"Are you alright?" He asked.
I was stunned. Hindi ko alam ang gagawin ko.
"You're crying." He said while looking at my eyes. Those brown eyes and long lashes gave me assurance that I'm safe with him.
Napatayo ako ng maayos at nagiwas ng tingin habang nagpupunas ng luha.
"What's wrong?" He asked again and this time, I looked at him.
"I-I was being chased." Sabi ko.
"With who?" He seriously asked.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako paalis sa tahimik na lugar na yon na tanging ilaw lang sa nagiisang poste ang nagbibigay liwanag.
"Tell me kung sino kapag nakasalubong natin sila. Don't be scared." He calmly said.
Wala akong ibang nagawa kung hindi ang tumango lang.
I just let him drag me when I don't even know who is he. I just feel like I'm safe with him.
Nagpatianod lang ako sa kaniya habang nakayuko nang mapansin na may kasama pa lang siyang aso.
It's a beautiful and a behave white dog.
"Is that your dog?" I asked.
"I don't know. Maybe she will be."
Ano raw? Oo no.
Napakamot na lang ako ng ulo dahil hindi ko na gets ang sinabi niya.
We heard some foot steps and voices going towards us. Iginaya ako ng kasama ko sa likod niya.
Sumisilip ako because I wanted to see them as well.
"Kaya nga. Ang sa akin lang naman, hindi mo naman KAILANGANG SUMIGAW." Sabi nang isa na sa umpisa mahina ang boses na lumakas din naman bago matapos magsalita.
"Oo nga. Pero kasi, ang akin lang din naman hindi naman natin KAILANGANG MAGAWAY."
"E paano ba dapat?" Tanong ulit ng isa at sabay silang tumawa.
Tawa lang sila ng tawa habang nasa loob pa ng bulsa ng mga jackets nila ang mga kamay nila because it's cold.
One of them looked at us.
"Zia?" Asked Saph.
"You know them?" Tanong ng kasama ko while looking at me and I just nod. Binitawan na niya ako at umalis ako sa may likuran niya.
"Bakit ka nandito?" Tanong naman ni Cali.
"A-Ah... Ano kasi..." Nagiisip ako ng palusot dahil knowing them, they will be furious at hindi nila palalagpasin ang nangyari sa akin.
"She was harassed by some jerks." Sabi nitong kasama ko. Great.
Makahulugang tinignan siya ni Saph kaya napa tikhim siya.
"I-I bumped into her at wala akong masamang balak sa kaniya." He said as if he knows what Saph is thinking.
"Saan? Naaalala mo ba mga itsura nila?" Tanong sa akin ni Cali.
"Anong ginawa sa'yo? Ilan sila?" Tanong naman ni Saph.
"U-uh... Galing kasi akong convenience store. Hindi ko gaanong naaninag mga mukha nila pero tatlo sila and they're all wearing black." Sagot ko.
Nagpamewang si Saph at tumingin sa paligid ng may bigla siyang kinwelyohan.
"Are you one of them?" Seryosong tanong nito sa naka hoodie na itim habang suot pa ang hood.
"G-gagi 'di ako kasali." Sabi nito habang tinatapik yung kamay ni Saph na naka hawak sa kwelyo niya.
Nang makita ni Saph ng malapitan yung mukha niya binitawan niya ito ng pabigla. Saph's eyes should be four you know.
"Elijah? Ano ba kasing ginagawa mo rito gunggong ka?" Sabi naman ni Cali.
"I was looking for my dog. We're taking a quick walk pero nabitawan ko yung leash niya." Sabi nito atsaka nagkamot ng batok.
"I think she's yours." Sabi naman nitong kasama ko. We still don't know his name.
Napatingin si Elijah sa asong kasama niya at nang makita niya bigla siyang lumapit sa aso at niyakap.
"Leila" Sabi pa nito at niyakap ulit. What the hell?
"Kiss ayaw mo?" Tanong ni Saph sa kaniya.
"Gusto mo ikaw na lang?" Sabi nito at akmang tatayo pero iniready ni Saph ang paa niya para sipain siya kaya niyakap ulit yung aso niya.
After 10 years tumayo na rin siya at nag thank you sa nakakita sa pinakamamahal niyang aso.
"Thank you so much bro. What's your name again?" Tanong ni Elijah.
"Thane. I'm Thane and you're welcome. She's a good dog by the way." Sabi nito at ngumiti rin kay Elijah.
"Tapos na ba reunion niyo?" Bagot na tanong ni Cali.
"Edi wow." Sagot ni Elijah at humarap kay Saph.
"Ikaw. Bakit ka nang aano?"
"Ano? Ano?" Sabi ni Saph at akmang susugurin si Elijah pero inawat lang siya nina Cali at Thane, if I'm not mistaken.
"Wala. Tinatanong ko lang e, wag kang magalit." Sabi nito. Umayos na lang ng tayo si Saph at umiling.
"But seriously, what happened? Why did you asked me earlier if I'm one of them?" He asked again. He's dead serious. Tell me he's not Elijah.
Siniko naman ni Saph si Cali na siniko rin siya pabalik na siniko ulit ni Saph. Magulo syempre. We're not friends kung maayos kami.
"Wala. Wala lang yu-"
"Kasi nabastos si Zia." Sabi ni Cali. Madaldal talaga ampota.
Tinignan lang ako ni Elijah and continued talking.
"Bakit hindi niyo kaagad sinabi? Hop in." Sabi niya.
"Saan? Sa likod mo?" Tanong ni Cali na naka turo pa sa likod ni Elijah.
"Osige halika." Sarcastic na sagot ni Elijah na napa tigil pa sa paglalakad nang magtanong si Cali.
"Mukha ba akong nag j'joke?" Tanong ni Cali.
"No. But I'm not either kaya tara na." He said at lumapit sa sasakyan niya sa malapit. So he has a car. Dumbass, of course he has. Sasabihin ba niyang 'hop in' kung wala? Tanga ba 'ko? Oo.
Wala na kaming nagawa kung hindi ang sumakay at sumama na lang sa kaniya.
Calista's POV
Itinigil na ni Elijah yung sasakyan niya malapit sa convenience store dahil nandoon yung tatlong lalaking tinutukoy ni Zia.
Bumaba kaagad si Saph kaya nataranta si Elijah at bumaba na rin.
Sumunod naman kaming dalawa ni Zia together with Thane the savior at nilapitan sila.
Paglapit namin kinukwelyohan na ni Saph ang isa sa kanila at inaawat siya ni Elijah. Akala ko ba seryoso 'to kanina e parang siya pa kabado ngayon?
"Baliw Saph baka mapatay mo." Sabi pa nito habang nilalayo si Saph.
"Anong mapatay e hindi ko naman sinasakal kinwelyohan ko lang tanga. Gusto mo ikaw na lang?"
"Sinasabi ko lang naman." Sagot nito. Gago.
Tinulak ko sa gilid ng balikat niya ang isa. Inaangasan yata ako neto e.
"Bakit niyo ginawa yon? Ha?" Tsaka ko siya tinulak ulit. "Tinatanong kita 'di ba? Bakit?" Sabi ko at paulit ulit siyang tinutulak. Wala lang siyang imik na nakatingin sakin ng masama.
Itutulak ko pa sana ulit siya nang may humawak sa kamay ko. Another jerk.
"What's happening?" Tanong nito habang nakatingin kay Elijah at hawak pa rin ang kamay ko.
"Chase, bro." Sagot naman ni Elijah at sa tabi nito si Saph na hawak sa braso ni Zeke. Bastards. Ano bang problema nila at nakikiasali sila?
Binawi ko ang kamay kong hawak ni Chase at lumapit kay Zia. Ganon din ang ginawa ni Saph na tinulak si Zeke at iniwan siya sa pwesto nila.
"This bastards harassed Zia." Sabi naman ni Elijah.
Chase then pushed the guy like what I did but much stronger. Gaya gaya.
"Why did you guys do that?" Tanong ni Chase sa lalaking tinutulak ko kanina.
"We did nothing."
"Who are you to lie to me? Bakit niyo sabi ginawa yon?" Tanong ulit ni Chase, loosing his patience and pushed him again.
"W-wala nga kaming ginawa. Kakatambay lang namin dito ngayon ngayon lang."
"Anong wala? Hinawakan mo nga pwet ko e!" Si Zia.
"I-I did?" Tanong ng lalaki pabalik.
Tinulak ulit siya ni Chase pero mas malakas pa kaya napa atras siya.
"Siya nga rin e, sinampal ako." Sabi ni Saph habang turo pa yung lalaking kinwelyohan niya. E hindi naman totoo. Akala yata niya joke time ampota.
"A-anong sinampal? Hindi ah!" Pagtatanggol nito sa sarili niya.
"Anong hindi?" Sabi ni Saph sa kanya at sinusugod pa siya pero hinaharangan siya ni Zeke.
"Ano pang ginawa nila?" Tanong ni Chase.
"Hinampas ako ng kahoy niyan oh. Ang sakit tuloy ng likod ko." Sabi ko tsaka ko pa hinawakan likod ko. Sinungaling.
E kasi naman. Kung magsisinungaling sila wag sa aming mas sinungaling. Sana hindi na lang nila yon ginawa kay Zia.
"You did that?" Tanong ni Chase sa isa.
"H-hindi. Wala nga kaming ginawa sabi." Sagot nito
Tinignan ulit ni Chase yung nasa harapan niya at tinulak ulit.
"Tell me what you know or else, you'll not gonna like it. Now, tell me, why did you do that to her?" Seryosong tanong nito.
"Why? Aren't you going to do the same kung sakali? Those two other girls looks soft and flawless as well. I want to try them." Sabat naman nang kaninang kinwelyuhan ni Saph. Anong akala niya sa amin, naliligo? Luh, tanga hindi. Barilin ko siya sa ulo e.
Alam kong hindi rin nagustuhan ni Saph ang narinig niya that is why she was about to go to him but Zeke then rushed into the guy and did the same thing but much stronger as well, dahil medyo napa angat yung lalaki wag lang siyang masakal.
"We don't do that here, motherfucker." Galit na sabi ni Zeke. He's always serious and such but this time, you'll know that his not joking around. He's damn mad.
"I-I... I was just kidding, bro." Sabi nito at pinipigilan ang kamay ni Zeke.
"Well, I'm not." Sabi nito and punched the guy's on the face and the riot started.
We were just watching them while Thane is watching over us.
Nanonood lang kami nina Saph habang nakasandal pa sa sasakyan ni Elijah.
"G-guys... Hindi yata sila yon... Hindi pala mga yan, ibang grupo pala yon pareho kasi e tatlo rin tapos naka black pa." Sabi bigla ni Zia.
Napatingin kaming lahat sa kaniya and I'm telling you, we're all shocked.
Sinong hindi? E pwede nang ipasok sa ICU yung mga lalaking binugbog nina Zeke tsaka niya sasabihin na hindi sila yon? What now?
Pinipigilan namin ni Saph mga tawa namin. Bakit ba? We can't really be serious kahit sa ganitong bagay pa. Gunggong ba naman si Zia sinong hindi matatawa.
Biglang binitawan nina Zeke yung mga sinusuntok nila at lumapit sa amin. Elijah then came towards the other guy at kinwelyohan siya.
"Kayo man yon o hindi, you're not allowed to disrespect any woman. Especially when it's them." He seriously said at pabiglang binitawan yung lalaki kaya bumagsak siya sa lupa. "Hop in. We'll take you home." Sabi nito and entered his car.
Nagpaalam na rin si Thane because he said he has something to do. Turned out that he's our schoolmate, but he's ahead of us kaya siguro hindi siya pamilyar.
Sasakay na sana si Saph sa sasakyan ni Elijah when Zeke dragged her insider his car. Okay? Hinayaan ko na lang sila, kaya naman ni Saph sarili niya.
I was about to do the same nang sinara ulit ni Chase yung pinto ng sasakyan ni Elijah nang malakas.
"Chase naman! Mamaya matanggal yan ah. Palitan mo." Dungaw ni Elijah sa bintana niya at hinaplos pa ang pinto ng 2021 Silver Cadillac Escalade niya pero hindi siya pinansin ni Chase.
"You're coming with me." Sabi niya.
"Why would I? Uuwi na ako, I'm tired, Chase. I don't have anything to do with you."
"I'll take you home." He said and left me there.
Hindi ko na sana siya papansinin at bubuksan na sana ulit yung pinto pero pagtingin ko wala na yung sasakyan ni Elijah.
That guy. Sasakalin ko talaga siya kapag nagkita kami.