarang silid! Puting puti ito at napakalinis ng lugar!moderno ang desenyo ng silid!halos kumpleto rin sa mamahalin at mga high-tech na gamit! "underground condo?!-----"manghang manghang si Athena! Hindi ito makapaniwala sa nakikita nito! "haist!asan na ba yung masungit na yun..."usal ni Athena! "Senior?yuhooo------sungit asan ka na?----"si Athena! Dinaan na lamang nito sa biro ang takot na nararamdaman nito!dahil medyo kinakabahan na rin! "hello?Senior?---"tawag muli ni Athena!inilibot nito ang paningin sa marangya at malaking silid! Mayamaya pay natuon ang paningin nito sa kulay gintong pinto! "hmmm...ginto ba to?-----"si Athena! Sinipat sipat pa nito ang gintong pintuan!tinangka niya itong buksan pero nakalocked ito! "baka andito yun..."bulong ni Athena saka nito kinatok ang pinto! "senior?---------pwede ba kitang makausap?-----"pakiusap ni Athena! Wala pa ring sumasagot!napagpasyahan na lang ni Athena na umalis sa lugar na yun!wala naman kasi dito ang gusto niyang maka usap! Agad tumalikod ang dalaga!akma na itong aalis nang bigla namang bumukas ang pinto! Narinig pa nito ang paglangitngit ng pinto na unti unting bumukas! Napabalikwas si Athena!nanlaki ang mga mata nito sa gulat ng biglang bumukas ang kulay gintong pintuan! Bumungad sa kanya ang malaking kuwadro kung saan nakapinta ang isang napakagandang babae!nakasabit ito sa dingding! Dahan dahang pumasok si Athena sa loob ng silid para makita sa malapitan ang larawan! "ang ganda naman niya..."usal ni Athena habang titig na titig ito sa larawan ng babae! "1817?------"basa ni Athena sa numero na nakasulat sa ibaba ng painting! Inilibot pa ni Athena ang paningin nito sa loob!napansin nito na madilim ang ibang bahagi ng silid maliban sa dulong bahagi nito!maliwanag sa parte na iyon! Dahan dahang lumapit si Athena sa pinagmumulan ng liwanag! Bigla namang kinabahan si Athena pagkalapit nito! "p-pinto na naman?-------ang dami namang mga pinto dito...."nanginginig nang si Athena! Medyo nakaawang ang pinto kaya dahan dahan itong napasilip sa loob! Sobrang lamig ang lumalabas na hangin sa nakaawang na pinto!tila umuusok usok pa ito sa sobrang lamig! Pagkasilip ni Athena sa loob ay nakita nito ang isang babae na maayos na nakahiga sa malaking kama! "s-siya yung babae s-sa p-painting...."nahintakutang si Athena!bumilis ang t***k ng puso nito sa matinding takot na lumukob sa kanya! Walang ano anong malakas na nagsara ang pinto! Sa sobrang takot at kaba nito ay mabilis itong napatakbo palabas ng silid! Hindi na nito napansin ang malaking bulto sa harapan niya sa kakalingon nito sa kanyang likuran! Napatigil si Athena ng mi kung anong nabangga siyang matigas na bagay pagkalabas nito ng silid! Nanlaki ang mga mata ni Athena ng mapagtanto nito kung anong bagay ang nabangga nito! Nabangga nito ang matipuno at hubad na katawan ng lalaki! Napalunok si Athena!nailang din ito ng mapagtanto niyang nasa malapad na dibdib ng lalaki ang dalawang kamay nito! Bigla siyang nanlamig at tila nanigas din ang buo niyang katawan!hindi niya mawari kung nilalamig lang siya o sadyang malamig lang ang katawan ng lalaki! Unti unting nag angat ng mukha si Athena! Sinalubong nito ang kunot noo at nanlilisik na mata ng lalaki!si Senior!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD