‘’Talaga, Kuya Guwapo?’’ ‘’Of course.’’ napataas naman ang kilay ko sa dalawang nag uusap sa bangkuan na kahoy. Nakasuot si Caleb ng white polo-shirt at naka-maong. Masaya si Utoy na nakaupo sa mga binti nito. At mukha nga silang kanina pa nandoon at nag-uusap. Mukhang maaga silang nagising ah. Hindi ko naman maitatanggi na guwapo talaga si Caleb, iyon nga lang ay sa taglay niyang kasungitan at feeling n’ya siya na siguro ang boss. Bigla akong napatigil sa paglalakad sa hagdan ng maisip ko na naman ang ginagawa nito sa akin. Biglang uminit sa buong bahay at napatingin ako sa daliri nito na ikinahawak ko na lamang sa hawakan ng hagdaan. Really, Avvy? You’re gross. ‘’So, seniryoso mo talagang tumira sa pamamahay na ito? Baka nakakalimutan mo, wala ka sa Manila, at hindi kagaya dito ang g

