Masama akong nakatingin kay Caleb akala niya siguro hindi ko alam ang mga pinagsasabi niya sa Live Interview niya. Napatingin lang din ito sa akin habang may busy siya ayusin ang kanyang necktie. ‘’Fvck.’’ saad nito na para ba siyang naiistress sa kanyang necktie o talagang kinakabahan siya ngayon? Wala naman akong nagawa kundi ang lapitan ko ito at hinila ang kanyang necktie na ikinatingin naman nito sa akin. ‘’Hindi naman kasi ganito ang pagpapakamatay.’’ saad ko sa kanya na ikinatingin na lamang nito sa akin. Napakalapit ng mukha ko sa kanya dahilan sa inaayos ko ang kanyang tie na ngayon ay nagbuhol-buhol na dahil para siyang naiinis. ‘’T-thank you.’’ nagpapasalamat ba siya o pati ako ay pagagalitan niya? Saan ba siya pupunta? ‘’Saan ka pupunta? At parang bihis na bihis ka?’’ tano

