CATHERINES POV “P-PROF. GARCIA? Ano ang ginagawa mo rito?” hindi makapaniwal na bulalas ko nang makita ko siya. At mukhang kilalang kilala siya ng mga armadong lalaki dahil hindi man lang hinarang ang paglapit niya. Kahit ang tinatawag nilang boss ay hindi rin sinaway ang professor ko. “P-prof? Ano nga ang ginagawa mo rito? Akala ko ba naka-detain ka sa presinto? Paano ka nakaalis doon?” sunod-sunod na tanong ko. Pero nanatiling seryoso ang kaniyang mukha habang nakatayo sa harapan ko. Ni isa man sa mga tanong ko ay hindi niya sinagot. Sa halip ay binalingan lang niya ang ‘boss’ na Randolph yata ang pangalan. “Sige na, gawin mo na ang mga kailangan mong gawin sa pag-alis natin. Ako na ang bahala sa kaniya,” mariing utos niya rito. “Siguraduhin mo lang na hindi ka sasablay, Kuya Romnic

