''Are you hungry?'' tanong nito sa akin nang makalapit ito sa akin. Hindi ba niya itatanong kung inaway ko ang may crush sa kanya? Tumingin lamang ito sa akin at pinagmasdan ang mukha ko naikinairap ko naman sa kanya. Alam ko naman na maganda talaga ako. ‘’Hindi mo ba itatanong, kung ano ginawa ko sa Antonette na iyon?’’ tanong ko sa kanya na ikinakunot lamang ng kilay niya. At mas hinawakan niya ng maigi ang aking baywang at mas inilapit niya sa kanya. Ano’ng problema n’ya? Kumunot ang noo ko ng hinawi pa nito ang mga hibla na nakatabing sa aking mukha at inangat niya ang baba ko para makita ang mukha ko ng maayos. Hindi ko alam kung maganda ba ang nakikita niya dahilan sa awkward ang nararamdaman ko sa daming taong nakakakita sa amin at ganito si Caleb. ‘’What do you want me to ask? T

