Chapter one
Umuulan, kasalukuyan akong naka tanaw sa bintana, gustong gusto ko ang tunog ng patak ng ulan dahil napapakalma ako neto, napangiti ako ng mapait habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro sa ulan, ni minsan hindi ko naranasan mag laro sa ulan, naputol ang aking pag iisip ng maalalang nag aaral nga pala ako dahil may quiz kami bukas.
"Nako! dapat makapasa ako sa quiz bukas kasi kung hindi mayayari nanaman ako" napahawak ako sa aking noo dahil sinasayang ko ang oras ko sa pagnood sa labas imbis na mag review
"Seia mag focus ka ano ba" saway ko sa aking sarili, natawa na lamang ako dahil para akong baliw sa aking ginagawa
Buong araw ako nag aral dahil gusto kong maipasa ang quiz na yun, hindi ako pwede makakuha ng mababa na marka kailangan ko maging mataas at magaling para maging proud ang parents ko ayan ang goal ko.
"SEIA!!" sigaw ni hannah habang papalapit sa'kin, kakapasok ko pa lang ang ingay na nya, btw she's my childhood bestfriend.
Hingal na hingal sya ng makalapit sa'kin, bakit ba kasi sya tumatakbo
"A-alam mo ba m-may b-bago tayong k-kaklase" hingal nyang sabi, pero tama ba ang narinig ko? bagong kaklase? at sino naman
"Tumakbo ka ba para sabihin sa'kin yan?"
"oo"
Wala naman akong interest kung sino man yung bagong yun pero kinakabahan ako, baka mas magaling sya sa'kin ay hindi think positive
"Balita ko matalino daw at gwapo"
Matalino??? pa'no na ako neto, bagong karibal nanaman, kaya ko to baka seia ata to
"Wala akong pake kahit sino pa sya, o kahit anak pa sya ni Einstein" natawa na lang sya sa sinabi ko pati ako ay natawa
natigilan kami ng pumasok na ang prof namin at kasunod nito ang isang matangkad na lalake at...
"Sobrang gwapo mo naman" sigaw ni clea
ah yea gwapo sya but wait sya ba yung tinutukoy ni hannah kanina na bago naming kaklase?
"good day to all of you, he is your new classmate, can you introduce yourself?" saad ng prof namin, nalipat ang buong atensyon namin sa kanya habang hinihintay syang magpakilala
"Hi, I'm Klean Forbes" yun na yun? walang nice to meet you all? agad na nagtilian ang buong room, anong nakakakilig dun? nakakainis
"Ang pogi ng boses" kinikilig na sabi ni hannah, tsk di naman
"Sa tabi ni ms.Valdez doon ka umupo" sabi ni prof at tinuro ako, wtf??? sa tabi ko??
nawala ako sa sarili ko at namalayan na lang na katabi ko na sya
"okay let's start our lesson" at nagsimula na nga
Wala akong ganang makinig, para akong nawalan ng kaluluwa buong klase kaya nakatulala lang ako, nabalik ako sa wisyo ng kalabitin ako ni hannah
"Hoy ano bang iniisip mo, break time na"
pati oras di ko na namalayan, tapos na pala ang klase namin at lunch break na
"Ah oo nga pala, halik—"
"Klein, sama ka na rin" pagputol ni hannah sa'kin, kahit kailan napaka friendly nya talaga
"No thanks" maikli nyang tugon, ikaw na nga inaaya dyan ang arte neto, bahala sya, sasamahan na nga sya para kahit papaano alam nya yung daan papuntang cafeteria tapos aayaw sya??? manigas sya dyan
"Sa tingin nyo ba ay sasama sya sa inyo? sino bang sasama sa inyo?" singit ni clea at nagtawanan sila ng mga kaibigan nya, kahit kailan talaga ang mga babaeng ito napaka papansin
"Okay lang, atleast hindi ako nagmukhang multo dahil sa kapal ng foundation ko" pangangasar ni hannah, natawa na lang ako dahil sa reaction nila
"what?? what did you say??" may inis sa tono na sabi ni clea
"I said, your foundation is so makapal like your face" nagulat ako ng biglang sampalin ni clea si hannah, magsasalita na sana ako ng unahan ako ni klein
"I hate noises"
"Omg I'm sorry klein, ang epal kasi ng dalawang to" pabebeng sabi ni clea
"You started it first" walang ganang sabi ni klein habang nagbabasa
"I'm sorry, w-what???" hindi makapaniwalang sabi ni clea
"Bingi ka ba? You started it first nga daw" sagot naman ni hannah
"manahimik kana kasi" sagot ko naman
"YOU—" natigilan si clea ng dumaan bigla sa harapan namin si klein at lumabas ng room
"Clea tama na yan, may araw din yang dalawa sa'tin" saway naman nung isa nyang kaibigan
"Okay, palalampasin ko to, pero sa susunod hindi na" may inis na sabi nya, at umalis sa harapan namin
"Wala na nasayang na oras na'tin dahil dun, gutom na ako" natatawang sabi ni hannah
"Okay ka lang? sinampal ka nya" nag aalalang tanong ko
"Oo, okay lang ako, hindi naman masyadong masakit e" yabang nya talaga
"Oo nga pala asan na kaya si klein" oo nga no saan na kaya nag punta yun
pumasok kami sa cafeteria at umorder
"Ako na maghihintay sige na mag hanap kana ng mauupuan na'tin" tumango lang ako sa sinabi ni hannah at naghanap na ng mauupuan namin, sa aking paghahanap imbis na bakanteng upuan ang makita ko ay si klein ang nakita kong nakaupo at kumakain kasama ang isang lalake?? wow may kakilala na sya agad?? o baka kaibigan nya?? idk. Biglang nagtama ang mata namin kaya lumingon din sa'kin ang kaibigan nya, saglit silang nag usap at bigla akong kinawayan ng kaibigan nya, ewan ko kung ako ba yung kinakawayan nya kaya dinedma ko na lang, maglalakad na sana ako ng sumigaw sya
"Ikaw na nakatayo na naka ponytail halika dito" sigaw nya, napayuko ako sa hiya dahil halos lahat ng tao sa paligid ay nasa akin na ang tingin, tumingin ako sa kanila at nakita ko ang inis sa mukha ni klein habang ang kaibigan nya naman ay nakangisi lang, no choice ako kundi ang lumapit
"Why?"
"Kaklase mo ba tong si klein?"
"Yes, why?"
"Dito kana umupo, total magkaklase rin naman kayo" pag aalok nya pero umiling lang ako
"May kasama ako"
"Dito mo na rin paupuin" hindi ko alam ang isasagot ko, ayokong sumabay sa kanila dahil naiilang ako sa presence ni klein, napatingin ako sa kanya at nakatuon lang ang atensyon nya sa kinakain nya, randam ko din na ayaw nya akong makasalo sa pagkain hindi naman ako manhid para hindi maramdaman yun
"thanks, pero wag na l—" natigilan ako ng tumayo si klein
"Una na ako" walang emosyong sabi nya
"Samahan mo naman yung kaklase mo kumain, bro" sagot nung kaibigan nya
"Ikaw na lang" walang ganang sabi nya at umalis
"Pasensya kana dun ah"
"Seia ano nakahanap kana ba ng upu—sino yan?"
"Hello pretty, I'm Klein's bestfriend" sabi neto at kinindatan si hannah, natawa ako sa reaction ni hannah na halatang nandidiri
"Why?" malungkot na wika nung kaibigan ni klein
"Oh, btw I'm zico, and you ms..."
"I'm seia and she's hannah my bestfriend"
"hannah..nice name, anw i have to go na next time na lang siguro tayo kumain ng sabay" sabi nya bago umalis, umupo na rin kami ni hannah at natatawa parin ako sa reaction nya
"pogi sana kaso argg kadiri" umiling na lang ako sa kanya at sinimulan nadin ang pagkain dahil marami ng oras ang nawala sa'min
last sub namin, kinakabahan ako sa magiging score ko sa quiz namin
"Okay, the highest score is wow congratulations mr.Forbes you got a perfect score" napalingon ako agad sa kanya at walang emosyon na kinuha ang papel nya, napuno ng paghanga ang buong classroom, unang araw nya to pero naka perfect sya, katapusan ko na ba
"Second highest, ms.Valdez" pilit na ngiti kong kinuha ang papel ko, tatlong mali?? ganun ba kahirap gawing perfect yun at nagkamali pa ako??? agad kong tinago ang papel ko
"10 mali ko, ikaw ba?" tanong ni hannah sa'kin
"Tatlo mali ko"
"Sana all, gagalingan ko na lang next time" nakangiting sabi nya, sana ganyan din ako, pa'no nya nagagawang ngumiti sa sampong mali samantalang ako parang maiiyak na
napalingon ako kay klein nakatingin lang sya sa harapan at halatang walang pake sa paligid, kailangan ko pang galingan para matalo ko sya, nararamdaman ko ng sya ang tatalo sa'kin at hindi ako papayag na mangyari yun, unang araw mo pa lang naman to
isa lang ang nasisigurado ko, magiging masaya to
"Seia, may balak ka pa bang pumasok?" galit na sabi ni kuya habang ginigising ako, inaantok pa ako e
"Epal, anong oras na ba?" sabi ko sabay upo at halatang inaantok pa dahil naka pikit pa ang mga mata ko
"8:30 na"
"ANO?? KUYA NAMAN E BAKIT NGAYON MO LANG SINABI LATE NA AKO" nagmamadali akong tumayo at dumiretso sa cr para maligo, nakakainis late na ako, mayayari ako nito
Tapos na akong maligo at mag bihis dali dali akong nagsuot ng medyas habang bumababa ng hagdan
"nakalimutan mo ba mag alarm?"
"oo e" umupo ako agad at sinimulan na ang kumain
"oo nga pala wala kang pasok? e si mama?"
"Wala akong pasok, si mama naman nasa palengke na" tumango lang ako sa sinabi nya, nag ttrabaho si mama sa palengke samantalang ang tatay ko naman ay isang construction worker
"Kuya, alis na ako" nagmamadali kong sabi at lumabas na ng bahay, agad naman akong nakasakay at nakarating sa school, halos takbuhin ko na ang daanan papuntang room ng makasalubong ko ang prof namin na kakalabas lang ng room
"G-good morning, mr.Gomez" pagod na wika ko
"Late ka at dahil dyan ikaw ang mag lilinis ng room nyo mamayang uwian" sabi nya at umalis na sa harapan ko, napa buntong hininga na lang ako bago pumasok sa room at umupo sa upuan ko
"Look who's late, i thought absent kana"
"Maraming namamatay sa maling akala" naiinis na wika ko kay clea
"What happened? akala ko absent kana" hannah.
"Na late lang ng gising, ako tulog mag lilinis ng room mamayang uwian" reklamo ko at yumuko na lang sa desk ko
Break na namin, nasa cafeteria kami, kasama ko si hannah kumakain kami ngayon
"Tignan mo oh" turo nya sa may counter, napatingin naman ako dito at nakita ko si klein kasama si zico yung friend nya
"oh ano?" walang interest na sabi ko
"Balita ko lumipat dito si klein kasi andito si zico"
"Saan ka naman nakakuha ng mga ganyang balita?"
"Sa gilid gilid lang" at sabay kaming tumawa, nawala ang ngiti ko ng tumabi sa gilid ko si clea at yung dalawa naman nyang kaibigan na si abby at claris ay tumabi naman kay hannah
"If you don't mind pwedeng maki share ng table sa inyo?" nakangiting wika ni clea pero halata mong nangiinis lang sya
"Nawalan tuloy ako ng gana" akmang tatayo si hannah ng hilain sya ni abby kaya napaupo sya ulit
"Ano bang gusto nyo" naiinis kong sabi
"Easy ka lang"
"Umalis na ka—" natigilan ako ng ihampas nya sa mukha ko yung pagkain nyang pasta
"SEIA" napatayo si hannah kaya ang lahat ng atensyon dito ay nasa amin na, nakakahiya
"I'm sorry seia ang ingay mo kasi e, hindi ka ba tinuruan ng mother mo ng good manners? bawal ang magsalita pag kumakain" at nagtawanan silang tatlo, pinunasan ko ang mukha ko at kinalma ang sarili ko, nakarinig na ako ng bulong bulungan sa paligid, nararamdaman ko na din ang mga luha sa mata ko na pag nagsalita ako ay babagsak na
"Wait, are you crying?" kunwaring nag aalalang tanong ni claris sa'kin
"Umalis na kayo dito mga animal" galit na sabi ni hannah, tumingin ako sa kanya at mukhang gets naman nya ang ibigsabihin ng tingin ko kaya tumahimik na lang sya
"it's fun, right?" tanong sa'kin ni clea, pinikit ko ang mata ko at naramdaman ko ang pagdaloy ng luha ko, kinuha ko ang isang basong tubig na nasa tabi ko at tumayo sabay buhos ng tubig sa ulo nya
"What the f**k??" sigaw na reklamo nya, tumingin ako sa paligid namin at halos lahat ay masama ang tingin sa'kin na parang kasalanan ko ang lahat, napunta ang aking paningin sa pwesto nila klein, naka cross arm sya habang nakatingin lang sa'min.
nabalik ako sa aking sarili ng makaramdam ang ng isang sampal
"Pagbabayaran mo to" hinawakan ko ang pisnge ko
"Ikaw, nakakailan kana, inggit ka ba kay seia ah?" hinila ni hannah ang buhok nya at kinaladkad ito, agad naman na tumulong si abby at hinila rin ang buhok ni hannah, habang si claris naman ay lumapit sa'kin at sinabunutan ako, sari saring bulungan at tawanan ang naririnig ko
"Tama na yan" isang lalakeng mula sa likuran namin ang nagsalita, natigilan kami at lumingon sa nagsalita, si zico.
"Nakaka istorbo kayo, kung gusto nyong mag away doon kayo sa labas"
Bumitaw na sila clea
"Hindi pa ito ang huli" sabi nya bago umalis
"seia ayos ka lang?" nag aalalang tanong ni hannah sa'kin, ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot
"Ayos lang kayo?"
"oo salamat" sagot ni hannah
"ang dumi mo na tuloy seia"
"okay lang maglilinis na lang ako"
"una na kami zico ah? salamat ulit" pagpapaalam ni hannah at hinila na ako palabas ng cafeteria, hanggang sa makapunta kami sa cr ay wala parin akong kibo
"seia, sa susunod wag mong hahayaan na ganunin ka lang nila"
"hindi mo na dapat ginawa yun" pag suway ko sa kanya, binuksan ko ang tubig at naghilamos ska ko binuhos ang luha ko na kanina pa gustong bumagsak, nag hihilamos lang ako habang umiiyak, ayokong malaman ni hannah na umiiyak ako, ayokong makita syang nag aalala
"seia, kung kinakailangan na protektahan kita, gagawin ko yun, magkaibigan tayo diba?" natigilan ako sa sinabi nya at tinignan ang aking sarili sa salamin, lumingon ako sa kanya at ngumiti, kumuha sya ng panyo sa kanyang bulsa at pinunasan ang mukha ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap sya ng mahigpit
"Salamat" ginantihan naman nya ako ng isang mahigpit na yakap, ilang minuto kaming nasa ganung sitwasyon hanggang sa napag desisyonan namin na bumalik na sa room at baka ma late pa kami sa next sub namin
Pagpasok namin sa room lahat ng atensyon nasa amin, tumingin ako kina clea na masama ang tingin sa'min, umupo na kami sa aming upuan at sunod naman nun ang pag pasok ng prof namin
buong class lutang ang isipan ko, kahit simula pa nun ganto na talaga si clea sa akin ewan ko kung bakit, wala naman akong ginawang masama sa kanya, katunayan nga ay naging mabait ako sa kanya pero bakit ganto ang trato nga sa'kin, hindi ko maintindihan
"Seia, una na ako ah? may family dinner pa kasi kami" tumango lang ako kay hannah, uwian na namin at sisimulan ko ng maglinis para makauwi ako ng maaga, hinintay ko munang makaalis silang lahat bago ako mag simula, ng umalis na ang lahat ska ko lang napagtanto na hindi pa kumikilos si klein at mukhang natutulog sya sa desk nya
"Klein, uwian na, umuwi kana maglilinis pa ako" sabi ko, pero hindi parin sya nagigising, tulog mantika ba tong lalakeng to, umupo ako sa tabi nya at pinagmasdan sya, ngayon ko lang nakita ang mukha nya ng malapitan at masasabing kong ang gwapo nya nga, mahaba ang pilik mata, maputi at mukhang makinis ang balat, matangos ang ilong at maganda ang labi mapula din ito dinaig pa ang labi ng babae, pipindutin ko sana ang pisnge nya para magising sya ng hawakan nya ang kamay ko at dahang dahang dumilat, sandali kaming nagkatitigan hanggang sa nataranta ako at inalis ang kamay nyang nakahawak sa kamay ko, agad akong tumayo at umiwas ng tingin
"A-ano k-kasi gigisingin sana k-kita hindi ko naman i-intensyon na h-hawakan ka" nauutal na sabi ko, umayos lang sya ng upo at dinedma ang sinabi ko, tumingin sya sa bintana
"gisingin mo'ko ulit pag uuwi kana" sabi nya at bumalik ulit sa pagkakayuko sa desk nya, para akong binuhusan ng mainit na tubig, ano daw? gisingin ko sya pag uuwi na ako? bakit?? ayoko mag assume pero gusto nya ba akong samahan? hindi ko alam makapag simula na nga para makauwi ng maaga.
masyadong marumi ang room kaya sobrang pagod ako, napaupo ako sa teacher's desk habang pinagmamasdan si klein na masarap na natutulog, kahit pala papaano may kabaitan sya, lumapit ako sa kanya
"Klein gising na, uuwi na tayo" hindi sya gumalaw kaya inalog alog ko sya hanggang sa dumilat na sya
"are you done?" tumango lang ako sa kanya, wala bang emosyon tong lalakeng to? laging naka poker face ang hirap nyang basahin
"let's go" maikling sabi nya at niligpit na ang gamit nya, ganun din ang ginawa ko nauna syang matapos sa pagliligpit at diretso ng lumabas ng room iniwan ako, ah ganun? hindi ko talaga mabasa tong isang to, paglabas ko ng room ay ni anino nya hindi ko na nakita, umalis na nga ata
agad naman akong nakauwi sa bahay at pagod na pagod, kumatok ako sa pinto at agad naman itong binuksan ni mama
"Oh andito kana" umupo ako sa sofa at tinanggal ang sapatos ko
"napagabi ka ata?" pumunta ako sa kusina at nagmano kay mama bago uminom ng tubig
"ako po kasi ang naglinis ng room kaya medj ginabi ako" tumango lang si mama sa sinabi ko, umakyat ako sa kwarto ko para magbihis at bumaba rin agad para tulungan si mama sa paghahain ng pagkain
"Kamusta ang school" natigilan ako sa tanong ni mama habang inaalala yung ginawa sa'kin ni clea kanina
"ayos lang po"
"e yung grades mo? matataas naman ba?"
"opo" maikli kong tugon, naalala ko si klein hindi ako papayag na malamangan nya ako, kailangan kong mas galingan pa
tinawag ko na sila kuya at papa para masimulan na namin ang kumain
kanyang sari sariling mundo ang nasa loob ng room may nag kkwentuhan may mga naglalaro at kung ano ano pa, napatingin ako kay klein na tahimik na nagbabasa sa librong binabasa nya
"Anong binabas mo?" curious na tanong ko, bigla nyang sinarado ang librong binabasa nya at walang emosyon na tumingin sa'kin, tumalikod na lang ako dahil ayaw nya atang iniistorbo sya pag nagbabasa kahit naman ata sino ay magagalit
"goodmorning class" bati ng prof namin na kakapasok lang, tumayo kaming lahat at sabay sabay na bumati sa kanya
"we have an oral recitation today, be ready, we'll start in 5 min" nagulat ang buong room sa sinabi ni mr.Gomez, tumayo ang isa sa mga kaklase ko
"Sir, wala po kayong sinabi na may recitation tayo"
"kailangan ko pa bang sabihin? para na rin malaman ko if nag rreview ba kayo sa bahay nyo" nakangising sabi ni sir
"Seia, nag rreview naman ako pero kinakabahan parin ako what if di ko alam yung itanong sa'kin anong gagawin ko" nag aalalang sabi ni hannah
"Kalma mag tiwala ka lang sa sarili mo, masasagot mo yan" ngumiti ako sa kanya para kahit papaano ay kumalma sya, kahit ako ay kinakabahan pero may tiwala ako sa sarili ko na kaya ko to
"okay, start na"
agad na tumahimik ang buong room, ang bawat isa ay kinakabahan at nangangamba na baka tawagin sila at hindi makasagotmakasagot
"Ms.Valdez?" ako agad ang tinawag, tumayo ako agad
"What is the main purpose of Republic Act 1425?" alam ko to
"Republic acr 1425 is a Philippine law that mandates all educational institutions in the Philippines to offer courses about José Rizal."
"Okay goodjob, next, Ms.Fernandez?" agad na tumayo so clea at halata sa kanyang mga mata ang kaba
"what is republic act 7394 then explain" nanatili syang nakatayo at hindi makapag salita
"I'll count 1...2..." hindi parin sya nagsasalita at nakayuko lang
"3...4...." napatingin kaming lahat kay klein na biglang tumayo
"Mr.Forbes?"
"Consumer act of the Philippines, It is the policy of the State to protect the interests of the consumer, promote his general welfare and to establish standards of conduct for business and industry."
"Bravo, okay sit down, and you Ms.Fernandez tumayo ka lang" sari saring paghanga ang narinig ko na ang galing daw ni klein well totoo naman, nag tanong pa si sir sa ilan naming mga kaklase
"What is Republic act of 9775" agad akong nagtaas ng kamay
"Sino sa inyong dalawa?" nagtataka akong tumingin kay klein nakataas din ang kamay nya pareho kami
"Si klein ang nauna sir" sigaw ni clea na hanggang ngayon ay nakatayo parin, sunod sunod naman ang mga kaklase ko na si klein daw ang nauna, nakaramdam ako ng inis kaya binaba ko na lang yung kamay ko
"Okay, ikaw daw Mr.Forbes"
"May i go out sir?" walang emosyong sabi nya, napatingin kaming lahat sa kanya at nagtataka, what??? weird
"O-okay" pagkasabi nun ni sir ay lumabas na sya, saglit kaming binalutan ng katahimikan bago ako tinawag ni sir
"Ms.Valdez ikaw na" tumayo ako ng maayos bago magsalita
"Anti-Child p*********y Act of 2009. The State recognizes the vital role of the youth in nation building and shall promote and protect their physical, moral, spiritual, intellectual, emotional, psychological and social well-being" pagkatapos nyan ay umupo na ako, natapos na rin ang time samin ni Mr.Gomez at break time na
"Buti na lang di ako natawag" natatawang sabi ni hannah
"Pero natatawa talaga ako kay klein kanina, akala ko sasagot sya yung pala nagpapaalam lang kaloka" natatawang sabi ni hannah, weird kaya nun
"Hoy, seia" pagtawag sa'kin ni clea, napalingon kami ni hannah sa kanya
"Bilhan mo'ko ng food sa cafeteria, tinatamad kasi ako mag walk"
"Bawal bomoses pag hindi nakasagot kanina" matapang na sagot ni hannah sa kanya
"Excuse me??? i know the answer di ko lang sinabi"
"Eme mo, di ako uto-uto"
"Itong pandak na to daming sinasabi di na lang sumunod" sagot ni abby, aba akala mo naman ang tangkad tangkad nya e hanggang tainga ko lang sya
"Anong pandak??? bawiin mo yun"
"paano babawiin ang katutuhanan?" singit naman ni claris
"Pwede ba tumahimik na kayo, hindi naman namin kayo inaano"
"Halika na, seia" pag aya sa'kin ni hannah at lumabas na kami, dumiretso kami sa cafeteria umorder ng pagkain at naghanap ng mauupuan
"Dito!!" sigaw ng isang pamilyar na boses, agad ko itong nahanap at nagulat ako sa nakita ko
"kennnnn" sigaw ni hannah at tumakbo kami papunta kay ken, si ken kaibigan namin ni hannah dito rin sya nag aaral kaso ilang araw din syang absent dahil binantayan nya ang lola nyang nasa hospital
"Oy ken, kamusta kana?" pangunguna ni hannah
"Okay lang ako, nakalabas na rin naman si lola sa hospital at ayos na sya, kayo ba?"
"Okay lang din kami, na miss ka namin ng sobra ken" sambit ko
"ilang araw din ako nawala, ang dami kong ihahabol na lesson"
"wag kang mag papagod ah, alam namin ni hannah na kaya mo yan, basta andito lang kami if need mo ng tulong, willing kaming tulungan ka"
"Sweet mo naman, crush mo lang ako e" well totoo naman pero di ko maamin, kasi alam kong magkaibigan lang kami at hanggang doon lang yun
"Tanga" tumawa lang sila ni hannah kaya tumawa na rin ako at nagsimula na kaminh kumain
nasa library kami ngayon ni hannah vacant time kasi namin nandito kami para magbasa
"Oy diba sila zico yun ska klein?" napatingin ako sa tinuturo nya at sila klein nga ito, agad kaming nakita ni zico at kumaway sa'min, sumenyas pa ito na pumunta kami doon at makiupo
"Tara doon tayo seia" wala na akong nagawa ng hilain ako ni hannah sa pwesto nila, tumabi si hannah kay zico kaya no choice ako kundi tumabi kay klein na busy sa pagbabasa di nya nga ata napansin na nasa tabi nya ako kasi sobrang focus nya sa binabasa nya
"Klein, andito mga kaklase mo oh" saglit syang tumingin sa'min at binalik ang atensyon sa pagbabasa
"Pasensya na kayo sa isang yan ah, ganyan lang talaga sya pero mabait yan" alam ko
"mabait? sungit nga e" napatingin kami sa sinabi ni hannah "joke lang" dugtong nya
"I'm not masungit, I just don't talk to people I don't know"
"Wow ayan na ata pinaka mahaba mong sinabi" natawa kami ni zico sa sinabi ni hannah
"Bro, mag salita ka din kasi" umiling lang si klein at nagbasa na, napailing na lang din ako ng mapansing nag uusap na si hannah at zico, magiging mag close agad tong dalawa
"What are you thinking about me?" out of nowhere nyang tanong, medj mahina pero sakto lang para marinig ko
"Random mo ah"
"Answer me" ang demanding naman neto, hindi ko naman sya iniisip ah
"Ewan, di naman kita iniisip" masama syang tumingin sa'kin, yung tingin nya para syang na dissapoint sa sinabi ko, bakit may ineexpect ba sya? agad nyang binalik ulit ang kanyang atensyon sa binabasa nya at di na ako pinansin, ano bang meron sa lalakeng ito, ang weird nya ah
ganun lang kabilis ang araw at uwian na namin, mabilis lang akong nakauwi at nakarating ng bahay, pag katok ko agad naman itong binuksan ni kuya
"Si mama ska papa?"
"Wala pa, kumain kana dyan, nag luto na ako" agad akong umakyat sa kwarto ko para mag bihis at dali daling bumaba para kumain sa niluto ni kuya na adobo, ang sarap talaga mag luto ni kuya, bagay talaga sa kanya maging chef
"Kuya ang sarap ng luto mo"
"Dahil dyan ikaw ang maghuhugas" Inis akong napalingon sa kanya
"Oh bakit? ako na nga nagluto ako pa maghuhugas?" napairap na lang ako sa kanya at tinuloy na ang kinakain ko, pasalamat sya masarap itong niluto nya kasi kung hindi baka hinampas ko na sya ngayon
ng matapos ako kumain ay ska lang dumating sila mama, hinugasan ko na ang pinagkainan ko at dumiretso na sa kwarto ko para mag pahinga saglit dahil maya maya ay mag aaral nanaman ako
p.e namin ngayon kaya nasa field kami, hinihintay ang coach namin, kasama ko si hannah ngayon nag uusap kami ng biglang sumulpot sila clea
"Laro tayo, tatalunin kita seia" naghahamon na sabi nya, ayaw ko sa ng makipag laro sa kanya dahil alam ko kung pa'no makipag laro si clea masyadong di makatarungan dahil dudugain ka nya
"Kung aayaw ka, ibigsabihin nun ay panalo na ako"
"Tigilan mo na nga kami clea"
"Tumigil ka dyan pandak"
"Hannah tama na" pag suway ko kay hannah, bumuntong hininga ako at sinabayan ang titig nya "Anong laro ba?"
"Volleyball?" tumango na lang ako sa larong pinili nya
"Everyone may laro si clea at seia, magiging maganda to" sigaw ni abby sa lahat kaya ang lahat ay napatingin sa'min at naghihintay na magsimula kami
"Okay, ang bola ay mag sisimula kay clea, game?" si abby ang referee
"game ka na ba seia?" tumango na lang ako
nagsimula ang bola, mabilis at malakas na hinampas ni clea ang bola agad ko naman itong nahampas pabalik sa kanya, sumakit ako sa ginawa kong iyon hindi ko kaya tumbasan yung lakas ng paghampas nya, hindi naman kasi ako masyadong marunong dito e, nahirapan akong hampasin ang bawat bato nya pero kinakaya ko naman, ang score ay 1—2 isa ako at sya ay dalawang puntos na
"Ano ba yan walang thrill" reklamo nya at buong pwersahan na binato sa'kin ang bola hindi ko ito nagawang iwasan o hampasin sa sobrang bilis kaya tumama ito sa mukha ko, agad akong napaupo
"SEIA" sigaw ni hannah at inalalayan ako, sobrang sakit nun sa mukha
"Ayos ka lang?" tumango lang ako bilang sagot kahit hindi ako ayos sa sobrang sakit
"Clea yari ka tinamaan mo" natatawang sabi ni abby, lumapit naman sa amin si clea
"Sorry, bakit kasi di ka umiwas, masakit ba?"
"Clea pota pwede ba tumahimik kana?"
"shut up pandak"
"Akala mo kung sinong maganda e walang wala ka nga kay seia e"
"bawiin mo yun bruha ka"
"Stupid ka, mag sama kayo ng kaibigan mo" singit ni claris at tinulak si hannah sa tabi ko, hinawakan ko ang kamay ni hannah para pigilan na sya, tumayo ako kunti na lang nararamdaman ko na ang pag sabog ko
"Oh bakit?" natatawang tanong nya "oo nga pala diba yung nanay mo nagtitinda sa palengke? so cheap" at nagtawanan sila, wala silang karapatan maliitin ang trabaho ng magulang ko
sa sobrang galit ko ay nasapak ko si clea, nabuo ang sari saring bulungan sa paligid namin, si clea naman ay hawak hawak ang labi nyang pumutok dahil sa sapak ko, umiiyak na rin sya siguro dahil din sa sakit, agad kong pinunasan ang mukha kong di ko namamalayan ay may tumutulo na pa lang luha, sakto naman ang pagdating ng coach namin
"Anong nangyayari dito?"
"Coach si seia po sinapak bigla si clea" pagsusumbong ni abby
"Hindi po totoo yun sila clea po ang nauna" pagtatanggol sa'kin ni hannah
"Pero bakit kailangan idaan sa sakitan? Ms.Valdez bakit mo sinapak si Ms.Fernandez?" napatingin ako sa kanilang lahat na masama ang tingin sa akin na parang pumatay ako ng tao
"sumosobra na po kasi sya"
"Sabi ni abby sinapak mo na lang daw bigla? hindi ako nakikipag lokohan sa iyo Ms.Valdez, last warning mo na ito, Ms.Fernandez sasamahan kita sa clinic" bago sila umalis ay kita ko ang mapangasar na ngiti ni clea
"Ikaw pa tong sinisi kahit sila naman talaga yung nanguna, seia yung pisnge mo namumula"
"Lakas ng loob nyang sapakin si clea"
"Tama ba yung narinig ko? yung nanay nya sa palengke lang nag ttrabaho?"
"i wonder kung anong hitsura ng bahay nila"
"nakakaawa sya"
hindi ko alam pero namalayan ko na lang na tumatakbo na ako palayo sa kanila narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni hannah pero hindi ko na sya nilingon pa, napunta ako sa cr, tinignan ko ang sarili ko sa salamin, nakakaawa akong tignan at ayoko yung pakiramdam na kinakaawaan ako. Naramdaman kong may padating kaya agad akong pumasok sa isang cubicle at tahimik na umiyak
Hindi nila alam yung hirap na pinagdadaanan ni mama, pa'no nila nasasabi sa'kin yun? ganun ba talaga silang mga mayayaman? ganun ba sila kasasama? anong ginawa ko sa kanila para ganituhin nila ako? ganun lang nila kadaling baliktarin at gawin akong masama sa kwento, ako ngayon ang sinisisi, pa'no na lang kung ipatawag nila si mama ano na lang ang gagawin ko?
"nakakaawa sya" parang sirang plaka na paulit ulit sa isipan ko