Sapphire' POV
"Bakit mo ba ako hinila? ha?"
"Why? Are you mad? E sumakay ka naman e."
"As if I have a choice. E ayaw ko nang mag lakad pa uwi. I've had enough." Sabi ko at sumandal sa may bintana habang naka patong ulo ko sa kamay ko. Mukha tuloy akong unggoy na problemado.
"Are you laughing at me?" Tanong ko sa kaniya nang marinig ko siyang tumawa ng mahina.
"Alangan naman tawanan ko sarili ko? Bakit ba parang pagod na pagod ka e kinwelyohan mo lang naman yung lalaki." Sabi nito na nailing pa. Suntukin ko mukha niya e.
"Oh, poor Zeke, you have no idea." Sabi ko na lang sa kaniya ata sumandal ulit.
"Ofcourse, I do. Iniwan mo sasakyan mo sa school because you forgot to fuel it." Sabi nito na naka ngisi.
"I wasn't informed that you're my stalker." I said.
"Who? Me? Your stalker? Come on, wake up. You overslept, sleeping beauty."
"I would love to wake up if this is a dream. Ikaw ba naman kasama ko sa panaginip ko, bangungot tawag don gunggong." Sabi ko rito.
"Ah talaga ba? If you're dreaming about me then you're lucky because that's a fairy tale, and I'm the prince. You're the frog though."
"Bet you're wrong. I'm a monkey, dumbass." And he laughed hard.
"Hindi naman ako sinabihan ni Elijah na happy pill mo 'ko." I said looking at him irritated.
"I was just happy because all this time, aware ka pala?" Hindi na ako nakapag timpi at inabot ko siya tsaka ko sinasakal.
"Do you want us to die?!" Singhal nito nang bitawan ko siya.
"How? E nandito na tayo at naka park ka na. Tanga k?" Sabi ko rito.
Bubuksan ko na sana ang pinto when Zeke grabbed my arm to stop me.
"What?" I asked.
"About what happened last tim-"
"Hindi ba sinabi ni Elijah sa 'yo? I don't accept apologies. The change of attitude will do." Tsaka ko na binuksan ang pinto at bumaba. Bago ko pa man maisara may sinabi pa siya.
"Hindi na nga marunong mag thank you pati ba naman tumanggap ng sorry? Para yun lang e." Sabi nito tsaka ko sinara ng malakas yung pinto ng sasakyan niya.
Maybe Zia and Cali are already inside. We live on the same house our parents gave to us as a gift. Hindi na raw kasi kami mapaghiwa hiwalay kaya pinagsama sama na lang kami. How nice of them, right?
"Hoy. Bakit ka bumaba?" Tanong ni Zeke na takang taka na naka baba na rin pala.
"Why not? I live here."
"You do?"
Naka high ba siya? E hinatid nga niya ako e tapos hindi niya alam na dito ako nakatira? Wait, how did he know?
"Teka nga. Bakit dito ka tumigil? How did you know na ito yung bahay namin?" I asked him at kumunot lang ang noo niya.
"I don't. I live here too." Okay what?
"E bakit dito ka pumunta? Are you trying to do something?" Tanong ko rito tsaka ko niyakap ang sarili ko.
"Dream on, sleeping beauty. May kukuhanin lang sana ako and then I'll drive you home. Don't be so assuming, you're not my type." He said. "Atsaka, you willingy entered my car, hindi naman kita pinilit. So, are you fond on guys with nice cars?" Dagdag pa niya. Hithit pa ng katol tanga.
"I'm fond with cars but not guys. Sa'yo na yang BMW M8 Competition mo, I have my own baby." I proudly said.
"Alin? Yung hindi mo pina gas?" Nakakainis na tanong niya. One dot sasapakin ko pagmumukha neto.
"Just wait and see." Sagot ko na lang sa kanya.
"I will, then." He said then head over their huge gate to open it.
"Laki ng bahay hindi automatic yung gate? Men~" I said habang naka tingin sa kanya.
"Kakalipat lang ulit namin kaya hindi pa naayos. Kayo nga rin e, ang laki ng bahay niyo pero ipa gas sasakyan mo hindi mo magawa. Tsaka pwede ba? Pumasok ka na lang. Dami pang sinasabi e." Sabi nito at naglakad na pabalik sa sasakyan niya. Siya nga 'tong ang daming sinabi e, para nagtanong lang ako.
He stopped midway and looked at me.
"What? Are you gonna watch me till the sun rise?"
"As if, jerk. Bye!" I said tsaka na ako pumasok sa loob.
Habang nagtatanggal ng sapatos I called the monkeys. "Cali? Zia?" no one answered but instead a clean white dog came to me. I lean and talked to her.
"Hey. You're Elijah's right?" Tanong ko sa kanya na parang tanga as if naman sasagot siya. Nilalaro ko ang balahibo niya when she ran towards the kitchen. Maybe the dumbass is here. And I wasn't wrong. Nasa kusina sya at umiinom ng spout pouch juice. My spout pouch juice. Damn him.
"Hoy. Sinong nagsabi sa 'yo na pwede mong inumin yan?"
"Zia told me that I can eat what I want to na makita ko sa ref." He said habang sinisipsip pa rin yung juice ko na iisa na lang dahil hindi pa kami nakapag grocery.
"Ah talaga ba?" Tanong ko sa kanya habang nakangiti pagkatapos ay nagseryoso ako ng itsura, "Bayaran mo yan."
"Ano ka? Para juice lang e." Sabi nito tsaka ulit uminom.
"Umuwi kana kung ayaw mo." Sabi ko tsaka ako akmang lalapit sa kanya para agawin sa kanya yung juice na iniinom niya pero tumayo siya tsaka inilayo sa akin.
Inaabot ko yung juice but he's tall kaya hindi ko gaanong maabot. Lumayo ako sa kanya pero lumapit din ako ulit para sakalin siya habang inaalog alog ko pa siya pero hindi naman mahigpit. I was just playing around.
"O-okay okay. Bukas ililibre na lang kita." Sabi niya. I let go of him tsaka ako ngumiti.
"Yan naman ang mga inaantay ko." He just then again sipped his juice tsaka ako umupo sa isa sa mga dining chairs at umupo rin siya sa pwesto niya kanina.
"Anyway, where's Zia?"
"Naliligo. Naliligo pala kayo?" Sabi nito habang nasa bibig na pa rin yung bibig nung juice. Binatukan ko siya kaya tumawa lang siya.
"Ayos ka ah." Sabi ko sa kanya tsaka kumuha ng sagging.
"How about Cali?" Tanong ko bago kumagat.
"I don't know. Kasama pa rin siguro si Chase. Diba ikaw yung kaibigan? E bakit sa akin mo tinatanong?" Sabi niya. Pinasok ko sa bibig niya yung sagging tsaka na ako tumayo.
"Ang dami mong sinasabi para tinanong ko lang, malay ko ba kung nasa taas na rin siya. Magkaibigan nga kayo ni Zeke. Umuwi ka na nga." Sabi ko tsaka na rin ako umalis ng kusina para umakyat sa taas to rest.
Calista's POV
"Why did you bring me here?" I asked the guy right next to me na naka upo rin sa swing. We're at the park.
"Nothing. I just want to know something." I looked at him confused.
"I told you, wala akong narinig. And I won't tell anyone sa kung ano man, if that's what's bothering you." I told him at nagpatulog sa pag s'swing.
"Not that. It's something else." he said habang nakatingin lang ng diretso. Hindi na lang din ako nagsalita dahil hindi naman niya ako kinukulit sa kung ano man ang narinig ko.
"It's nice, right?" Pagbabasag niya sa katahimikan.
"It is." I answered. Because it's really nice here. The solemness, the beautiful flowers na hindi naman ako mahilig pero nakukuha ng paulit ulit ang atensyon ko. The moonlight, and us, under the moonlight and the stars. The scenario is nice. It feels nice kahit na siya yung kasama ko sa ganitong sitwasyon. I didn't expect us to be close like this to each other dahil sa tuwing nalalapit kami sa isa't isa, nagbabangayan lang kami. He reminds of someone.
Tumayo si Chase and offered his hand to me.
"It's getting late. I'll drive you home." He said. Tumayo ako nang hindi tinatanggap yung kamay niya.
"Hindi naman mababa yung swing, so I can manage. No need for a hand." I said tsaka na ako naglakad. I just heard him chuckled tsaka na rin siya sumunod sa akin.
Nang maka sakay kami sa sasakyan niya at nagsimula siyang magmaneho e asked me where I live.
"Just close here. 3rd street and then 5th house. That's where we live." I said habang naka tingin lang ng diretso sa daan.
"We?" He asked habang nagmamaneho pa rin at naka tingin sa daanan.
"Yeah. I live with the two monkeys." I said and then he just chuckled again. Happy?
"Oh, yeah? I also live with two dumb asses." Sabi niya tsaka lang din ako tumawa ng mahina. Mamaya malamon ko siya kung malakas.
Nang makarating nagpasalamat ako tsaka na bumaba. Nagulat pa ako nang bigla siyang sumigaw.
"Zeke! Yung gate buksan mo na kasi! I messaged you right?" Sabi nito. So they live beside us? Great. But not really.
Zeke then shouted back at him. "Ikaw na! sasakyan mo yan e! Ako nga hirap na hirap ako kanina e, nag message ba ako sa'yo na buksan mo?" Sabi nito na parang nasa garden nila na may hawak pang canned coke.
"Para bubuksan mo lang tol e!" Sagot ulit ni Chase na nasa loob pa rin ng sasakyan niya pero nakalabas ulo niya sa bintana para sigawan si Zeke.
"Ayaw ko pre, ikaw na." Sabi ni Zeke na sumilip pa sa may gate. Gago.
"Zeke, Isa!"
"Ikaw na nga, Chase. Okaya hintayin mo si Elijah nandiyan sa kabila." Sabi ni Zeke na nginuso pa yung bahay namin.
"Zeke, para bubuksan mo lang e." Sabi ni Chase na halatang nauubusan na ng pasensya.
"Ayaw ko nga, Chase." Sabi nito tsaka tumalikod habang nagkapamulsa na hawak pa rin yung coke niya.
"Zeke!" Chase shouted. Here they go again. Guys and their lazy asses.
Napa iling na lang ako tsaka na pumasok sa loob to end my long and tiring day.