Sapphire's POV
Nasa loob na kami ng woods ngayon at nagtitingin tingin ng kung ano.
Nang nasa may b****a kami ng woods naghihintay don si Zeke habang nakasandal sa isang puno and he just stayed behind us nang magsimula na kaming maglakad.
"I'll go over there. Medyo matarik yon kaya just stay there." Sabi ni Aiden sa 'kin. Tumango na lang ako dahil ayaw ko rin namang pumunta sa direksyon na yon.
I saw Zeke na may nakatimpo ng upo at tinitignan yung halaman. Plantito ba siya?
Hinayaan ko na lang siya dahil alam kong hindi rin naman siya makikinig sa 'kin kapag inutusan ko siya.
Napatingin ako sa may kanan ko at ngayon ko lang napansin na puno pala 'to ng mangga.
Inaayos ko ang suot kong pants at tinali ang hood ng hoodie na suot ko para hindi madumihan ang buhok ko.
I started climbing the tree para maka kuha ng bungga. Nang makapitas na 'ko I called Zeke.
"Zeke! Saluhin mo para hindi masira!" I told him
Napatayo naman siya at lumapit sa ilalim ng puno habang nakatingin sa akin.
"What the hell, Saph?! Bumaba ka nga riyan!"
"It's fine! Just catch the mangoes!" I told him again.
"Bumaba ka na! I'll do it!" Sigaw niya ulit sa akin.
"Okay nga lang! Naka akyat na 'ko oh! Just catch these."
Nagpamewang lang siya saglit at huminga ng malalim bago ilahad ang kamay niya to catch the mangoes.
Nang masalo niya yung iba binitawan muna niya sa lupa and looked at me again.
Medyo tumaas pa ulit ako ng akyat para maabot yung hinog na mangga.
"Saph, stop right there! These are enough. Tama na yan!" Sigaw ulit niya sa 'kin.
"Last na!" I said.
Nang itatapak ko na ang kanang paa ko sa isang sangga ay bigla itong nabali. I lost balance and I know for a fact na mahuhulog ako.
I screamed dahil ramdam ko na ang sakit sa impact na pwede kong maramdaman kapag bumagsak na 'ko.
But instead, I landed on someone's chest and his arms are wrapped around me.
Nagmulat ako ng mata and I saw Zeke na napangiwi maybe from the pain dahil siya ang tumama sa lupa.
I was just looking at him still processing nang magsalita siya.
"Get off." He said at napakurap muna ako bago tumayo.
Nang makatayo ako ay nagiwas ako ng tingin, still don't know what to do.
Tumayo na rin siya at pinagpag ang itim niyang shirt na medyo nadumin dahil sa pagkatumba niya.
Nakatingin lang ako sa baba habang siya ay nakatayo lang sa may harapan ko at alam kong nakatingin sa 'kin.
"Don't you know how to listen?" May inis na tonong tanong niya sa 'kin.
"H-hindi ko naman alam na mababali. And I'm fine, so you don't have to be mad." Dipensa ko habang tumitingin ng pasulyap sa kanya.
"Who said I'm mad? I'm just pissed dahil hindi kayo marunong makinig." Sabi nito tsaka pinulot yung mga mangga.
I was just looking at him nang mapansin kong medyo namumula yung kaliwang kamay niya.
"Your wrist is swollen." I told him.
"Don't mind it." Walang lingong sabi niya sa 'kin.
Lalapitan ko na sana siya to check his wrist nang dumating na si Aiden na may dalang mga sagging. Hindi naman niya sinabing may lahing unggoy din pala siya.
"What happened? I heard a scream. Are you okay?" Tanong nito sa 'kin at chinicheck pa ako habang hawak ang magkabilang balikat ko.
I gave him an innocent smile and said, "I'm fine." At pumulot na rin ng mga
manggang nakuha namin.
Nang matapos kami ay nilibot pa namin ang woods para makapag hanap pa until the bell rang at bumalik na kami sa grounds.
Naabutan na rin namin sina Cali na nandon habang naka patong sa baba ang mga nakuha nila.
"Anong nakuha niyo?" Tanong ni Elijah.
Binitawan naman nina Aiden ang mga nakuha namin sa tabi ng mga nakuha nila.
"Sinong magluluto? Ang sabi kasi malawak ang kitchen sa may dining area and three people per group ang pwedeng magluto." Pagpapaliwanag ni Zia.
"I can help." Masiglang sabi naman ni Trisha.
"You can even peel a carrot properly." Sabi naman ni Chase kaya nanahimik na lang siya.
"I can." Sabi naman ni Cali.
"Sasamahan ko siya." I said at nagbitbit na ng pwedeng bitbitin.
"Zeke can cook." Sabi naman ni Elijah.
I looked at him at nagiwas lang siyang ng tingin.
"I'll go with them, then." Sabi naman niya at nagbitbit na rin at nauna na ulit maglakad sa amin.
Nagkibit balikat na lang kami at sumunod na sa kanya.
Nang nasa entrance na kami ng dining hall kanya kanya sila ng paalala sa amin.
"Sarapan niyo ah? Kapag yan hindi." Sabi ni Elijah na yakap yakap pa yung mga kamote.
"Amin na nga yan ang dami mong sinasabi, kanina ka pa." Sabi ni Cali at inagaw sa kanya yung lalagyan ng mga kamote at pumasok na rin sa loob.
"Saph ah." Sabi nito sa 'kin.
"Elijah, isa pa. Isa pa talaga bibinggo ka na sa 'kin." Sabi ko sa kanya.
"Nag s'suggest lang." Sagot pa nito. Tinalikuran ko na lang sila at pumasok na.
Bago pa man sumara yung pinto narinig ko pa si Aiden na nagsabi ng, "Suggestion ba yon?"
Napailing na lang ako sa mga naiisip nila.
Nang makapunta na ako sa kusina at sa naka assign na place sa amin nagtanong si Cali kung anong lulutuin.
"Adobo?" I asked.
"Pwede. May manok na rin naman sa freezer." Sagot ni Cali.
"What do you think Zeke?" Cali asked him.
"Anything is fine." He answered.
Nagkibit balikat na lang kami ni Cali at ni ready na ang mag sangkap.
Si Zeke na sana ang maghihiwa nang mapansin ni Cali yung kamay niya.
"Wala naman. Namali ako ng hila sa pinto kanina, naipit." Walang kwentang sagot niya.
Sinabihan naman siya ni Cali na siya na lang ang maghalo dahil alam kong hindi siya naniniwala sa palusot niya.
Nagpaalam ako sa kanila na iihi lang ako saglit kaya tinanguhan lang nila 'ko.
Nang makabalik ako sa kusina halo ng halo si Zeke sa kawali habang kinakausap si Cali na naghihiwa.
"Cali, expired siguro yung chips mo. Sumakit tiyan ko e." Sabi nito.
"Sabi mo nakadalawa ka lang? E bakit ako hindi naman?" Sagot naman ni Cali na patuloy pa rin sa paghihiwa.
"Aba, ewan ko sa 'yo. Makunat pa nga yung isang nakuha ko e."
Natawa na lang si Cali sa kanya at napailing.
Hindi pa rin nila alam na nakabalik na ako kaya sinilip ko yung hinahalo ni Zeke.
Nang tignan ko nagtaka pa 'ko bakit hinahalo pa rin niya kahit walang laman nang mapansin kong natapon na yung hinahalo niya.
"Nahilo na yung sandok." Sabi ko sa kanya at gulat pa siyang napatingin sa kawali.
"Oh... Nasaan na?" Tanong pa nito.
"Ang alin?"
"Yung bawang. Meron kanina e." Sabi pa niya na hindi pa rin napapansin na ako yung kausap niya.
Napatingin naman kami kay Cali na biglang tumawa.
"Ayan tanga oh, tumapon na. Kwento ka pa ah." Sabi nito at naghiwa ulit habang natatawa.
Natatawang napailing na lang din ako atsaka kinuha yung sandok sa kanya.
"Ako na nga."
"S-saph."
"Oo, ako na." Sabi ko sa kanya kaya lumayo naman siya ng konti. Ginawa na lang niya kung anong mga pinapasuyo namin sa kanya.
Cali even told him na pumunta siya sa clinic dahil meron sa tabi ng dining hall but he refused.
Nang matapos ay tinawag na namin sina Zia and we shared the food we cooked.
Aiden sat beside me and we just ate quietly. Si Elijah lang naman ang madaldal at maya't maya siyang sinisiko ni Zia para manahimik siya.
"Zeke, what happened to your wrist?" Tanong ni Elijah sa kanya.
"Nothing, Lij. Just eat."
"Galit ba siya?" Pabulong na tanong niya kay Chase kaya nasamid ako dahil natawa ako sa kanya. Ano bang brand ng katol sinisinghot neto?
"Zeke, I suggest that you should go to the clinic. Mukhang mas namaga yung kamay mo." Sabi naman ni Eithan. Tinanguan lang siya ni Zeke and he continued eating.
Nang matapos kaming kumain ay nagaya na silang lumabas. Mr. Torres said that we can roam around until 12 but after that dapat wala nang students sa labas ng mga cabins nila.
We decided to take a bath first at magstay sa labas after that maybe before 12.
It is a big restroom pero may mga cubicles naman kaya hindi naman kami magkikitaan. Unless you want to. Iyess~
Anyway, I was the first one to finished showering kaya sinabihan ko sina Cali na mauuna na 'ko sa cabin namin.
Nang matapos akong magayos ay lumabas ako para balikan sina Cali sa banyo at daldalin sila doon but I saw Zeke walking on the corner of the grounds.
I walked closer to him at pinantayan ko yung lakad niya.
I was just looking at the green grassed ground at tumingin sa kanya pagkatapos ng ilang saglit.
It is like I saw a tamed demon because he looks calm and quiet.
"Aren't you going to the clinic?" I asked him.
Tumigil siya sa paglalakad and he looked at me. Napatingin lang din ako sa kanya at huminga siya ng malalim bago magsalita.
"Just go inside, I can handle it." And he just continued walking. Pinantayan ko naman ulit ang lakad niya.
"I'll help you. Sasama ako sa 'yo." Pangungulit ko. Hindi kasi ako mapalagay dahil alam kong dahil sa 'kin kung bakit namamaga yung kamay niya.
Tumigil ulit siya sa paglalakad and looked at me seriously and impatiently.
"Fine. Bukas na lang. Sasabihan kita kapag pupunta na 'ko. Now, go inside."
I flashed a cheerful smile and said, "okay." Atsaka na ako tumalikod. But I stopped when I remembered something.
I reached for his injured wrist and wrapped my face towel on it. I can feel that he was just looking at me.
Nang matapos kong ilagay yon sa kamay niya ay tinignan ko lang siya.
"Sabi mo kasi bukas mo pa ipapatingin, but I think you have to at least wrapped it up." I said and smiled again tsaka na ako naglakad pabalik sa cabin namin.