Mabilis lumipas ang mga araw, buwan, ay hindi pa din ako nakikita ni Caleb siguro ay sumuko na din sa wakas. Ang b’wisit na iyon sa buhay ko. Galing akong palengke at sa inutusan ako ni Nanay Pasing bumili nang kakailanganin sa adobo at menudo, birthday kasi ni Utoy. Si Nathan naman ay bumalik sa Manila, dahilan sa biglaan siyang nagkaproblema sa kompanyang hinahawakan niya. It’s weird, hindi naman kasi nagkakagano’n ang kompanya n’ya nang biglaan lang at walang dahilan. ''Ate Ganda!’’ sigaw at hinahangos na takbo ni Utoy na ikinatingin ko naman dito para bang takot na takot ito. At saka ko lamang napansin na parang naihi pa yata siya. Anong nangyayari sa kanya? Ang laki-laki na niya ay naihi pa talaga siya. ''Gross. Naihi ka ba? Come on, you’re 8years. Old--'' ‘’Hindi iyon… Ate Ganda

