MY PROFESSOR IS MY LOVER CHAPTER 4

2615 Words
CATHERINE’S POV NANLAKI rin ang mga mata ni Lindsay nang mapalingon siya at nakita niya ang teacher namin. “G-good morning po, Prof. Nandiyan po pala kayo,” kunwari ay bati niya rito bago lumingon sa akin. “Siya nga pala, Cathy. Mauna na ako, ha? Dadaan pa pala ako ladies’ room.” “Ha? Ano—" At ang bruha, bigla akong nilayasan. Tumakbo na siya palayo kaya wala akong nagawa kundi ang harapin nang mag-isa si Prof. Garcia. How I wish na bingi siya at hindi niya narinig lahat ng mga sinabi ko. Pero imposible naman iyong mangyari! “G-Good morning po, Prof,” bati ko muna sa kaniya habang nag-iisip ng palusot. “T-tungkol po pala sa narinig n’yo kanina—” “It’s okay, Miss Montecillo. Hindi mo kailangang mag-explain.” Ngumiti si Prof. Garcia kaya lumitaw na naman ang pang-Close up niyang mga ngipin. At natatandaan niya pala ako? Oh, my God! kinikilig naa tili ng isip ko. Sa dami namin sa class, hindi basta-basta makakabisado ni Prof. Garcia ang mga pangalan at apelyido namin kaya nagsusuot kami ng name plate during his class. Pero wala naman akong suot ngayon. “Pero sorry pa rin po. Nagbibiruan lang naman po kami ni Lindsay.” “Wala namang problema ‘yon sa’kin, eh. Totoo naman talaga na mas matanda ako sa inyo. And you’re right. Hindi ka dapat nagkakagusto sa mga katulad ko. Marami diyang mas bata sa’kin na nababagay sa’yo. Iyon nga lang, mas masarap magmahal at mag-alaga ang mga katulad naming may edad na. Kapag na-in love kami, kuntento na kami sa isa. Hindi na kami naghahanap pa ng iba,” mahabang wika ni Prof. Garcia na nagpagulat sa akin. Ibinebenta ba niya sa akin ang sarili niya? Nangapa ako ng isasagot. “T-tama po kayo, Prof. Mas masarap nga pong magmahal ang may edad na. Iyong tatay po kasi ng kaibigan ko sa Manila, mas matanda rin po ang tatay niya sa nanay niya. I’m not sure kung ilang taon ang gap nila pero parang half-aged yata. Pero masaya naman po ang pamilya nila dahil mapagmahal at maalaga ang tatay niya. Kaya nga po tuwang-tuwa rin ako sa love story ng parents niya, eh.” “Pero ikaw na rin ang nagsabi na hinding-hindi ka magkakagusto sa mga ‘gurang’ na?” biro sa akin ni Prof. Garcia pero napakagat-labi lang ako dahil hiyang-hiya ako sa mga sinabi ko kanina. Lalo na at halatang may diin sa pagkakasabi niya sa salitang ‘gurang’. Char lang naman ‘yon, sir! Kiber kung gurang man po ang maging first boyfriend ko basta kayo po ‘yon. “J-joke lang po ‘yon, sir. Hindi naman po importante sa akin ang edad, eh. Basta po yummy, ay este, mabait. Sige po mauna na ako, Prof. Good morning po uli.” Yumukod pa ako at saka nagmamadaling umalis habang lihim na kinakastigo ang aking sarili. Ano ba ang nangyari sa akin at bigla ko na lang nabanggit ang salitang ‘yummy’? Nakakahiya tuloy lalo! Nahawa na yata ako sa bunganga ni Lindsay, ah. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Teka. Nasaan na nga pala ang babaeng iyon? Lagot talaga sa’kin ang bruhang ‘yon! CATHERINE’S POV MAY group project kami at sa bahay ng ka-grupo ko na malapit sa school kami gumawa. Kaya nagpaalam ako kay Lola na baka gabihin ako sa pag-uwi. Pumayag naman siya basta huwag na raw kaming lumayo, lalo na kapag gabi na. Tumawag na lang daw ako para masundo ako ng driver namin. Huwag daw akong mag-commute. Alas diyes na ng gabi kami natapos. Sabay-sabay naman kaming umalis at pumunta sa abangan ng sasakyan. Ayaw nilang umalis hangga’t wala ako kasama kaya sinamahan muna nila ako habang hinihintay ko ang aking sundo. Ngunit biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mahigit isang oras din yata na hindi tumigil sa pagbuhos. Gusto sana naming bumalik na lang sa bahay ng kaklase namin at doon na magpalipas ng gabi ngunit baha na sa daanan. Palibhasa bahain itong lugar namin. Kaunting ulan lang ay bumabaha na agad. Lalo na ngayon na tuloy-tuloy ang buhos at malalaki pa ang patak. At saka naman tumawag ang driver kong si Mang Kiko na hindi na raw siya makakarating dahil tumirik sa baha ang sasakyan. Tinawagan ko rin si Lola. Maghanap na lang daw ako ng malapit na hotel dahil mas delikado kung magko-commute pa ako. Bukod sa gabi na, baka lumalim pa ang baha sa mga dadaanan ko. ‘Buti na lang may alam akong hotel na di naman kalayuan dito. “Pasensiya ka na, Cathy, ha? Kung malaki lang sana ang bahay namin, doon na kita patutulugin. Kaso nakakahiya talaga kasi wala naman akong sariling kuwarto. Tabi-tabi lang kami ng mga kapatid ko tapos mga lalaki pa ‘yon at malilikot matulog,” sabi ng isang kaklase kong si Aira Mae nang sabihin ko sa kanila na hindi na ako makakauwi. “Hindi ka rin puwede sa bahay ng Tita ko kasi magagalit ‘yon sa’kin. Hindi ‘yon tumatanggap ng bisita na makikitulog. Masiyado iyong maselan. Kaya sorry talaga, Cathy,” segunda rin ng kasama naming si Lolly. “Pero kung gusto mo, ihatid ka na muna namin sa hotel na tutuluyan mo para may kasama ka.” “Naku, huwag na. Nakakahiya sa inyo,” tanggi ko. “At saka baka kayon naman ang abutan ng baha. Magko-taxi na lang ako.” Hindi pa man sumasagot sina Aira Mae at Lolly nang may tumigil na magarang sasakyan sa tapat namin. Sabay-sabay kaming nagulat nang bumukas ang bintana niyon at sumilip doon mukha ng bago naming guro. Si Prof. Garcia. “Ano pa ang ginagawa n’yo rito? Kanina pa ang uwian n’yo, ‘di ba? Anong oras na at saka malakas ang ulan. Baka abutan kayo ng baha o baka madaan kayo diyan ng masasamang loob,” nag-aalalang sabi ng guwapong professor namin. “May tinapos po kasi kami na group project, Prof,” paliwanag ni Aira Mae. “Pero pauwi na rin po kami. Nag-aabang na lang po kami ng masasakyan.” “Saan ba kayo umuuwi?” tanong ni Prof. Garcia pero napansin ko na sumulyap siya sandali sa akin bago siya tumingin kay Aira Mae. Sinabi ng mga kaklase ko ang lugar na tinitirhan nila. Nagkataon naman na halos magkalapit lang pala sila. “Tamang-tama. Doon din ang daan ko,” sabi ng guro namin. “Sumabay na kayo saa’kin. Idadaan ko na kayo.” “Talaga po, Prof?” Tuwang-tuwa naman ang dalawang kaklase ko. At alam ko kung bakit. Bukod sa mapapadali ang pagbiyahe nila, makakasama pa nila si Prof. Garcia. Alam ko kaya na crush din nila si Prof. Well, wala naman yatang babaeng estudyante sa campus namin ang hindi nagka-crush sa kaniya. “Kaya lang paano po si Cathy? Wala na raw daanan pauwi sa kanila dahil baha na raw po. Balak daw po niyang mag-hotel.” Bigla akong na-conscious dahil napatingin sa akin si Prof. Garcia a tinitigan ako. “Eh, ‘di ihahatid ko na rin siya sa hotel na tutuluyan niya,” sabi niya. “Thank you po, Prof. Pero huwag na po. Medyo malapit lang naman dito ‘yon. Magta-taxi na lang po ako.” “Huwag ka nang tumanggi, Cathy. Delikado kung magta-taxi ka nang mag-isa ka lang. Kaya nga hindi ka na pinapauwi ng lola mo, ‘di ba?” pangungumbinse sa akin ni Lolly. “Kaya sumabay ka na sa’min. Ihahatid ka naman ni Prof, eh.” “She’s right. Mas delikado ang mag-commute ng ganitong oras tapos babae ka pa.” Tiningnan niya ako na parang gustong sermunan. “At hindi ko rin naman papayagan. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, sumabay ka na sa amin. Ihahatid na kita sa hotel na gusto mong tuluyan.” Dahil mukhang wala naman talaga siyang balak na tanggapin ang pag-hindi ko kaya tumango na lang ako. At saka mag-iinarte pa ba ako? Kung chance ko na para makasama nang matagal ang crush ko? Tumigil ka, Catherine. Na-stranded ka na nga, puro kalandian pa rin iyang nasa isip mo. “Cathy, sa passenger’s seat ka na. Takot akong sumakay sa unahan, eh,” utos sa akin ni Lolly. “Ha? Si Aira Mae na lang. Ako nga ang unang ihahatid ni Prof, ‘di ba?” “Ay, naku, Cathy. May phobia din ako sa harapan kaya sa likod na kami ni Lolly. Ikaw na lang sa unahan,” ani Aira Mae at sumunod na rin kay Lolly. Pumuwesto na silang dalawa sa backseat. Nahihiya naman ako na mag-inarte pa dahil baka kung ano pa ang isipin ni Prof. Garcia. Kami na nga itong ihahatid niya. Wala akong kibo na umupo ako sa tabi niya. “Ladies, please fasten your safety belt. Rule number one kapag sasakay kayo sa kotse ko.” Nakangiti na binalingan ni Prof. Garcia ang dalawa kong kaklase sa likuran. “Safety first.” Tumalima naman sina Aira Mae at Lolly. Habang ako, para akong nawala bigla sa sarili na hindi ko maintindihan. Nakatitig lang ako sa professor ko. Ngayon ko lang siya nakita nang ganito kalapit. At ang masasabi ko, hindi hamak pala na guwapo siya. Nakakagigil ang simpleng pag-igting ng mga panga niya. At ‘yong paggalaw ng Adam’s apple niya, hindi ko maipaliwanag kung bakit nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa kaibuturan ko. Napalunok ako nang mapatingin ako sa malalaki at tila magagaspang na kamay na nakahawak sa manibela. Lalaking-lalaki ang dating niya sa’kin. May nabasa ako noon na kapag malalaki raw ang kamay at mga daliri ng isang lalaki, ibig sabihin, malaki rin ang ano niya. Parang wala sa loob na bumaba ang aking tingin at bumagsak iyon sa harapan ni Prof. Garcia. Parang gusto kong pagpawisan kahit malakas naman ang aircon ng sasakyan niya dahil sa malaking umbok sa pantalon niyang iyon. Gaano kaya iyon kahaba at kalaki? Catherine! mariing saway ng aking isipan. Kailan ka pa natutong magkaroon ng pagnanasa sa isang lalaki? “You’re not listening to me, Miss Montecillo. Ang sabi ko, magsuot ka ng seatbelt,” untag sa akin ni Prof. Garcia kaya napakurap-kurap ako. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang pagdukwang niya bigla at siya na ang nagkabit ng seatbelt ko. Halos pigilan ko ang aking paghinga nang magkalapit ang aming mga mukha. Amoy na amoy ko ang mamahaling pabango ni Prof. Garcia kaya lalo akong kinilig. “There. Ang sabi ko nga, safety first. Bawal sumakay sa kotse ko ang hindi marunong mag-seatbelt,” aniya sabay kindat sa akin. I know naman na biro lang niya iyon. Pero iyong pagkindat niya sa akin. hindi ko iyon kayang balewalain. Napahawak ako sa aking kaliwang dibdib nang makaayos an siya ng upo sa driver’s seat. Ang lakas-lakas ng t***k ko ngayon. Daig ko pa ang nakipag-unahan sa pagtakbo. Buomng buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam nang ganito. Napalingon ako kay Prof. Garcia na seryoso na sa pagmamaneho. Bakit parang lalo siyang naging guwapo? CATHERINE’S POV NARATING na naman ang hotel na tinutukoy ko. Ang akala ko, ibababa lang ako ni Prof. Garcia at aalis na sila. Pero nagulat ako nang bumaba rin siya. May dala pa siyang payong at pinayungan ako dahil wala pa ring tigil ang pagbuhos ng malakas na ulan. “Samahan na kita. Baka kasi wala ng bakanteng room,” sabi niya. “Siguradong marami ang na-stranded dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan. At nag-iisa lang ang hotel na iyan sa lugar na iyan. May kalayuan din dito ‘yong iba pa.” “Huwag na po, Prof. Kaya ko na po,” nahihiyang saad ko. “But I insist.” Napaigtad na naman ako dahil hinawakan niya ako sa siko at saka iginiya papunta sa hotel. Habang naiwan naman sa loob ng kotse niya sina Aira Mae at Lolly. Pero palapit pa lang kami sa entrance ng hotel ay sinalubong na kami ng guwardiya. “Maayong gabii, Ma’am, Sir,” Magandang gabi, Ma’am, Sir. bati niya sa amin sa salitang Cebuano. “Kung magche-check in po kayo, pasensiya na po pero wala na pong available na kuwarto. Kakakuha lang po ng natitirang isa.” Nagkatinginan kami ni Prof. Garcia. Parang sinasabi ng mga mata niya na tama nga siya. “Ihahatid na muna natin ang mga kaklase mo. At saka naman kita sasamahan sa iba pang hotel,” suhestiyon niya pagkatapos naming magpasalamat sa guwardiya at pabalik na kami sa sasakyan niya. Gusto ko sanang tumutol. Pero nakalimutan ko iyon nang mapatitig ako sa mga mata niya. I don’t know. Pero feeling ko, para akong na-hipnotize na tumango na lang ako. CATHERINE’S POV INIHATID nga muna namin sina Aira Mae at Lolly bago namin pinuntahan ang kasunod na hotel. Nahihiya nga ako kay Prof. Garcia dahil medyo may kalayuan iyon. Mas safe naman kasi sa lugar na ito kaysa sa lugar na pauwi sa bahay namin. I’m sure na sa mga oras na ito, lubog na ang mga kalsada. Good thing na medyo mataas ang lugar namin kaya never binaha ang bahay namin. Kaya naman hindi ako gaanong nag-aalaal kay Lola. Bagaman at gusto ko rin sana siyang tawagan at kumustahin pero kanina pa ako lowbat. At sinabi ko iyon kay lola kanina bago tuluyang mamatay ang cellphone ko para hindi rin siya mag-aalala kapag hindi na niya ako na-kontak. Makiki-charge na lang ako mamaya sa hotel. Ngunit pagdating namin sa hotel na iyon ay wala na rin daw bakante. “S-saan pa po kaya may ibang hotel dito, Prof?” tanong at saka lang ako tumingin nang diretso sa kaniya. Kanina pa kasi umiiwas ng tingin dahil ilang na ilang na ako nang maiwan kaming dalawa. Hindi siya sumagot. Sa halip ay tumingin lang siya sa akin. Bigla akong nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kaba. Para kasing may kung ano sa tingin niya sa akin, eh. Agad naman akong umiwas at bumaling na lang uli sa labas ng bintana. Iniisip ko na lang na baka naiinis na siya o kaya ay nagsisisi na nag-alok pa siya ng tulong. Imbes na nakapagpahinga na sana siya kanina pa. “Sorry po kung naistorbo ko pa kayo, Prof. Okay lang naman po sa’kin na ibababa n’yo na lang ako rito.” Nahihiya na nilingon ko siya. “Magta-taxi na lang po ako habang naghahanap ng ibang matutuluyan ngayong gabi. Sorry po talaga sa istorbo. Alam ko po na pagod kayo sa maghapong pagtuturo.” “Hindi ka naman nakakaistorbo sa’kin, Miss Montecillo,” mahina niyang sagot. “You’re my student. Kaya kung okay lang sa’yo, isasama na kita sa bahay. Hindi kaya ng konsensiya ko na hayaan kang mag-isa rito sa kalsada na gabi na at masama ang panahon.” You’re my student. ulit ko sa aking isipan sa sinabi niya. Hindi ko sure kung napansin ba ni Prof. Garcia ang pagsimangot ko nang marinig ko iyon. Ngunit hindi ko maiwasan na hindi makadama ng pagkadismaya. Kaya lang pala niya ako tinutulungan ngayon dahil estudyante niya ako. Estudyante lang niya. Ano pa ba ang ine-expect mo, Catherine? Kailan ka pa naging malisyosa? Kaysa ang mag-inarte ka, bakit mo hindi patunayan sa professor mo na hindi ka lang niya basta estudyante? Akala ko ba, gusto mo siya? Okay lang ba sa’yo na maagaw siya ng iba? pangdedemonyo ng isipan ko na pilit ko namang nilalabanan. “Pero kung hindi okay sa’yo—” hindi na natapos ni Prof. Garcia ang pagsasalita niya dahil nagsalita na ako. “Okay lang po sa’kin, Sir. Kaysa naman po magdamag tayong maghahanap ng matutuluyan ko.” Nginitian ko siya nang ubod ng tamis. Nanaig yata ang kapilyahan ko at natalo ang pagiging inosente ko dahil sa eksenang naglalaro sa imahinasyon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD