After eating, bumalik na rin kami sa bus. After an hour or so, we already arrived at the place. It's a beautiful green grassed ground and at the both side of it are the cabins. Sa kaliwa ay ang cabins naming mga girls and the other side are for boys. Tinuro rin sa amin kung nasaan ang dining hall and it is located close to the entrance.
Sa grounds ay may mga kung ano anong mga gamit. Maybe things that we will be using for the activities. At sa dulo non ay may mga puno. It is like a forest.
"Students, you still have 2 hours before todays activities. So you can at least take a rest or enjoy the place. The bell will ring when it is time so you better come here at the grounds before it will end. The person who will come late will be receiving a punishment. You can take a look at your schedules for less troubles. That's all." Mahabang paliwanag ng professor namin.
"So, we still got 2 hours before the hunting. Teka, hunting?" Sabi ni Cali.
"Sabi rito sa likod, it is called hunting kasi we will look for the foods that we can eat for dinner. Nasa may woods daw, which is maybe there." Turo ni Saph sa may parang forest.
"Sus, ang dali lang niyan e, tayong galing gubat pa isasali nila sa ganito." Sabi ni Cali. Tumawa lang silang dalawa at kung ano ano na ulit ang pinagusapan.
"Nakalagay din dito na it is per team. Yung team na mabubuo during the hunting will be our team hanggang sa matapos lahat ng activities." Sabi ko naman sa kanila kasi tinigilan na nilang basahin yung mga schedules.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa mga cabins.
"Sabi ni Sir Torres we can pick our own cabin. Maximum of five per cabin kaya pwede naman tayong magsama sama." Sabi ni Saph habang naglalakad kami sa may hallway ng mga cabins.
Tinitignan namin ang mga cabins kung may laman na ba para alam namin kung saan kami pwedeng pumwesto.
Nasa may bandang gitna na kami nang makita naming wala pang tao kaya yun na lang ang pinili namin. May dalawang bunk beds at isang queen size na single bed.
"Guys, sa akin na yung single bed ah?" Sabi ni Saph na naka patong na ang mga gamit sa kama.
"May magagawa pa ba kami sa lagay na yan?" Tanong ni Cali sa kanya. Tinawanan na lang nila ang isa't isa ikaya napa iling na lang akong inayos ang gamit ko.
We were doing our own thing nang bumukas ang pinto at pumasok si Ms. It girl. Psh. It girl? There's really nothing special about her. Talagang nagmamaganda lang siya.
Tinignan lang niya kami habang hawak pa rin ang doorknob. Cali just raised her eyebrow at her at inayos na ulit ang gamit niya.
"I'll take the single bed." Biglang sabi ni Trisha.
"Oh, I'm sorry, sweetie, but I had my name written on it." Turo ni Saph sa kama na may mga gamit niyang sinasabi niyang pangalan niya at binigyan lang niya ng matipid na plastik na ngiti. Saph and her bitchy b***h attitude.
Wala nang nagawa si Trisha at pinatong na lang ang bag niya sa isa pang bunk bed.
"We will be cabinmates for at least 3 days, so please be friendly and cooperate." Sabi nito habang inaayos ang gamit niya.
"Of course we're friendly, unless you decided to be bitchy and be bossy around us. We don't actually take orders." Sagot ni Saph sa kanya na hindi man lang siya nililingon.
Nilapitan ko siya tsaka ko tinusok tagiliran niya.
"Ano?" Sabi niya tsaka ko lang siya sinenyasan na tumigil. "At least tumigil diba?" Sagot pa niya sakin. Hampasin ko siya ng hanger e.
Nang matapos kaming magayos ng mga gamit ay nagkwentuhan na lang kami sa may cabin. Si Trisha ay lumabas nang matapos siyang magayos.
Nakahiga lang kami sa kama ni Saph at nanonood sa phone ni Cali nang bigla nang tumunog ang bell.
"Naman oh, ayos na ng higa ko e." Sabi ni Cali habang patayo sa higaan.
"Umuwi na kaya tayo?" Sabi ko naman.
"Gagu." Sabi naman nilang dalawa habang nagsusuot ng sapatos.
Paglabas namin ay dumireto na kami sa gitna ng grounds. Nakita pa namin si Trisha na nasa harap ni Chase pero nilagpasan lang siya nito.
"Students, you will now be able to meet your teammates. Para less hassle, the staffs said na kung ano ang cabin number niyo it will be your team number. It will be a boys and girls team kaya kung ano ang katapat na number ng cabin niyo ay yon ang magiging teammates ninyo. Makakasama niyo ang isa't isa the rest of this out of town activity. So, gather your teammates because the hunt will about to start." Sabi ni sir Torres na nasa gitna.
"Mamaya hanggang sa langit kayo makasama ko ah." Sabi ko sa kanila.
"Langit? Hindi mo sure~" Sagot naman ni Saph.
"Ladies! Guess who's your teammate." Malapad na ngiting salubong sa amin ni Elijah.
"Ayaw kong hulaan. Parang gusto ko na lang ng bunutan." Sabi naman ni Cali.
"Grabe naman yan Cali, parang hindi naman tayo magkaibigan niyan."
"Anong parang?"
Tumawa lang kami ni Saph at ito namang si Elijah hindi na gets.
"Ano raw Saph?" Tanong nito kay Saph.
"Malay ko sayo tanga, ikaw ang kausap e." Sagot naman nito tsaka na lang umiiling na tumingin ng diretso.
Hindi na lang yun pinansin ni Elijah at lumingon siya sa likod.
"Eithan! Dito tol oh, sina Zia mga kasama natin." Sabi nito kay Eithan na papalapit sa amin
"Edi, cabinmates kayo?" Tanong naman ni Cali sa kanya pagkalapit niya.
"Yeah. Sumali na kami ni Aiden sa kanila since sa cabin na lang nila ang may bakante." Sagot naman ni Eithan.
Nakita naman naming papalapit sina Chase direksyon namin. Talagang pinaglalapit lapit yata kami ni Lord. Amen.
"Where's Aiden?" Tanong ni Saph nang makalapit na sina Chase at Zeke.
"Mukha ba akong hanapan ng nawawalang tao?" Tanong ni Zeke sa kanya.
"Mukha bang ikaw ang tinatanong ko?" Balik naman ni Saph sa kanya. Hindi ba sila nagsasawa sa pagbabangayan? Dami nilang reklamo sa buhay. They're really the same version of each other.
Zeke just then took a deep breath at hindi na lang pinansin si Saph.
"He's on his way. Nagpalit lang yata." Sagot naman ni Chase sa kaninang tanong ni Saph.
"I see. Thank you." Sagot naman ni Saph pero nakatingin siya kay Zeke na parang pinariringgan siya.
"Chase" Biglang sabi ng bruha.
"Oh~ so we have Ms. It Girl on the team." Masiglang sabi naman ni Elijah na nasa tabi ko kaya siniko ko siya.
"Bakit?" Mahinang tanong naman niya sakin.
"Pwede ba, wag kang maingay? Mahiya ka naman. Kung type mo siya you can tell her but not like this." Sabi ko naman sa kanya.
"Nah. She's not my type. I have a better taste." Nakakalokong sagot naman niya sakin. Hindi ko na lang siya pinansin dahil alam kong kung anu-ano na naman ang mga sasabihin niya.
"What are you doing here, Trisha?" Si Chase.
"Chase, we're teammates. I'm in the same cabin with them." Pagtutukoy ni Trisha sa amin.
Napamasahe na lang si Chase sa sentido niya at tumingin sa ibang direksyon.
Saph and Aiden are just talking at nagtatawanan pa kasama si Cali.
"So... Should we make a plan?" Pagbasag ni Eithan sa katahimikan.
"Sure. Hahatiin ba natin ang team?" Dagdag naman ni Saph.
"Ganon na lang. Para mas mabilis and so we can hunt a lot of food." Pag sangayon ni Cali.
"So, who wants to come with me?" Tanong ni Elijah.
"Wala." Sabi ko sa kanya.
"At dahil diyan, she's coming with me. Right Eithan?" Sagot nito at hinila pa ako sa may bewang. This jerk.
Ngumiti lang si Eithan and said, "If she wants to." At nagkibit balikat.
"Oh, she can't say no."
Hinayaan ko na lang siya dahil wala rin naman akong magagawa at alam kong hahaba lang ang usapan kaoag hindi ako pumayag.
"I'll go with Chase." Sabi naman ni Trisha at lumingkis pa sa braso ni Chase.
"I'll be with Cali then." Sagot naman ni Eithan habang tinitignan si Cali ng makahulugan.
Tinignan namin sina Saph na hindi pa nakakapag decide. Saph just then shrugged her shoulders.
"Pwede naman akong sumama kahit kanino sa inyo. Ayaw ko lang talagang sirain ang love teams ninyo." Sabi niya at nakakalokong ngumiti.
"I'll go alone." Biglang sabi naman ni Zeke at napatingin kami sa kanya.
"Pwede namang tayong tatlo nina Aiden."
"I'd rather be alone."
"Can't you set your ego aside at sumama ka na lang sa amin?" Naiinis na sabi ni Saph sa kanya.
"That'll be fair, Zeke. Just go with them." Sabi naman ni Cali.
Zeke just brushed his hair with his hand at nauna nang maglakad sa amin. Tinignan naman ni Aiden si Saph at tinanguan kaya sumunod na sila.
"Guys! Dito rin tayo magkita kita after an hour ,okay?" Paghabol na sabi naman ni Elijah sa kanila. Saph just then raised an 'okay sign' without looking back.
Sumunod na rin kami sa kanila sa woods because sir Torres said that we can start and we have 1 hour before it ends kaya kailangan naming galingan maghunt.
"Are we looking for a dish?" Tanong nitong kasama ko.
"Dumbass, syempre hindi. Mga sangkap lang ang hahanapin. Bakit naman sila magiiwan ng nakalutong pagkain dito edi napanis na. My Good God, Elijah."
"Ang dami mo namang sinabi para nagtanong lang ako." Pagmamaktol naman niya.
Nagpatuloy lang kami sa paghahanap until I saw a flower of a sweet potato. Lumiko ako sa direksyon non at titimpo na sana para bungkalin when someone pushed me kaya medyo napasubsob ako.
"Ops, I got here first." Sabi ng isang lalaki.
I was about to answer when someone sat malapit sa mga kamote at binungkal yon. We just looked at him at nang matapos niyang kuhanin lahat ng yon tumayo na siya at tinapat pa sa lalaking tumulak sa 'kin.
"You got here first but I got these baby first. Sa amin na sila ngayon." Sabi ni Elijah.
"E-Elijah" pabulong sabi nung lalaki.
"Oh, you know me. You know what to do now, right?"
"I-I uhh.. I'm sorry..."
"Keziah." I said.
"I'm sorry for pushing you, Keziah."
Tinanguanan ko naman yung lalaki at tinignan si Elijah na tinitignan yung mga kamote habang hawak niya.
"Mukhang marami naman 'to tol e. Gusto mo ba?" Tanong niya sa lalaki at tinapat pa sa pagmumukha niya.
"N-No. Thanks." Sagot naman nito sa kanya.
"No, you can have some." Pagpipilit ni Elijah sa kanya at nilalapit pa lalo sa lalaki kaya napapalayo ito.
Hinila ko yung kamay ni Elijah and whispered, "Ano ka ba? Puno ng lupa yan oh ilalapit mo sa pagmumukha niya e ang dumi niyan."
"Ano ka ba? Okay lang yan. Naliligo naman yata siya e. Naliligo ka naman tol diba?"
"Y-yeah. I do." Sagot namab nito sa kanya.
"Oh naliligo naman e. Tara na nga, nagbago na isip ko." Sabi nito tsaka na naunang naglakad sakin habang tinitignan pa rin yung mga kamote. Ang damot ni gago.
Sinulyapan ko na lang yung lalaki at sumunod na kay Elijah para makapag hanap ulit ng pwedeng kainin.