CATHERINE’S POV “MAHAL?” Napuno ng sarkasmo ang aking mukha nang balingan ko si Romnick. “Kung talagang mahal mo ako, dapat hindi mo na pinaabot sa ganito bago mo inamin sa akin ang totoo. Ang sabihin mo, gag* ka lang talaga! At manloloko!” Malungkot na tumingin siya sa akin, “I’m ashamed to admit what I did, Cathy. Natakot din ako na baka… mawala ka sa’kin kapag sinabi ko sa’yo ang totoo.” “So, balak mo talaga na lokohin ako forever kung hindi lang kita nabisto?” Hindi makapaniwalang napailing ako. “Gag* ka talaga, eh, ‘no?” Hindi naman ako palamurang tao. Pero sa estado ng puso ko ngayon, ang hirap magpigil ng emosyon. Ang hirap maging kalmado kapag nalaman mong ginag* ka lang pagkatapos mong ibigay ang lahat. “Cathy, please…” Dahan-dahan siyang lumuhod sa harapan ko at hinawakan

