‘’Mommy!’’ Napabalikwas ako ng bangon ng may batang sumigaw sa tainga ko at napakunot ang noo ko nang makita ko si Utoy na ginising ako sa magandang panaginip na sinisipa ko sa ulo ang Daddy Guwapo niya. Miski sa panaginip ko ang batang ito ang tumutulong sa kanya. ‘’Ano bang problema mong bata ka? Nakikita mo naman siguro na natutulog ako?’’ saad ko dito at mabilis ulit akong humiga na ikinalundag naman sa akin ni Utoy at yumakap. ‘’Mommy Ganda, nakita ko kayo sa dyaryo. May kunting laway pa ng--’’ ‘’W-what?! Saan mo nakita iyong dyaryo?’’ mabilis akong napabangon at ipinakita naman nito ang hawak niyang bagong news paper at napangiwi naman ako sa itsura ko na iyon. Pero una kong hinanap ang sinabi niyang laway. ‘’Joke lang,’’ napatingin na lamang ako kay Utoy at masasakal ko na sig

