Nagulat ako sa malakas na pagbukas ng pintuan at napatingin naman ako sa kay Utoy na bihis na bihis. Habang si Caleb naman ay nakasimpleng polo at short na maong. Ano na naman kayang gusto ng dalawa na ito ngayon. At mukhang aalis sila ah, mas mabuti kung ganoon at ayoko silang makita dito sa bahay. Si Nanay Pasing naman ay tinulungan mag tinda sa bayan si Tatay Roni ang sabi nila’y hindi naman daw sila hahapunin. Si Caleb naman ang umaasikaso sa bahay, siya ang nagluto at mukhang bihasa siya sa mga gano’ng bagay. Ako? Heto nakahiga lang at iniisip ko kung kamusta naman kaya ang mga magulang ko. ‘’Magbihis kana, Ate Ganda.’’ napatingin naman ako kay Utoy na ngayon ay nasa tapat ko sa gilid ng aking kama. Habang si Caleb naman ay nasa paahan ko na nakatingin din sa akin. Ano bang pumasok

