bc

LOVE OF IMMORTAL

book_age16+
1.5K
FOLLOW
3.5K
READ
fated
dominant
powerful
twisted
mystery
monster
vampire
disappearance
rebirth/reborn
like
intro-logo
Blurb

"aalis nako dito!ayoko dito!ayoko dito!mga halimaw kayong lahat!"sigaw ni Athena!patakbo nitong tinungo ang pinto!agad naman nitong nabuksan!

Pagkabukas nito ng pinto ay tumambad naman sa kanya ang tila mangangain ng buong si Austin!

Kitang kita nito ang nanlilisik nitong mga mata!halo halong emosyon ang nakita nito sa mga mata ng binata!galit!sakit at matinding lungkot!

Nanlaki ang mga mata ni Athena pagkakita nito sa binata!dahan dahan itong napahakbang paatras!dahan dahan din namang lumapit ang binata!

"sa tingin mo makakalabas ka rito ng buhay?!"titig na titig namang si Austin!

"p-parang awa mo na...wag mo akong sasaktan..please..h-hayaan mo na akong umuwi.."pagmamakaawa ni Athena sa binata!

Akma naman sana nitong hahawakan ang dalaga ng bigla na namang napaatras muli si Athena!

"hanggat hindi nagbabago ang tingin mo sakin!dito ka lang!"matigas na sambit ni Austin!

Bawat isa sa atin ay may itinakdang taong ating iibigin at mamahalin!pero paano kung ang taong itinakda sa iyo ay hindi pangkaraniwan!isang nilalang na hindi mo sukat akalaing namumuhay sa mundo ng mga tao!

Athena Santillan isang anak mayaman at anak ng isang kilalang pulitiko!tinakasan nito ang tangkang pagpapakasal ng kanyang pamilya sa isang lalaking hindi nito mahal!

Austin Altamirano isang binatang mi maamong mukha!pero sa kabila ng napakaamo nitong mukha ay nagtatago ang isang mabagsik!walang puso at walang pakundangan kung pumatay ng tao!isang binatang mi itinatagong lihim sa kanyang pagkatao!

Paanong ang isang Athena Santillan ay mapapaamo at mapapaibig ang isang mabagsik na hayop na tulad ng isang Austin Altamirano!matanggap kaya nito ang buong pagkatao ng binata?makaya din kaya ng isang Austin Altamirano na ipaglaban ang pag-ibig nito sa isang mortal kahit pa ang katumbas nito ay kamatayan?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Agad pinaharurut ni Athena ang dilaw na Toyota Fj Cruiser na sasakyan nito! "habulin niyo!-----wag niyo siyang hayaang makatakas!----"sigaw ni Congressman Santillan sa mga tauhan nito! Nagsitakbuhan ang mga tauhan nito patungo sa mga nakaparadang mga sasakyan para habulin ang sasakyan ng dalaga! "habulin niyo ako-----kung kaya niyo!hahaha!----"usal ni Athena sa loob ng sasakyan at lalo pa nitong binilisan ang takbo ng kanyang sasakyan! "congressman flat po ang mga gulong!----"sigaw ng isang tauhan! "ano!?yong ibang sasakyan ang gamitin niyo!----"galit na sigaw ng Congressman! "lahat po ng sasakyan flat po ang gulong!mi tusok po ng ice pick ang mga sasakyan!----"ang tauhan nito! "mga walang silbi!-----iisa na nga lang ang pinababantayan ko sa inyo hindi niyo pa magawa!natakasan pa kayo sa dinamidami niyo!mga gunggung!---"galit na galit na si Congressman Santillan! "pasensya na po Congressman.." "magsilayas kayo harapan ko!--ayokong makita ang mga pagmumukha niyo!mga inutil!---"bulyaw pa ng Congressman sa mga tauhan nito! "sakit ka talaga sa ulo Athena!---"usal pa ng galit na galit na Congressman bago ito pumasok sa loob! ~~~~ Malayo layo na rin ang tinakbo ng sasakyan ni Athena! Basta ang gusto nito makalayo siya!malayong malayo sa kanyang Papa!yong tipong hindi siya nito mahahagilap! Halos limang oras nang nagmamaneho si Athena!buti at nakapagpa-gas pa siya kanina sa nadaanan nitong gas station! "haist san na bang lugar toh?!---wala man lang mga streetlights!---anong klase ang mga alkalde nila dito!---"medyo inis at takot na si Athena! Hindi na kasi nito tinignan kung saan siya bandang lumiko kanina basta nagmaneho na lang siya! Nagpatuloy ito sa pagmamaneho!binabagtas nito ang diretso at mahabang daan! "wala man lang mga bahay o kaya hotel na matuluyan!my ghadd!nakakatakot na to ha!-------ano na naman ba tong napasukan mo Athena!nakatakas ka nga sa kasal...pero malamang baka r**e naman abutin mo dito!juice koh!--- "nahihintakutang usal ni Athena sa pinag iisip nito! Nagpatuloy sa pagmamaneho si Athena sa diretso at tila walang kaduluhang daan!paubos na din ang gas ng sasakyan nito! "my ghhad!wala pang signal!pano na toh!----"mangiyak ngiyak na si Athena! Hanggang sa mayamayay biglang huminto ang sasakyan!ubos na ang gas nito! "shiit!------"mura ni Athena sa loob ng sasakyan!kinakabahan na ito at pilit iniistart ang sasakyan! Tinignan nitong muli ang kanyang phone!pero wala pa rin talaga itong signal! Napagpasyahan na lang nitong matulog sa loob ng sasakyan at hintaying mag umaga! Mi isang oras na ang nakalilipas pero kahit anong gawing pikit ni Athena sa mga mata nito ay hindi pa rin siya dalawin ng antok!dahil na rin sa takot sa mga naririnig nitong huni sa paligid! Hanggang sa may naaninag siyang ilaw at nagmumula ito sa paparating na sasakyan! Nabuhayan ng loob si Athena! Pinasindi nito ang mga ilaw ng kanyang sasakyan!agad ring bumaba ng sasakyan si Athena! "bahala na!----"bulong ni Athena sa sarili! Pumagitna si Athena sa daan!iwinagayway rin nito ang kanyang kamay at hawak hawak nito ang kanyang phone! Sinadya pa nitong pailawin ang phone nito ng patay sindi! Kinabahan si Athena ng ilang metro na lang ang layo ng sasakyan pero mabilis pa rin ang takbo nito! "sasagasahan ata ako nito ah!----"nanlalaking mga mata ni Athena sa mabilis na sasakyang paparating! Nanatiling nakatayo si Athena sa gitna ng daan kahit pa nangangatog na ang mga tuhod nito sa takot at kaba!at baka hindi siya hintuan ng sasakyan! Mabilis ang takbo ng sasakyan!kasing bilis ng t***k ng puso ni Athena sa kaba! Hanggang sa malakas na pumpreno ang sasakyan kasabay ng malakas nitong busina! Napatulala si Athena!ilang pulgada na lamang kasi ang layo ng sasakyan sa kanya!konting konti na lang! Parang kakapusin ng hangin si Athena sa takot nito at pagkabigla!nanginginig at nanlalamig ang buo nitong katawan! Muntik na siyang sagasahan ng itim na sasakyan! Hanggang sa biglang nagdilim ang paningin ng dalaga!nawalan ng malay si Athena! Pero bago pa man bumagsak ang katawan ng dalaga sa lupa ay agad naman siyang nasalo ng matitipunong bisig ng isang lalaki sa isang kisapmata lamang! Napatitig ang lalaki sa mukha ng dalaga!nalanghap din nito ang nag aanyayang amoy ng dalaga!napakasarap na amoy!nakakatakam! Napalunok ang lalaki at tila nanubig din ang bibig nito! Walang ano anong binuhat ang walang malay na si Athena at mabilis na isinakay sa kanyang sasakyan! "bumalik tayo sa mancion!----"maawtoridad namang utos ng lalaki! "sigurado po kayo Senior na dadalhin natin yang babae sa mancion?----baka po mag karoon tayo ng problema jan-----"ang driver! "sundin mo ang iniuutos ko!----"ang lalaki! "opo Senior masusunod..pasensya na po kayo.."hinging paumanhin ng driver sabay yuko sa lalaki! Bumalik ang mga ito sa mancion gaya ng cinabi ng lalaking tinatawag nitong Senior! ~~~~ Binuhat ng lalaki ang walang malay na si Athena at idinala sa malaki at marangyang silid!nakasunod naman rito ang isang matandang babae! Agad nilapitan ng matandang babae si Athena pagkalapag ng lalaki rito sa kama! "napakagandang bata...anong nangyari sa kanya Senior?---saan niyo siya natagpuan?----"ang matandang babae! "nawalan siya ng malay sa daan---"walang ekspresyon sa mukha ng lalaki! "senior...ano pong balak niyo sa kanya?---bakit niyo po siya dinala rito----senior kung maari po hayaan niyo na lamang po siya..napakabata pa po niya.."ang matandang babae! "pinapangunahan mo ba ako Leticia?!----"galit na baling ng lalaki sa matanda! "hindi po sa ganon Senior...nakikita ko kasi ang apo ko sa kanya..pasensya na po kayo.."sagot ng nahintakutang matanda! "walang kahit sino sa inyo ang pwedeng kumwestiyon sa mga desisyon ko!-----"galit na turan ng lalaki! Walang ano ano ring biglang nag iba ang kulay ng mga mata nito!nanlilisik! "sa susunod ayokong pinangungunahan mo ako Leticia!----"ang lalaki! "opo Senior.."paumanhin ng matandang babae!sabay yuko sa lalaki! "makakaalis ka na!"utos ng lalaki! Madali namang lumabas ng silid ang nanginginig na matanda! Unti unting lumapit ang lalaki sa natutulog na dalaga!tinignan nito mula ulo hanggang paa! Amoy na amoy nito ang napakatinding amoy na dumadaloy sa katawan ng dalaga! Hinawi nito ang buhok ng dalaga dahilan para malantad ang maputi nitong leeg!unti unting lumapit ang mukha ng binata!puntirya nito ang maputing leeg ng dalaga! Napalunok ang lalaki!pero bago pa man maibuka ng binata ang bibig nito ay walang ano-anong bumaling ng higa si Athena dahilan para magdikit ang mga labi ng mga ito! Hindi agad nakagalaw ang lalaki!tila kung anong naramdaman ang lalaki sa pagkakadikit ng mga labi nito sa labi ng dalaga! Mi kung ilang segundo ring naglapat ang mga labi ng mga ito!habang si Athena ay wala pa ring malay at himbing pa rin sa pagtulog! Tila bumilis ang t***k ng puso ng lalaki sa pagkakadikit ng mga labi nito sa labi ng dalaga!kunot noo itong napatitig sa himbing pa rin sa pagtulog na dalaga! Tila rinig na rinig din ng lalaki ang bilis at lakas ng pintig ng puso nito! Hanggang sa walang ano anong mabilis na lumabas ng silid ang lalaki! ~~~~ "patawarin niyo po ako Senior...parang awa niyo na hindi na po mauulit!"pagmamakaawang sambit ng isang lalaki! "talagang hindi na mauulit!----"nanlilisik na mata ng tinatawag nilang Senior! Agad na sinakal nito ang nagmamakaawang lalaki!bumaon ang matatalas at mahahaba nitong kuko sa leeg ng nagpupumiglas na lalaki! Mayamaya pay malakas nitong inihagis ang lalaki!naibalibag ang lalaki sa malalaking puno!nagkandadurog ang buto nito!wala na itong buhay nang bumagsak sa lupa! "walang kahit sino sa inyo ang pwedeng kumalaban sakin!----tandaan niyo yan!----"nanlilisik na mata at galit na galit na turan ng tinatawag nilang Senior! ~~~~ Kinaumagahan nagising si Athena sa sinag ng araw na tumatama sa salaming bintana ng silid! Kinusot kusot nito ang kanyang mga mata at nag unat unat ng katawan!hanggang sa mapatigil ito ng maalala nito ang mga nangyari kagabi! Inilibot ni Athena ang paningin nito sa loob ng silid! "oh.... my......ghhhaaad....a-asan ako?----"gulat na si Athena! Mabilis itong napabalikwas ng higaan at binuksan ang pinto ng veranda ng silid! Bumungad sa kanya ang napakalawak na bakuran!napansin naman nito na tila walang mga bulaklak sa paligid!puro puno at mga tuyong dahon ang nakikita nito! "haist...binuksan buksan ko pa wala din naman pala akong makikitang maganda sa lugar na toh!----"tila nadismaya namang turan ni Athena! Mayamayay biglang napapitlag si Athena ng biglang mi magsalita sa likuran nito! Ni hindi man lang nito namalayan ang mga yabag ng taong nagsalita mula sa likuran nito! "anong sinabi mo?----"tanong ng baritonong boses ng lalaki! Dahan dahang pumaharap si Athena sa may ari ng boses! "ayun naman pala eh...mi maganda naman palang view na makikita rito..hihihi!----"sa isip isip ni Athena habang titig na titig sa napakaamo at napakagwapong lalaking nasa harapan nito! "babae!----"malakas na tawag ng lalaki sa tulalang si Athena! Natauhan naman si Athena sa malakas na tawag ng lalaki! "makababae ka naman...hehe..Athena nga pala-----"nakangiting si Athena sabay lahad ng kamay nito sa lalaki! Wala pa rin ekspresyon ang lalaki!hindi rin nito inabot ang kamay ng dalaga! "hmmp!napakasuplado huh!"sa isip isip ni Athena! Napahiya man si Athena sa ginawang pag iignora ng binata ay pilit pa rin niyang nginitian ito! "s-salamat pala kagabi ha...pinatuloy niyo ako dito.."nakangiting si Athena! "maari ka nang umalis----"walang ano anong sambit ng lalaki! "ha?-----"si Athena! Pero bago pa man makasagot ang lalaki ay bigla namang mi kumatok sa pinto at pumasok ang isang matandang babae! "nakahanda na po ang agahan niyo Senior-------"ani ng matandang babae! "ha??----ano daw??----senior???-----"sa isip isip ni Athena! Medyo napataas rin ng kilay si Athena sa sinabi ng matandang babae? "okay Leticia-----"ang lalaki! "haist-------ang weird ha!----para namang mas matanda kung kausapin nito ang matandang babae! eh parang magkaedad lang naman ata kami nito eh!-----"curious namang si Athena! "eh ineng kamusta na ang pakiramdam mo?-----ako nga pala si Leticia----ano bang pangalan mo iha?------"tanong ng matanda! "Athena po ang pangalan ko... okay na po ako aling Leticia.."pakilala naman ni Athena sa sarili! "ke gandang pangalan..bagay sa napakagandang batang kagaya mo..naalala ko ang apo ko sayo..siguro kasing edad mo na rin siguro iyon kung nabubuhay pa siya..eh ilang taon ka na ba iha?----"nakangiting tanong ng matanda kay Athena! "23 po.."nakangiting sagot ni Athena sa matanda! "Leticia!------kamusta ang iniuutos ko?!----"biglang sabad ng lalaki! "eh okay na po senior----nasa ibaba na po ang sasakyan niya..nilagyan na din po ni Pilo ng gas!kakasya na po yon palabas sa atin.."ang matanda! "mabuti kung ganon----"ang lalaki! Mataman lang namang nakikinig si Athena sa dalawa!mayamaya pay natuon na ang paningin nito sa lalaki! "ikaw babae!----"baling ng lalaki kay Athena! "babae talaga?----Athena nga...mahirap bang sabihin yon mister?----"medyo inis na si Athena! Napakunot noo ang lalaki sa tinuran ng dalaga! "have a meal then leave!----"walang ano anong sambit ng lalaki at agad na tumalikod rito! Palabas na ito ng silid ng biglang magsalita si Athena! "h-hindi ako aalis!-----"habol ni Athena sa lalaki! Napatigil ang lalaki sa sinabi ng dalaga! Nagtagis ang mga bagang nitong pumaharap ang lalaki kay Athena!tinapunan nito ng masamang tingin ang dalaga! "i----i mean--------t-tinulungan niyo na lamang din ako----pwede bang lubos lubusin niyo na?wala kasi akong matutuluyan--kung pwede dito muna----"hindi na nito natapos ang sasabihin nito ng biglang sumagot ang lalaki! "NO!-------"matigas sagot ng lalaki! "sige na naman na oh..p-promise magtratrabaho ako...pagtratrabahuan ko naman eh------kailangan ko lang talaga ng matutuluyan ngayon...pwede ako maging kasambahay..kahit anong trabaho..hayaan niyo lamang akong tumira dito.."pagmamakaawa ni Athena! "i said NO!--------i have enough of them!----"matigas pa ring sambit ng lalaki! "eh ineng hi-hindi mo alam ang sinasabi mo....mas mabuti kung umalis ka na lang-----"tila nagbabanta namang sabad ng matanda rito! Agad namang tinapunan ng lalaki ng masamang tingin ang matandang babae! Agad namang napayuko ang matanda! "just leave----or else..."ang lalaki! Biglang natigilan ito at napatitig sa mga labi ng dalaga!napalunok pa ang lalaki kasabay ng mabilis na t***k na naman ng puso nito! "or else...what?--------"balik na tanong ni Athena rito! Hindi naman siya sinagot ng lalaki!bagkus bumaling ito sa gawi ng matanda! "Leticia!gusto kong pagbalik ko ng mancion----wala na ang babaeng yan dito!----nagkakaintindihan ba tayo?!-----"maawtoridad namang utos ng lalaki! "masusunod po senior!-----"tarantang sagot ng matanda! Agad na tumalikod ang lalaki at walang lingon likod na umalis ito ng silid! Lumaylay naman ang balikat ni Athena sa sinabi ng lalaki! "saan na ngayon ako pupunta nito?----wala pa man din akong dalang malaking pera..."sa isip isip ni Athena!napanghihinaan na ito ng loob! Halos tatlong araw kasi siyang bantay sarado ng mga tauhan ng kanyang Papa!baka tatlong araw lang ubos na ang dala nitong pera! At panigurado ding mahahanap siya ng Papa nito kung hihingi siya ng tulong sa mga kaibigan at relatives nito! Hanggang sa biglang mi pumasok sa isipan ng dalaga at walang ano anong tumakbo sa gawi kung saan nagtungo ang lalaki! "sandali iha!-------saan ka pupunta?-----h-hindi ka pwedeng p-pumunta j-jan!----"habol ng matanda kay Athena! Padilim naman ng padilim ang mahabang pasilyo na dinaraanan ni Athena! "dito nagpunta yun eh...asan na ba yong masungit na lalaking yun?------"si Athena! Nagpatuloy naman sa paglalakad si Athena! "mister?anjan ka ba?----m-mister----senior? yu hooo?-------haist san na ba nagsuot yun!---"si Athena!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook